Saturday, July 20, 2013

Mga Di-dapat at Dapat Gawin ng OFW sa Saudi

Bilang tugon sa isang kahilingan, ginawan natin ng paraan para makuha ang mga listahan ng mga DAPAT at DI-DAPAT gawin ng isang OFW dito sa kaharian ng Saudi Arabia.

Ang bansang Saudi Arabia ay masasabing weird ng iilan. Ganunpaman, ang bansang ito ay may sariling kultura na kakaiba at bukod tangi. Halos 25% ang expat dito ayon sa World Fact book, ngunit nirerespeto pa rin ng karamihan ang konserbatibo at mahigpit nilang pamamalakad.

Ang mga nasa listahan ay iilan lamang sa napakaraming DO'S and DONT'S sa bansang ito. Ganunpaman, nabanggitt naman ang kadalasan at kalimitang nangyayari base na rin sa aking sariling karanasan.

Mga Di Dapat Gawin

Huwag kumain, uminom at manigarilyo sa pampublikong lugar sa mga oras na bawal tuwing ipinagdiriwang ang Ramadan. Kumain lamang sa loob ng kuwarto na hindi ka nakikita ng kasamahang Muslim. Ito ay bilang pagrespeto sa kanilang tradisyon at paniniwala.
Huwag magbigay o tumanggap ng anumang bagay na gamit ang iyong kaliwang kamay. Sa kadahilanang ang kaliwang kamay ay ginagamit sa paglilinis ng katawan kaya madumi. Laging gamitin ang kanang kamay sa lahat ng bagay.
Huwag umalis o gumala ng nag-iisa lalung lalo na sa gabi. Kung di talaga mapigilan ay sana man lang ay maiwasan. Hindi lamang sa Saudi ito applicable kundi kahit saan mang bansa. Hindi kasi natin ito lugar at ang mga krimen ay kadalasang nangyayari sa gabi.
Huwag basta maniwala o sumama sa taong di mo kilala. At kahit makipagkaibigan ay iwasan.
Sa mga babae, iwasang mag-iwan ng numero ng cellphone sa mga kalalakihang di kakilala.
Huwag sumali  sa mga political o kahit anong religious activities na hindi ayon sa Islam. Ang Saudi Arabia ay sagrado at devoted lamang sa Islam.
Huwag tumingin o makipag-usap sa mga kababaihan. Maliban na lang kung ikaw ay tinatanong.
Iwasan ding madikitan ang babaeng Saudi kaya dumistansya kapag sila ay nasa daanan.
Huwag pumasok sa family section ng isang establisment kung ikaw ay bachelor o single. Exclusive lamang ito sa kababaihan at may mga pamilyang Arabo o expat.
Sa kalalakihan, huwag magsuot ng short pants kung ikaw ay papasok sa opisina ng gobyerno. Wala namang dress code, pero hindi talaga ito pormal.
Huwag kumuha ng litrato sa pampublikong lugar at mga opisina. Lalong lalo na kapag may background na kababaihan. Maliban na lang kung ikaw ay humingi ng pahintulot.
Huwag kang pumasok sa mosque kung ikaw ay di Muslim maliban na lang kung ikaw ay inanyayahan. Hindi rin nakakapasok sa Mecca at Medina ang isang expat na hindi Muslim.
Huwag sumali o tumulong sa isang gulo na sangkot ang isang Saudi.
Iwasang makipagdebate o makipag-away sa isang Arabo.
Huwag mong tulungan ang isang biktima ng aksidente kung ikaw ay nag-iisa. Mahirap na kapag ikaw ang mapagbintangan. Maiging tumawag sa emergency hotline para humingi ng saklolo.
Huwag uminom ng may alkohol, magsugal, o gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Isama na rin dito ang pag-iwas sa gawaing prostitusyon. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal na may parusang pagkakadeport, pagkakakulong o kamatayan.
Iwasang dumaan sa mga naglalaro na kabataang Saudi. Lalong lalo na sa nagbibisikleta at iyong naglalaro ng pellet guns. May ibang kabataan dito na di marunong rumespeto ng mga matatanda.
Huwag magpakita ng paglalambing sa publikong lugar tulad ng pagyakap o paghalik kahit sa siya ay iyong asawa. Ang Pubic Display of Affection ay may kaukulang kaso dito.
Huwag magsuot ng pambabaeng kasuotan kung hindi ka naman babae. Isang paalala sa mga kapatid sa third sex.
Huwag buksan kaagad ang pintuan ng bahay pag may kumakatok. Alamin muna kung sino. Marami na kasing pangyayari na nalooban ang flat/apartment dahil sa pagkakamaling ito.

