Wednesday, October 19, 2011

Kuwento ni Kabayan - Gastura

May mga araw dito sa Saudi na kailangan mo ng kababayan na makakausap at kakuwentuhan. At sa bawat kuwento na iyon, iyong mapapansin, na ang kanyang naranasan ay di nagkakalayo sa iyong sariling kwento. Ikaw ito kabayan!

Gastura
Safety Officer at 6 years na dito sa Saudi
Nagbabakasyon kada 18 months
Tubong Surigao

Dating nagtrarabaho sa Department of Agriculture sa Pilipinas. Nakangiti niyang sinasabi na di naman  naghihikahos ang pamilya niya sa sahod niyang walong libo kada buwan. Pero simula nung nag aral na yung mga anak niya, e talagang namomoblema siya. Pumunta sa Taiwan para maging factory worker ngunit matapos ang saglit na kontrata ay di na nakabalik. "Mahirap kasi dun sa Taiwan dahil kailangan mong magpalit ng identity para makapasok ulit kung tapos na ang kontrata".
"Dito sa Saudi, kahit di kalakihan ang sahod e ayos lang basta nakakapag-aral ang mga anak ko. Isa pa, tuloy tuloy ang kontrata, magaan ang trabaho at maraming overtime. Mga tatlong taon na lang siguro ang titiisin ko. Dalawang taon na lang, gagraduate na yong bunso ko at isang taon para sa licensure examination niya kung makapasa bilang abogado. Makapagpahinga na ako!" Nakangiting kuwento niya na punong puno ng inspirasyon.

Saludo ako sa iyong pagsisikap at tiyaga Gastura!

No comments:

Post a Comment