Is it possible for Filipino newborn infant to enter Saudi Arabia without visa?
Answer is Yes.
"Visa is on arrival for babies. He only needs passport". Ito ang sabi sa akin ng Government Relation officer ng kumpanyang pinapasukan ko. Gusto ko sanang iextend ang reentry visa ang noo'y buntis ko pang misis. Sa Pinas kasi siya manganganak. Naging kampante naman ako sa pag-uusap naming iyon.
Nakaplano na ang susunod naming gagawin paglabas ng baby para makabalik si misis sa kaharian na di pa maexpire ang 6 months exit-reentry visa niya. Three months before due date ay nagbiyahe na si Misis pauwi sa Pinas ayon na rin sa bilin ng doktor. Ibig sabihin, mayroon lamang kaming tatlong buwan para asikasuhin ang mga dokumentong kailangan ni baby para maisama siya pabalik.
DOCUMENTS. Pagkapanganak kay baby, iniregister na kaagad siya sa munisipyo at humiling ng endorsement letter mula sa Municipal Local Civil Registrar para maiforward kaagad sa National Statistics Office ang kanyang local birth certificate. (Tatlo hanggang apat na buwan ang proseso nito kapag walang endorsement). Ang letter at LCR birth certificate ay ipinadala sa Regional NSO through LBC.
Pagkatapos ng dalawang linggo, pilit na ibiniyahe si baby sa Department of Foreign Affairs para mag-apply ng passport. At noong time na iyon nalaman namin na ready na rin pala sa system ng NSO ang birth certificate ni baby. Dahil infant pa ay di na kailangan ng priority number at nakakuha kaagad kami ng kopya ng birth certificate mula sa NSO.
Sa loob ng isang araw ay natapos ang mga kailangang dokumento at nakapag-apply ng passport si baby sa DFA. 12 working days and rush releasing ng passport ayon sa DFA at dahil may mga holidays ay halos mag-iisang buwan na bago natanggap ang passport.
Habang naghihintay ng passport, naiprocess rin namin ang pag-authenticate (red ribbon) ng kanyang birth certificate na lalo pang napadali dahil sa www.authenticationexpress.com. Isang email lang at within a week ay matatanggap na ang authenticated birth certificate. Ganun din ang paglagay ng saudi stamp ng embassy na makukuha within 3 days sa tulong ng dati kong agency.
Courtesy of dfaredribbon.blogspot.com
Sa loob ng dalawang buwan ay nakahanda na si baby. May passport na ito. May authenticated birth certificate pa. Hawak na rin namin ang kanyang flight ticket paalis ng Pilipinas.
AIRPORT. "Hindi allowed yan Sir. Hindi talaga pwede yan! Di puwedeng magbiyahe ng walang visa kahit baby!". Kailangan pang makipagtalo sa visa checker ng NAIA airport. Ayaw kaming icheck-in ng airline. First time ba nila sa Pilipinas na magkaroon ng ganitong kaso? "Sir, Maam, yung nagrerelease po ng visa namin sa Saudi ang nagsabi na di na kailangan ng visa ni baby dahil resident card holder kami".
Naging busy ang check-in counter ng airline. May libro silang binubuklat. May mga taong tinawagan. Malamang pati immigration sa Saudi ay nakausap din nila. Nahold kami ng dalawang oras. At sa katagalan, nakacheck-in din kami at wala man lang ni isang tanong at tinatakan ang passport ni baby nang dumaan kami ng Philippine Immigration.
Pagdating namin sa Saudi immigration, may kaunting interview sa amin at binigyan ng entry stamp at visa on arrival ang passport ni baby. Wala nang ibang dokumentong hiningi. Paglilinaw ng Saudi immigration officer, "Three months old and below are consider as newborn. They are allowed to enter without visa as long as their parents are iqama holder. "
Applicable pa rin ba ito up to this moment?
ReplyDeleteYes po.
DeleteHanggang ngayon po ba ganito pa rin ang process pag newborn? Was there a case na hindi tlga pnaalis galing pinas? Sa saudi kc yun din sabi sakin, sa pinas ang prob
ReplyDeleteOpo.Ganun pa rin po ang pagprocess basta newborn. Wala pa naman akong nabalitaan na hindi napaalis. Marami na rin kasi ang nakapagdala ng baby na wala namang problema. Tama ka, yung sa Pinas ang minsan may problema. Hindi sila aware na may ganitong klaseng patakaran.
DeleteNag email ako sa Saudi Embassy dito sa Pinas ang sabi sa akin kailangan daw talaga iprocess sa Philippines. Ang gulo nila. D ko alam kung dahil sa bayad or what. Balita ko kc yung iba nakakaalis din.