Mga Dapat Gawin

Ang babae at lalake ay magkaibang grupo sa Saudi Arabia. Dito lang ako nakakita ng Ladies Market at Bank only for Ladies. Kaya bawal magsama ang isang babae at isang lalaki kung di naman magkaanu-ano. Kahit kayo ay magnobyo pa. Kailangan ng legal na dokumento na kayo ay tunay na mag-asawa bago kayo magsama.
Sa mga kababaihan, magsuot ng abaya tuwing lumabas. Ang pagsuot ng abaya ay nagpapahiwatig ng ating respeto sa konserbatibong kultura ng Saudi.
Magpakita ng motibo o interest sa kultura, tradisyon o kahit ang relihiyon ng mga Saudis. Natutuwa sila sa mga dayuhan na sumusubok ng salitang Arabo at iyong may interes na basahin ang mga librong may kinalaman sa Koran at Islam.
Ang sagot sa pagbati ng isang Arabo na ASSALAM ALAIKUM (Peace be with you) ay WA ALAIKUM ASSALAM na ang ibig sabihin ay "And also with you".
Sa mga kalalakihan, laging makipagkamay  kung ikaw ay magtatanong o pumasok sa opisina ng among Arabo o may ipinakikilalang bagong kasama.
Makiinom o di kaya ay makikain lamang sa kanilang "tea and date session" kung ikaw ay inimbitahan.
Makipagkwentuhan sa mga lokal. Gustong gusto nila ang topic about travel and family. Sa ganitong paraan, mas makikilala mo ang totoong kultura ng isang Saudi national. 
Palaging dalhin ang  iqama o ang community card kahit saan man magpunta. Minsan may surprise check up ang mga pulis sa mga expat. Ang walang maipakitang iqama ay may libreng bakasyon sa kulungan.
Magsariling sikap ka! Ikondisyon mo palagi ang iyong sarili. Panatilihing gumagana ang immunity upang labanan ang HOMESICK!


(Other sources: Easy way to learn Arabic, 4th edition by Mahmoud S. Tajar)


115 comments:

  1. salamat sa post na ito.... mabuti na lang nagagawa ko din ang mga ilan diyan...

    dapat mag ingat talaga.. at sumunod sa batas nila....

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. Tanong ko lang po . pde po ba nagdala ng sigarilyo from phil to saudi ?

      Delete
    2. Good day sir,ask ko lang po may mga karapatan po ba mga employer na pakialaman Ang celfon Ng mga katulong nila dito sa Saudi?

      Delete
  3. pagawa po ng do's and dont's every ramadan sa bansang jordan..andito po ksi ako ngaun at first time ko dto..salamat po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya na wellton, sa saudi po kasi ako nakadestino. Ito lang ang do's and dont's na sigurado ako dahil naencounter ko.

      Delete
  4. ok lang po kababayan..still,salamat pden for the info..ndi nman siguro ngkkalayo ng mGa bwal at di bwal sa mGa bansa kung nsan tayo..super higpit lang senyo,dto di masyado..salamat ulet:) GODblessyou

    ReplyDelete
  5. Hello po..paano po kng may kinalaman sa pera?meron po kasi akong kilala pinasali xa ng kakilala nya sa emgoldex..nagbigay po xa ng 3,100sr dalawang beses..bali 6,200sr..isang taon na po ang nakalipas,pinakiusapan po nya yung pinaka team leader nya dto sa saudi na kng pwedi ibalik na lng yung pera..pero matigas po xa..di na raw pweding ibalik yung pera ko...may habol po ba xa?pwedi pa po ba nyang makuha ang pera nya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ingat lamang po sa ganyang mga modus kabayan. Wala po akong ideya sa ganyang mga transaksyon. Isa lang po ang masasabi ko. Ingatan niyo po ang kita niyo. Siguraduhin po muna kung lihitimo po ba ang papasuking transaksyon kung ito ay totoo o baka scam lamang.

