Problema sa baguhang OFW ang pagpili ng remittance center na padadalhan ng unang perang pinaghirapan. Dahil sa kalituhan at dahil bago pa nga ay wala pang tiwala sa mga remittance centers kaya kadalasan ang unang sahod ay ipinadala sa mga businesses na nag-ooffer ng door to door cash delivery at instant cash delivery tulad ng Western Union, Gcash remit, Smart Remit, LBC remit, lhuillier pawnshop remits at marami pang iba.
First and reliable option kung emergency at minamadali ang pagpapadala. |
Ang disadvantage lang dito ay may kataasan ang service charges (dahil nga express) at laging mababa ang palitan ng currencies. At dahil nga buong amount ng pera ang tinatanggap ay doble ingat din ang taong kukuha ng iyong pera sa Pinas. Alam naman nating mainit din sa mga mata ng mga magnanakaw, holdaper, at mga kriminal ang mga establishments na iyan. Ang perang pinaghirapan natin ay isang beses lang lilimasin.
Sa ganitong pagkakataon, mas naaapreciate ang kahalagahan ng online banking system sa buong mundo. Subok na ang kasiguraduhan at maiiwasan pa natin ang posibilidad na madukot ang ating pera. Kaya bago umalis ng Pilipinas, mas maiging magbukas na ng iyong sariling savings account sa iyong pinagkakatiwalaang bangko. Kuhanan mo na rin ang iyong pamilya na padadalhan. Siguraduhin lang na active ito para anytime ay pwede itong magamit at mapadalhan.
No comments:
Post a Comment