ReplyDeleteMarami akong kakilala na nakapagdala ng baby nila dito sa Saudi. Basta 3 months below ang bata.
DeleteMatagal na ko nagbabasa dito . Nagkandaproblema na kami sa pagprocess ng agency para sa visa ni baby ko . Hanggang sa naexpired ang exit re entry visa namin. Nagrequest pa ng visa extension sa hindi malamang dahilan umabot ng 2months walang ngyare. Sa huli hindi pa din naasikaso pala ang visa ng anak ko. Hayss. Next week eto na last option namin itry namin bumiyahe kaming mag iina . ang sabi kasi nung tumawag ako sa saudi embassy bago pa ko manganak kailangan daw may visa ang baby para makalabas ng bansa. Eto nga naiwan kami na dapat kasabay bumiyahe pabalik asawa ko sa saudi at naitanong nya dun sa nagchecheck sa airport at sinabi na passport lang daw ng bata basta kasama magulang na babyahe below 6months. Kaya pagpray namin na makaalis kami sa thursday.
ReplyDeleteMasalimuot po pala ang nangyari sa inyo. Good luck po sa inyong pagbiyahe. Inform niyo po ako kapag nakabalik kayo dito sa Saudi at para maupdate na rin ang blog na ito. Marami pong salamat.
DeleteUpdate ko lang kayo . Nakaalis kami at confirmed na pwede ang visa upon arrival below 6months. Passport lang ni baby ang kailangan . ������
Deleteanong steps na ginawa mo sir., kagaya mo nahihirapan na din kmi, nka ilang tawag na rin kmi sa embassy, kailangan daw dito sa saudi eaapply..si missis ko sana magdadala ng baby namin na 2 months old.. kailangan pa ba ng ticket sir? anu mga kailangan namin gawin.? please help sir..? salamat po..
DeleteSir, kailangan lang po ng passport at siyempre air ticket ng baby.
DeleteMaraming salamat po sa pagshare ng experience niyo. Ang mga infant na below 6 months ay visa upon arrival sa Saudi.
DeleteHinanapan po ba kayo sir ng polio immunization cert?
ReplyDeleteHindi nila kami hinanapan ng immunization certificate sa airport. Ngunit kailangan ang certificate nung itinuloy namin ang vaccination ni baby dito sa Saudi. Inievaluate kasi ng doktor ang mga vaccine na naibigay na noong sila ay nasa Pinas pa.
Deletesir pwede bang malaman kung anu steps na ginawa mo.? kasi nka ilang tawag na kmi sa embassy, kailan daw dito sa saudi eppaprocess, kailan pa ba ng ticket yung bata.? anu tinanong imigration officer po.?
DeleteKailangan ang passport at air ticket ang isang infant accompanied by an adult. Wala pong tinanong ang Philippine immigration officer dahil alam nila na may ganitong patakaran sa Saudi.
DeleteJust to share my recent experience, I was able to bring my 2-month old baby to Saudi without visa. It was given upon arrival. Initially, the Saudi embassy in the Philippines also told me thru email that visa must be processed in the Philippines, but since I heard others were permitted to leave the country and that I might only face possible problem during check-in time, I contacted the airline to confirm. Some staff of the airline were not aware, fortunately I was able to talk to one senior ground crew of the airline who know about the on arrival visa for infants. He then informed the other staff about it. Hence, we were able to leave the country.
ReplyDeleteThank you Joyce for posting your experience here in the blog. Malaking tulong po ito sa mga buntis na OFW na nais manganak sa Lupang Sinilangan.
Deleteso ok lng po ba sir na ang nanay lng kasama..? bumalik na kasi ako dito sa saudi..
ReplyDeleteSir, may mga comments po sa post na ito na nakapagbiyahe sila na silang mag-ina lang.
Deletesalamat na madami sa blogspot na to..! nadala na po namin ang aming mag dadalawang buwang anak last july 15. 2016..totoo po talaga ang arrival visa.. wala pong sila exact na idea ang mga taga saudi embassy dyan sa atin at phil embassy dito sa jeddah tungkol dito..God bless po sa lahat at maraming salamat ulit!
ReplyDeleteTanong LNG PO family status PO ba kayo.. Gusto PO Namin dalhin Ang 3months na BABY Namin Kasi di PO kami family status...Kanya kanya visa kami mag Asawa pwede ba yun
Deletehindi rin kami family status..wla nmang hinanap na ibang papeles maliban sa passport ng baby.. pero para cgurado kayo mam, na kpag hinanapan kayo meron kayong ipapakita docs like married cert nyo birth cert ng baby na autenticated sa atin..
