Sunday, May 19, 2013

Entry to Saudi without Visa for Newborn Infant


Is it possible for Filipino newborn infant to enter Saudi Arabia without visa?

Answer is Yes.

"Visa is on arrival for babies. He only needs passport". Ito ang sabi sa akin ng Government Relation officer ng kumpanyang pinapasukan ko. Gusto ko sanang iextend ang reentry visa ang noo'y buntis ko pang misis. Sa Pinas kasi siya manganganak. Naging kampante naman ako sa pag-uusap naming iyon.

Nakaplano na ang susunod naming gagawin paglabas ng baby para makabalik si misis sa kaharian na di pa maexpire ang 6 months exit-reentry visa niya. Three months before due date ay nagbiyahe na si Misis pauwi sa Pinas ayon na rin sa bilin ng doktor. Ibig sabihin, mayroon lamang kaming tatlong buwan para asikasuhin ang mga dokumentong kailangan ni baby para maisama siya pabalik.

DOCUMENTS. Pagkapanganak kay baby, iniregister na kaagad siya sa munisipyo at humiling ng endorsement letter mula sa Municipal Local Civil Registrar para maiforward kaagad sa National Statistics Office ang kanyang local birth certificate. (Tatlo hanggang apat na buwan ang proseso nito kapag walang endorsement). Ang letter at LCR birth certificate ay ipinadala sa Regional NSO through LBC.

Pagkatapos ng dalawang linggo, pilit na ibiniyahe si baby sa Department of Foreign Affairs para mag-apply ng passport. At noong time na iyon nalaman namin na ready na rin pala sa system ng NSO ang birth certificate ni baby. Dahil infant pa ay di na kailangan ng priority number at nakakuha kaagad kami ng kopya ng birth certificate mula sa NSO.

Sa loob ng isang araw ay natapos ang mga kailangang dokumento at nakapag-apply ng passport si baby sa DFA. 12 working days and rush releasing ng passport ayon sa DFA at dahil may mga holidays ay halos mag-iisang buwan na bago natanggap ang passport.

Habang naghihintay ng passport, naiprocess rin namin ang pag-authenticate (red ribbon) ng kanyang birth certificate na lalo pang napadali dahil sa www.authenticationexpress.com. Isang email lang at within a week ay matatanggap na ang authenticated birth certificate. Ganun din ang paglagay ng saudi stamp ng embassy na makukuha within 3 days sa tulong ng dati kong agency.

 Courtesy of dfaredribbon.blogspot.com

Sa loob ng dalawang buwan ay nakahanda na si baby. May passport na ito. May authenticated birth certificate pa. Hawak na rin namin ang kanyang flight ticket paalis ng Pilipinas.

AIRPORT. "Hindi allowed yan Sir. Hindi talaga pwede yan! Di puwedeng magbiyahe ng walang visa kahit baby!". Kailangan pang makipagtalo sa visa checker ng NAIA airport. Ayaw kaming icheck-in ng airline. First time ba nila sa Pilipinas na magkaroon ng ganitong kaso? "Sir, Maam, yung nagrerelease po ng visa namin sa Saudi ang nagsabi na di na kailangan ng visa ni baby dahil resident card holder kami".

Naging busy ang check-in counter ng airline. May libro silang binubuklat. May mga taong tinawagan. Malamang pati immigration sa Saudi ay nakausap din nila. Nahold kami ng dalawang oras. At sa katagalan, nakacheck-in din kami at wala man lang ni isang tanong at tinatakan ang passport ni baby nang dumaan kami ng Philippine Immigration.

Pagdating namin sa Saudi immigration, may kaunting interview sa amin at binigyan ng entry stamp at visa on arrival ang passport ni baby. Wala nang ibang dokumentong hiningi. Paglilinaw ng Saudi immigration officer, "Three months old and below are consider as newborn. They are allowed to enter without visa as long as their parents are iqama holder. "