      Delete
    2. bawal ba ang cellphone sa mga dh sa saudi kasi pinag bawalan yun kapatid ko.bago lng cya sa jeddah ako sa saihat

      Delete
  6. marami salamat sa info po dito

    ReplyDelete
  7. tanong q lang po kng bawal poba dw mag
    dala ng khit na anung religious stuff? tulad nlng po ng rosary or cross na kwentas.. d po kc aq mpakali pag hindi q dala ang mga etu pag umaalis aq.. on d process npo papers q pa riyad... thanks sa nfo mo ;)
    godbless

    ReplyDelete
  8. Opo. Bawal dahil kinukumpiska iyan lalo na kapag direct flight ang eroplanong sasakyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bawal. Po ba matapon na. Damit na.puti ung mahaba

      Delete
  9. ah gnun po ba.. salamat ;) ahh mtanong q lang saan kpo sa saudi? alam nyo po ba ung Maharah Human resource?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa Eastern Region po ako. Hindi ko po alam yong pangalan ng agency.

      Delete
  10. Share ko lang po yung naranasan ko ngaun napakasama ng arabong nanakit sa akin dahil lang sa pagkain niyang di niya nagustuhan ..ako lang po yung nagserve at ang may mali ang nagtake order sa kanya bali sa akin siya nagalit at kinwelyuhan niya ako .. Ayoko na pong bumalik dito ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga tao talagang ganyan kabayan. Hindi lang sa Saudi, kahit saan meron talagang ganyan ang pag-uugali. Lakasan mo lang ang loob mo. Likas sa pagiging OFW natin ang may mahabang pasensiya.

      Delete
    2. Paano yung nakipag bf/gf mula sa social media? Na may mga asawa.Cybersex sila bawal ba yun pwede ba makasuhan? At pagbibigay ng cellphone trough online shopping and deliver sa kanila ng gf/bf nila?

      Delete
    3. Na parehong mga nasa saudi

      Delete
  11. Hello po tanung ko lng Pwd po bang magdala ng sabon na powder panlaba galing dito pinas papunta saudi?

    ReplyDelete
  12. Lagi po kaming may dalang powder na sabon tuwing nagbibiyahe.

    ReplyDelete
  13. hi kuya my ask sna aq

    ReplyDelete
  14. bka pwd q kunin cp no.mo marami ksi aq question about jan s saudi..pls po..e2 no.q 09204414886.wait po aq s responce nyo kuya

    ReplyDelete
  15. o kya fb account u kuya.pra dun kta imessage.pls

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gamitin niyo po ang contact form sa ibabang bahagi ng blog. Diretso po iyon sa email add para sa inyong personal na katanungan. Salamat.

      Delete
  16. kuya pa send email add u..hndi q alm gwn yn e

    ReplyDelete
  17. kuya ng email nq sa inyo.sna po mgreply kau..mraming slamt po

    ReplyDelete
  18. Kung sakali po pg ang lalaki kasal sa pinas tpos hiwalay n po cla..pero ndi p cla devorse ..
    Tpos po ang lalaki nsa riyahd then irerequest nia ang pangalawa n ia asawa.. Anu po dapat nila gawin pra mgksama cla..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa po kasi sa mga requirements ng pagdadala ng asawa ay authenticated marriage certificate. Dapat kasal po at nakarehistro sa NSO.

      Delete
  19. Mgandang arw po,may 4 n buwan npo kmi mgasawa dto sa ksa blng ksambahay at driver,tnong q lng po pwede po b kmi pmunta sa mall n kmi lng 2 , marriage of contrct po dndla nmin at ikama pg llbas ng bhay n translated po sa arabic.sana po msgot nio..slmat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang marriage contract ay isang malakas na katibayan na kayo ay mag-asawa. Legal po kayo kahit saan kayo gumala sa ksa.