DeleteSalamat SA reply ulit...Tinatanong PO ba Kung ano work SA iqama ISA akung nurse Ang Asawa ko storekeeper pwede b KMI mkakuha ng visa on arrival
DeleteHindi na po iyon tinatanong. Tama po si Delfin. Ihanda niyo na lang po ang aunthenticated married at birt certificate niyo. Iyan din kasi ang hinanda ko. Hindi hinanap yan ng Saudi immigration sa akin noon pero kailangan po iyan kapag mag-apply ng personal na iqama ang baby.
DeleteBirth certificate po ng baby. Salamat.
DeleteMaraming salamat ofw SA disyerto Lalo na SA may ari ng BlogSpot na to Kasi dahil PO sa inyo ng karaon ako ng pag ASA na madala Ang BABY ko.tanggal kunti Ang stress ko.. May AWA Ang dios next week mag passport at mag ticket na.up date Lang PO ako ...Sana gabayan kami ni Lord. God bless PO SA inyo Kasi Ang bait at sipag nyo mag reply
Deletepapano po kapag single and unmarried.
ReplyDeletepwede din ba madala sa saudi ang infant baby nya via on arrival visa?
Sa pagkakaalam ko po, puwedeng dalhin ang baby kapag family status po kayo sa iqama.
DeleteKahit anong airline po okay lang sir? Like PAL. Arrival airport sa Jeddah.
ReplyDeletekahit po bang anong airline? kc narijig ko po n ang ibang airline e d alam kya may ngpayo skin n mag Saudia..kso nkbooked n mister ko s PAL..alis kmi ngayun jan 5..hopefully e wala kami maencounter n problem
ReplyDeleteany airlines po puwede.
DeleteSir pabalik na ako SA April 10 gusto ko PO dalhin Ang 3months old na bb ko ..Dina ako pupunta SA Saudi embassy mag passport na nlng at bibili KMI ng ticket mag visa on arrival na LNG KMI.pwede ba Yun.Sir pwede ba yung BIRT certificate nya nka family name SA akin Kasi di PA n permahan ng tatay Kasi NASA Saudi pa sya.pls reply po
ReplyDeletemaari pong dalhin ang baby basta family status po kayo sa iqama. salamat.
DeleteHilo po salamat SA reply sir Hindi PO ako family status..may exit re entry PO ako SA clinic namin Dyan din Ang Asawa ko SA Saudi pwede ko PO madala Ang BABY ko..Uuwi din Ang Asawa ko ..Pwede din SA kanya mag visa on arrival na LNG kmi po
DeleteKasal po ba kayo? Sa pagkakaalam ko po, applicable ang prosesong ito sa mga family status o yong legal na mag-asawa sa Saudi.
DeletePlano namin Dalhin ang baby namin sa march.3 months pa lang si baby. Kailangan pa bang ipastamp sa saudi embassy dito ang birth certificate niya? Or pwede passport na lang dalhin namin
ReplyDeleteKailangan niyo pa rin dalhin ang auntenticated birth certficate ni baby. Ang stamping po na case ay hindi consistent. May kakilala po kasi ako na walang stamp ang auntenticated certificate at ayos naman.
Deletekailangan po ang birth certificate sa pag-apply ng iqama.
DeleteBumalik yung asawa last week sa saudi via sudia airlines tinanong nya about sa visa on arrival di daw nl alam need daw tlg visa san po tlg na counter kami lalapit na may tungkol dito sir.thanks
DeleteNagtanong asawa ko sa saudia check in counter di daw nl alam,,ned daw visa san po n counter kmi pupunta pls tulongan mo ako.
ReplyDeleteAny airlines po. Hindi lang po siguro alam nong napagtanungan niyang tao.
DeleteSaudia airlines. ako po pabalik na sa april 8 at tapos na ang passport ni baby sir pwede ko na ba sya bilhan ng ticket ano po sunod procedures.salamat God bless po reply
DeleteMaari na po ninyong bilhan ng tiket. Dalhin lang po yong ibang documents dito sa Saudi para sa iqama application tulad ng aunthenticated birth certificate. Huwag pong matakot sa visa checker o airlines staff. 6 months below na infant ay visa on arrival sa Saudi.
DeleteSalamat sa advice at reply sir, ,,,yung aunthenticated brth certificate sir after 45 days to 3months makuha pina expedite ko at ipadala na lng nla pwede ba yun at ilan buwan ba ang limit na ma eqama ang bata? Sir salamat sa wlang sawa n reply
DeleteSir palapit na po flight namin ni baby subra na takot ko sana wla prblema kay baby ticket at passport lng ang dala ko
DeleteHuwag po kayong matakot. May mga airline staff na di alam ang prosesong iyan kaya maging confident po.
DeleteHello po. Ako po ay single as status at nagbabalak pong kunin ang anak ko from pinas. Allowed po ba yun?
ReplyDelete