Take note lang. Magkaibang bansa ang Bahrain at ang Saudi Arabia. Di sakop ng Saudi ang Bahrain. Lagi kasing nagkakamali ang mga agency sa Pinas sa pagbibigay ng instructions sa mga OFW na ang exit airport ay Bahrain. Sila ang mga OFW na may connecting flight sa Bahrain at may boarding pass na Bahrain-Dammam na walang flight number.
Paglabas mo ng eroplano, dumiretso ka sa immigration lane. Kung Kuwait Airways ang sinakyan mo, maghanda ka ng 10USD para sa transit visa. Kaya bago ka umalis, magpapalit ka na ng dolyar sa Pinas at sana inabisuhan ka ng agency mo na may babayaran ka. Kung ang airline mo naman ay Gulf at Qatar, libre na ang transit visa.
24 hours transit visa ang itatatak ng Bahrain immigration. |
Isang mini bus ang sasakyan niyo na may hinihilang trailer para sa bagahe. Dadaan kayo ng King Fahd Causeway, isang mahabang tulay na nagdudugtong sa Saudi at Bahrain. Sa kalagitnaan, matatagpuan ang immigration at custom ng parehong bansa. Una kayong bababa sa Bahrain immigration para sa exit stamp tapos sasakay ulit ng ilang minuto at bababa para sa security measures. Ibababa ang lahat ng mga bagahe sa trailer, rarampahan ng K-9 tapos ibabalik ulit ang mga bagahe. Sasakay ng ilang minuto at bababa dahil immigration na ng Saudi. Dito mo aabutin ang inis, inip at pagkabagot. Di lang isang beses, kundi panay wala ang immigration officers. Napakswerte ninyo kung nakatiming kayo na nandoon sila. Minsan isang oras ang gugulin sa paghihintay sa natutulog na officer. May iaabot sa iyo ang driver na Saudi entry card para punan mo.(Kung sa eroplano ka sana nakasakay, flight steward ang mag aabot sa iyo).
Pagdating ng opisyal, iaabot mo ang passport at ang entry card. Pipicturan ka at kukunan ng finger print para sa iyong iqama (residential certificate). Huwag ka na ring mabibigla kung patapong ibalik sa iyo ang passport mo. Ganun talaga dito!
Balik ulit sa bus at tuloy tuloy na ang biyahe papuntang Saudi! Depende sa napagkasunduan base sa boarding pass ninyo kung sa Dammam airport kayo ihahatid. Kasama kasi ito sa flight package.
Bridge connecting Bahrain and Saudi Arabia |
Ako po ay may katanungan. kasi unang beses ko magbabakasyon papunta pinas. dito ako sa riyadh. meron ako connecting flight sa dammam. pano po ba ang proseso dito?kasi terminal 3 daw ako yun ang nakalagay sa e-ticket ko. pero domestic flight yun.pano po ba yun tapos pati na din ang dadaanan ko immigration?
ReplyDeleteSaudi Airlines ang eroplano. Di ko pa naexperience ang ganyang connecting flights.Ganunpamam, nagtanong po tayo sa mga nakaencounter na ng ganitong biyahe.
DeleteAng domestic at international check in counters ng mga airports dito sa Saudi ay magkasama. Ibig sabihin, diyan sa Riyadh ka dadaan ng immigration para sa exit stamps. Pagkatapos ng immigration, instead na sa international preparture, ay doon ka pumunta sa domestic predeparture area.
Yung iba flights ng Saudi Airlines, ay nagstop-over lang ng Dammam para kumuha ng mga pasahero at di na ibinababa ang mga pasaherong lulan mula sa Riyadh. At kung sakaling magchange ng airline, lilipat ka lang mula sa domestic papunta ng international departure. May mga transfer desk naman na pwedeng pagtanungan sa airport. Di mo na kailangang lumabas pa.
Sana nakatulong ako. Happy trip po!
bro..sa sept 2013 bakasyon ko..ako lng mag isa magtravel pauwi sa pinas mangagaling ako sa al-ahsa di ko pa alam pano umuwi.kasi first timer ako d2 sa saudi at first timer din sa pag aabroad..tanong ko lng pano magiging byahe ko kung sa SABTCO ako sa2kay kung eexit ako thru causeway..at pano naman byahe ko sa Dammam airport ako sasakay pauwi ng pinas..nata2kot kasi ko baka mawala ako. o kya malate ako sa byahe kung connecting flight ang travel ko.
ReplyDeleteEmman,wala namang problema kung sa causeway ka mag eexit dahil para na ring connecting flight mo na rin ang pagsakay sa SABTCO.Didiretso na kaagad kayo sa airport. Agahan mo lang pag alis diyan sa SABTCO station dahil halos 1 hour ang biyahe papuntang Bahrain (minsan umaabot ng mahigit isang oras dahil tumatagal sa immigration diyan sa causeway.) Kung Gulf Air ang eroplano mo, pumunta ka sa SABTCO station malapit sa Carlton Hotel sa Al-Khobar.
Delete