      Delete
    2. Slamat po sa advice po...my ngsabi po kc n pg ppsok daw po sa mga mall at mgksama ang babae at lalake khit dw po mgasawa e sinisita ng mga mutawa.

      Delete
    3. Basta po mag-asawa hindi naman sinisita. Iwasan lang po yong lambingan o PDA kung tawagin. Salamat.

      Delete
  20. Helow po kuya pwede po magtanong?!! Pwede ba ang ofw na lalaki na nag tratrabaho sa saudi ei magpakasal doon sa kapwa ofw na babae..tas pwede na sila magsama sa iisang kwarto???sana po masagot nyo tankyou...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Taga embassy po ang nagkakasal sa mga OFW na nagkainlaban. Kaya legal po silang magsama.

      Delete
  21. Paano po kapag may naipost kay malaswang larawan ang naireport ng facebook yung account mo? May kaso po ba yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapag may nagreklamo, may kaso po kayo. Kaya ingat po sa pagpost ng mga larawan sa social media.

      Delete
  22. Pwede po ba magtake ng video in public for YouTube vlogging?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakadepende po iyon sa lugar at sa mga tao na nasa public area. Pero hanggat maari, iwasan ang pagkuha ng litrato o video lalo na kapag may mga babaeng arabo.

      Delete
  23. Kua aq po me friend nkikipag live chat sia s live in partner nia s pinas pilipino din dpo b bwal un

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindin po bawal na kontakin ang pamilya sa Pinas gamit ang chat.

      Delete
    2. Kuya pwede po ba kami mag video sex NG asawa ko sa messenger account ko at itoy nd po ba makikita NG amo ko sa Saudi at madedetek

      Delete
  24. Kua wat if pg uwe dto galing damam ay nbuntis sya ahm mg 1mot plng po and paales na sya ulet ok npo all papers going to flight nlng sya ya lng unmarried pregnant sya panu po un?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makakabalik pa rin siya dahil may visa naman siya. Inform niya lang ang employer sa kanyang kondisyon.

      Delete
    2. kuya itatanong ko lang po asawa ko may naging babae jan sa dammam at nabuntis nya yong babae.anu kaya pwedeng gawin para mapauwi yong babae?

      Delete
    3. Wala po akong legal na kaalaman para sa ganyang sitwasyon. Hangga't may may valid working visa, maari pa po siyang magtrabaho at uuwi lamang sa tuwing bakasyon o natapos ang kontrata.

      Delete
    4. Paano po may nangyari e dba bawal magsma ang lalaki at babae kpag di kasal?

      Delete
  25. sir, tanong q lng po kpag inabot k b ng ramadam d agad makakaalis ang isang ofw papunta sa saudi arabia n pagtatrabahuhan nya? first time ofw po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Depende po iyon sa pangangailangan ng kumpanya na pagtatrabahuan. May nakakaalis may iba naman na pinapatapos muna ang ramadan bago makaalis. Tuwing ramadan kasi 6 hours lang ang trabaho sa mga government offices kaya medyo may kabagalan ang proseso sa kanilang serbisyo.

      Delete
  26. kuya, ask ko lang po regarding sa ticket ng flight, saan po ba ito nirerequest ng agency at gaano katagal ito bago marelease?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang employer po ang nagpoprovide ng ticket. Ang releasing po ay nakadepende sa magiging employer.

      Delete
  27. good morning po,ask ko lang po yun po bang nakalagay sa working visa yun din po ang position na inilalagay sa iqama?may chance po ba na mabago ang visa na inirelease ng employer pagdating dun sa KSA? technician visa po kc sabi kc ng agency pagdating ko dw doon babaguhin ng employer to engineer visa kc po engr naman talaga yung work ko sa saudi? posible po ba ito? sana po ay matugunan nyo ang mga katanungan ko.marami pong salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang araw po! Kung ano po ang position sa visa ay yon din po ang nasa iqama. Kapag iyon po ang promiso ng iyong employer na baguhin ang position pagdating sa Saudi, ay may kakayahan po sila na gawin iyon. Hindi po bago ang kaso ninyo. Marami sa amin dito, iba ang nature ng trabaho kaysa sa position sa working visa. Yon lang daw kasi ang visa na maibigay ng gobyerno sa kumpanya.

