Saturday, March 17, 2012

Pinoy Permanent Family Visa

Hindi lang dalawang beses kundi paulit-ulit kong inievaluate ang benipisyong ito. May mga pangamba ngunit marami na rin namang pamilyang Pilipino ang nakaraos at nakasanayan na ang konserbatibong pamumuhay dito sa Saudi.

Kadalasang nagdadala ng mga pamilya dito ay yong may mga supervisory positions at mga direct hired employees ng kumpanya. May karagdagang benipisyo kasi para sa isang empleyado kung kasama ang pamilya. Maliban sa kasama mo na ang pamilya ay sagot pa ng kumpanya ang family housing, family medical insurance, vacation flight ticket at education ng mga bata.

Ang mga sumusunod na mga dokumento ang mga kakailanganin para sa pag-aaply ng permanent family visa. Madalas ang asawa o kamag-anak na nasa Pilipinas ang gumagawa nito
1. Diploma at Transcript of Records (orig)
2. Marriage Certificate (orig)
3. Birth Certificates ng mga anak

Original copy with attestment
Ang mga dokumentong ito ay kailangan attested ng DFA at naka red ribbon.
Ang original diploma at TOR ay kailangang kunin sa university kung saan tayo nagtapos. Sa mga non-degree holders, ang diploma ay kailangang authenticated ng TESDA at sa mga degree holders ay ng CHED sa rehiyon. Halimbawa kung nakapagtapos ka ng kursong Mekaniko sa isang trade school sa Laguna, ay kailangan mong ipauthenticate ito sa TESDA region 4. Kapag naisubmit mo na ito sa TESDA, sila na ang bahalang magpaattest sa DFA at isesend nila ito sa iyo through DHL. 
Para naman sa marriage at birth certificates, kailangan mo lang mag-apply sa NSO at sila na ang mag-aasikaso ng attestment ng iyong mga certificates through DHL. Lahat ng mga transaksyon ay may mga bayad. Alam naman natin na walang libre sa Pinas.

Kapag kumpleto na ang mga dokumento, kailangang ipadala ito dito sa Saudi. Bilang direct hired employee, ito ang mga ginawa ko. Pasalamat na lang dahil may ganitong department sa kumpanya. Medyo di kahirapan ang pag-aaply at walang babayaran.
1. Ipinatranslate sa Arabic ang diploma at TOR, marriage and birth certificates.
2. Referral Certificate mula sa Human Resource ng kumpanya na ako ay entitle ng family status at may karapatang mag invite ng pamilya. Kailangan ito para makapag-apply ng Family visa.
3. Pumunta sa Goverment Relation ng kumpanya para sa mag-apply ng family visa at  "yellow slip". Kailangan mong isubmit ang original na diploma, TOR, marriage, birth certificates ng mga anak, dependent passport clear copies, referral certificate, at iqama clear copy.

Arabic translated documents
Kapag natanggap na ang yellow slip, kailangang ipadala ito sa agency sa Pinas kung saan tayo nahired. Sila ang mag-aasikaso nito para mapadali. Tanging ang agency lang ang inientertain ng Saudi embassy sa Pinas sa mga ganitong bagay. Ang serbisyong ito ng agency ay may bayad. Di naman natin iniisip yong bayad, ang mahalaga ay makasama na ang pamilya.
Ito ang gagawin ng mga dependents sa Pinas.
1. Ihanda ang kakailanganing transaction fees sa agency.
2. Isubmit ang original passport sa agency.
3. Maghanda sa medical examination referred by agency.

Kapag ayos na ang lahat at nakastamp na ang visa sa mga passports, pwede na tayong bumili ng flight tickets para sa pamilya.

23 comments:

  1. hi sir! nurse po ako jan sa jeddah, actually rehire na po to leave this novembe. kase nag end of contract po ako last year para magpakasal. now may asawa na po ako, balak ko po, pasunurin ko sya sa jeddah. sabi po ng agency, single pa daw ang status na binigay ng company namin kse rehire po. dun ko na daw po asikasuhin yung status change ko sa jeddah. possible po ba iyon? madali lang po ba? maraming salamat!

    ReplyDelete
  2. hello po sir! itanong niyo po muna sa company ninyo sa Jeddah kung eligible na ba kayo for family status. Kadalasan kasi kahit rehire, may probationary pa ring sinusunod bago makapag apply ng family status. Mga 3 months din yon.

    Kapag eligible po kayo, arabic translated na marriage certificate lang ang ipakita mo sa Human Resource to change yong single status to family (depende kung ano ang requirement ng kumpanya). Tapos umpisahan mo na ang pagproseso para sa visa ni misis mo. Madali lang naman pero kailangan mo pa rin ng oras at pera (para sa processing ng mga documents).

    Sana po nakatulong..

    ReplyDelete
  3. hello po sir. ask ko lang po kung pwede po ba na once naka visit visa kami pwede po ba kaming mag apply na dun sa saudi ng permanent visa?

    ReplyDelete
  4. hello. salamat sa pagbisita. hindi ho puwede iyon. iba kasi ang mga requirements ng dalawang visa. Maraming kailangang dokumento ang permanent visa...kailangan niyo pang umuwi at ayusin iyon.. kung may balak kayo na tatagal sa Saudi, e mag permanent visa na kayo.