      Delete
  28. maraming salamat po sa pagtugon ninyo sa mga katanungan ko.Pagpalain po kyo palagi.Dahil po sa blog ninyo madami akong naging idea sa bansang Saudi,sa pagbabasa ko madami ako napulot na aral dahil d2 di ako masyado mahihirapan sa pag aadjust kapag nakapagtrabaho na ako doon.maraming salamat po uli.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome po. At hangad ko po ang inyong tagumpay, kabayan!

      Delete
  29. good day kuya..ask ko lang po kung may mabibilhan ako ng internet sim pagkababa ko sa saudi?ano po kya brand ng sim na na affordable at maganda ang pede ko bilhin para mainform agad family ko na nakalapag na aq sa KSA..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po! Ang mobile sim po ay kailangan nakarehistro sa telecommunication office o sa mga branches nito. Kailangan rin ang iqama kaya wala po kayong mabilhan ng sim sa airport. Para mainform mo kaagad ang pamilya sa Pinas, kailangan po na nakaroaming ang Philippine sim niyo at may sapat na load para makapagsend ng kahit 2 messages sa Pinas.

      Delete
    2. Hello po,Yung roaming sim po ba from pinas automatic po ba Yan ma register Dito sa Saudi kapag andito na po Tayo?

      Delete
  30. kuya ask ko rin pla kung ilang kilograms ang dapat na timbang ng check in luggage na dadalhin ko..salamat po.sana matugunan nyo po mga katanungan ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Icheck niyo po ang website ng eroplanong sasakyan niyo para sa baggage allowance. Magkaiba kasi ang mga baggage rules ng mga eroplano.

      Delete
    2. kuya, ask ko if pede mgdala ng mga sumudunod: sabon,shampoo,toothpaste,perfume, deodorant,nailcutter,paracetamol,pain reliever n medicine..saan ko po pde ilagay just in case..ty po

      Delete
    3. Maari pong dalhin ang mga bagay yan. Ilagay niyo na lang sa checked-in bag niyo.

      Delete
  31. pede po ba magdala ng laptop sa saudi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po. Karamihan po sa mga OFW sa Saudi ay may mga laptop. Hindi po ito ipinagbabawal maliban nalang kapag may mga malalaswang files o documents na nakasave.

      Delete
  32. Hello po, paano po if yung asawa ko ay may kinakasamang pinay sa saudi (single daw po gamit s passport nung babae. pero may legal n asawat mga ank dito s pinas), meron daw pong marriage contract n hawak ang asaw Ko at yung babae na nakared ribbon. ano pwede ko gawin s kanila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. married ang laht ng documents ng asawa ko. at ang sabi magmumuslim daw ang asawa ko.ano ang habol ko tungkol dito.salamat

      Delete
    2. Magandang araw po. Kailangan niyo po ang legal na payo mula sa abogado o taong eksperto sa mga ganitong sitwasyon. Pasensiya na po at hindi ko po kayo matutulungan.

      Delete
  33. Sir,good morning ask ko lang po kung ano ang mga bagay na dapat ilagay sa hand carry?salamat po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang araw po. Checked niyo po ang baggage policy ng eroplanong sasakyon niyo. Nakalahad po doon ang mga bagay na maari ninyong mailagay sa handcarry.Salamat.

      Delete
  34. Sir,good day,ask ko lang po kung may travel tax at terminal fee na babayaran ang ofw..salamat po(1st time ofw po)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang araw!Exempted po ang isang OFW sa travel at terminal fee. Wala po tayong babayaran. Salamat po.

      Delete
  35. Nakabakasyon po kasi ang uncle ko ngun mula Saudi pero nagkagulo po sa amin at ginawan sia ng police blotter at pinabaranggay sa akusang grave threat. Maari po bang gamitiin ito upang idulog sia sa embahada/POEA at di makabalik sa saudi. Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po. Mahirap po ang tanong ninyo dahil hindi naman po ako abogado.
      Maaring hindi po siya makabalik kapag meron siyang Hold Departure Order na galing sa Regional Trial Court. Basahin niyo po ang link mula sa isang abogado, Hold Departure Order.

      Delete
  36. Sir.good day po!ask ko lang po pwede po ba makasama mamasyal ang magkapatid na babae at lalake?dito sa jeddah..at ano po dapat dalin pag lalabas?,para mapatunayan na magkapatid!
    Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang mga babaeng arabo, kapag lumabas ng bahay kadalasan kapatid na lalaki ang kasama. Kaya wala namang problema kapag lumabas kayong magkapatid. Pareho naman kayo ng apelyido sa iqama.

      Delete
  37. Good day po.. Ung friend ko kasi tumakas siya sa amo nia. At pan samantala sa bahay kalinga sya natuloy.. Kaso na inip sya sa kaka antay ng exit visa nia ayon lumabas siya at nag wowork sa labas. Ang alam ko kasi bawal un..ma aari ba sya ma kulong pag ka nahuli siya? Matigas kc ulo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maari po siyang makulong at madeport. Maari rin pong madamay pati ang mga taong tumutulong sa kanya. Salamat po.

      Delete
  38. Good morning sir. Ano po ang maaaring gawin kapag napagbintangan nagnakaw sa Kuwait? Wala pong ebidensya yung amo po sinabi pinagbintangan lng po tlga. Ano po dapat gawin? Sana matugunan po sa lalong madaling panahon po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas maigi pong kontakin niyo ang Philippine Embassy o ang POLO office sa Kuwait para matulungan po kayo. Salamat.

      Delete
  39. Hello po anu po ba dapat namin gawin dito sa pilipinas para matulungan ko pinsan ko makavalik ng pilipinas.. ung pinsan ko po naka kulong.dahil ung pinsan ko nag punta sa bahay ng gf nya.. tapos na huli ng amo.. kaya un kulong sila pariho ng gf nya..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang araw po. Nakakalungkot naman ang nangyari sa pinsan niyo. Kontakin niyo po ang OWWA baka sakaling matulungan po kayo. Salamat.

      Delete
  40. Hello may tanong lang ako ok lang ba sa messenger chat at pag pasa ng larawan nakahubad sa isat isa mag asawa po Kami para sa ldr kuminikasyon bawal po ba yon sa Saudi ok lang ba Kong e delete mo naman

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang araw po! Dito sa Middle East, lalo na sa Saudi, namomonitor po ang social media, websites,blogs at mga chat rooms. Kaya nag-iingat din po kami sa mga ipinopost namin sa fb, twitter, atbp.

      Delete
  41. hi po, nagproprocess na po ako ng requirements ko for ksa,ask ko lang if pwede po ako lumabas para maggym bago pumasok o pagout ,magwawaiter po ako sa piatto italian restaurant.salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang araw po. Wala pong problema kung ipagpatuloy ang workout habit ninyo dito sa KSA. Nasa inyo na po iyon kung ano po ang gagawin sa mga libreng oras ninyo kapag walang trabaho.

      Delete
  42. chat niyo po ako para alam ko na po agad,sabi po ng h.r sa agency ko absta daw po tapos na ang pasok kahit saan na pumunta,sabi po ng iba sa bahay kalang talaga,free transpo po at bahay ako with food allowance,gusto ko po malaman dahil yun po ang routine ko sa arawaraw bago pumasok naggym.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mapalad po kayo dahil maganda ang job offer sa inyo. Good luck po sa pagproseso.

      Delete
  43. Gud pm po ask ko po kung mga magkno po dadalhin na pocket money ano masmaganda papalit po ba ito ng dollar o riyal po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang araw! wala pong eksaktong halaga kung magkano ang magiging baon. Nakadepende kasi ito sa ating personal na pangangailangan. Para sa akin, sapat na ang 3K to 5K pesos na pocket money. Kapag direct flight ang sasakyan, mas komportable ang magpapalit sa riyals.