    ReplyDelete
  5. pero kung dala ko naman ang mga kakailanganin tulad ng naka red ribbon na mga requirements pepwede na po ba un? iniisip po kasi ng mister ko na baka hindi namin mahabaol sa april sa april po kasi naka sked vacation leave niya. balak kasi niya pagbalik dala na niya kami. thnx sa reply.

    ReplyDelete
  6. sir additional question. 2 years course grad si husband tapos undergrad naman siya sa kinuha niyang 4 year course. tama po ba na ang TOR niya dun sa naging undergrad siya sa CHED ko ipapasa (ayaw na magbigay nung vocational school niya ng TOR kasi nakapagbigay na daw sila) tapos ang diploma sa 2 year course niya sa TESDA?

    ReplyDelete
  7. kung sa april na yung bakasyon, di na nga kaya. pero mas mainam na rin iyon na kumpleto na kayo ng requirements hanggat nandito na kayo. kailangan niyo pa rin kasing mag-exit at entry ulit para sa permanent visa.
    Ang kinuconsider kasi nila ay iyong TOR na mayroon kang diploma o certificate na nakatapos. So dapat ang TOR at diploma sa vocational course ang kukunin at ibigay sa TESDA. Sa red ribbon kasi, iisang document lang ang diploma at TOR.

    ReplyDelete
  8. salamat sa reply sir. makakakuha na rin po ako ng TOR. kelangan lang pala ng letter of no objection sa school na naging undergrad siya. nung unang punta ko di man lang ako binigyan ng option ng incharge sa registrar. pumunta rin ako sa TESDA ganun din sabi di talaga pwede na di magkasama yung TOR and diploma sa kaparehong school.
    sir clarify ko lang ha? tapos ng pa red ribbon ipapadala ko na sa Saudi at yung mister ko na ang magpapa translate o pwedeng dito lang sa Pinas gawin ang translation?

    ReplyDelete
  9. ipadala mo iyan sa Saudi. Kailangan kasi ang translated at original copy ng mga documents sa pag-apply ng visa (yellow paper).

    ReplyDelete
  10. Ang translation ay dito na gawin sa Saudi.

    ReplyDelete
  11. Hello po, sir ask ko lang po need pa ba ng birth certificate ko as wife or yung merriage certificate nlang nmin ang ipapa red ribbon ko?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marriage certificate lang po ang kailangang ipared ribbon.di na po kailangan ang birth certificate niyo....salamat sa pagdaan..

      Delete
  12. tanong lang po..balak ko din pong kunin ang asawa at dalawa kong anak..family status din po ako..dala ko na po dito sa saudi yung red ribbon na marriage contract at red ribbon ng diploma ko..kailangan pa rin po bang ipa red ribbon yung birth cert ng mga anak ko? sagot po ng company namin lahat ng processing ng visa at iqama

    ReplyDelete
  13. tanong lang po..balak ko din pong kunin ang asawa at dalawa kong anak..family status din po ako..dala ko na po dito sa saudi yung red ribbon na marriage contract at red ribbon ng diploma ko..kailangan pa rin po bang ipa red ribbon yung birth cert ng mga anak ko? sagot po ng company namin lahat ng processing ng visa at iqama

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo. Kailangang naka red ribbon ang mga birth certificate ng mga anak mo.

      Delete
  14. Sir ask lang ako...family status ako at entitled na kunin family ko for a permanent visa at pasok din s list un job position ko at salary s requirement...here's my question, i continued my college and nag grad ako neto lang 2012, iba name gamit ko sa school records ko since elementary pa(baptismal name ko is not the same sa birth certificate ko)..meaning me name discrepancy..pde ba affidafit of discrepancy to at lulusot sya or problema to s pagaapply ko for a family visa? sabi ng Hr namin dto s opis e kadalasan naman daw di na need college degree as long na magnda salary mo at ksama sa list ang job description mo n pde sa visa application? pls help ur advise if u have any idea for this..tenxx ng marami Sir...=)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po Sir. Mas maigi po na komunsulta kayo sa school kung ano po ang puwedeng gawin sa kaso niyo. Baka puwede pang maayos yan. Napakaswerte nyo po kasi nakapagabroad kayo kahit na magkaiba ang pangalan mo sa credentials.
      May kakilala po ako na di college degree ang isinumite niya kundi high school diploma.

      Delete
  15. Hello po. Nung nagporocess po kami ng family visa to saudi, isa po ang blog nyo sa naging malaking tulong para maintindihan namin ang process. Last Tuesday po, nakuha ko na ang visa ko from visa center ng saudi dito sa Pilipinas, VFS TASHEEL. Lahat po kasi ngayon, kelngan magpa-biometric na sa tasheel. Nag-walk in lang din po ako dun for the stamping ng visa ko. Anyway po, Naka-book n po ako ng ticket sa Oct 8 papuntang Riyadh. Gusto ko lang po itanong, kelangan ko pa po ba ng PDOS bago umalis? Thank you po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po sa komento ninyo. Malaking tulong din po yon sa iba. Hindi na po kailangang umatend ng PDOS ang dependent ng OFW.
      Have a safe trip po papunta dito sa Saudi.

      Delete
    2. Tanung ko lang po magkno binayaran nyo sa VFS TASHEEL sa pag process ng visa at ilang araw po hintay nyo bago magka visa. Salamat po

      Delete
  16. Replies
    1. Hi po. Tanung ko lang kung ilang araw po ang pricess sa visa nyo sa vfs/tasheel

      Delete