      Delete
  44. Gud pm sir. Matanong kulang sir mamonitor kaba sa video call sa messenger?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same question ? Sana po masagot.bawal po ba un sa mag asawa thrue video call

      Delete
  45. Tanong ko lng po gaano ka safe mga pinay sa ksa? My application po kc aq sa king fahad as clerk sabi sa al khobar. For process na po ng medical. Thanks. Tska po pla wala po ba tlfa training bgo work? Thanks.

    ReplyDelete
  46. Gud am poh my ask lng aqu my kasamahan KC aqu dto SA Saudi same khadama may gusto SA kanya Yung amo Yang lalaki Anu kayang pwedeng mangyari. My asawa sya SA pinas.. nag papakita Ng motibo Yung amo nya katulad Ng pag bbgay Ng Pera o gamit.

    ReplyDelete
  47. Hello po tanong ko lang po namomonitor ba mga sinesend na picture or video? My pagkakataon kaya na hindi makauwe or my parusa ang pinoy na nagsend ng malalaswang picture?

    ReplyDelete
  48. How's the pupils' behaviour there?

    ReplyDelete
  49. Bawal ba magdala ng fleshlight mula dito pinas going to riyadh?

    ReplyDelete
  50. May tanong lang ako monitor bah nla ang mga vedio call at ano pobah ang kaparosahan kong nakipang jowa ka sa isang saudian

    ReplyDelete
  51. Mga sir/mam, since sa jeddah saudi po ako mgwowork Allowed po ba magdala ng peso money at dun ko po ipapalit para may magastos po ako? Salamat sa tutugon po

    ReplyDelete
  52. magandang umaga from phils. pano po kung left handed ka and you are sanay to receive with your left hand? would it be a crime?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit left handed ka kelangan mo parin gamitin ang right hand mo dahil un ang tradition nila

      Delete
  53. Hi ask ko lang kuya what if nabuntis po ako galing bakasyon sa pinas.unmarried po. Mkakabalik ba ko ng saudi para tapusin contract ko?? Thank you po

    ReplyDelete
  54. Pag cleaner visa po ba ang ginamit sakin as entry visa.. Ang job description po ba na ilalagay sa aking iqama pagdating sa saudi ay cleaner din po at hindi yong kung anong position ang nakalgay sa kontrata... Salamat po

    ReplyDelete
  55. Pwede bang ehh block mail Ng agency ang isang worker tungkol SA picture Ng kanyang ex

    ReplyDelete
  56. Hello po kuya, may kaibigan kasi ako na pinay taz tumakas sya sa employer nya sumama sya sa boyfriend nyang arabo, .tanong kulang po, makakauwi pa ba sya ng pinas??..sana naman po masagot para matulungan ko kaibigan ko, salamat po 😊😊

    ReplyDelete
  57. tanung ko lng po namomonitor ba ng saudi autority pag nag video call kmi ng asawa ko nkikita b nla yun gingawa namen pag uusap

    ReplyDelete
  58. Kabayan tanong ko lang papunta ako saudi arabia riyadh... pede na ba ako magpapalit ng peso to riyal sa NAIA dito sa Pilipinas.. Salamat

    ReplyDelete
  59. Sir bawal po ba ang magtattoo dito sa saudi

    ReplyDelete
  60. Sir bawal po ba ang magtattoo dito sa saudi

    ReplyDelete
  61. Hi sir,ask po ako,may kaso po na sa saudi ung lalaki na mapatunayan na nkikipag relastion sa fb at nakikipag sex vedio sa hnd aswa.

    ReplyDelete
  62. Bawal b mgtaponng tirang tinapay n kubus dto s saudi?

    ReplyDelete
  63. Tama po ba kunin ng egency ng soudi ang cellphone pag ikaw ay Naka Accommodation

    ReplyDelete
  64. pwede po ba kunin ang cellphone ng amo pag ikaw ay pinaalis sa bahay nila at dinala sa agency at pauwiin

    ReplyDelete