Maraming Pinoy ang nakulong at may sentensiya na rin dahil dito. Kahit saang bansa ay may iba't ibang penalty, pero dito sa Saudi ang masasabi kong may pinakamatinding parusa. Ang penalty sa mga drug traffickers sa Saudi Arabia ay kamatayan. Marami na akong nakitang video ng death penalty dito sa Saudi dahil ginagawa naman yon sa harap ng publiko. Nakakapangilabot yung pugot ulo at nakakapatulala yung firing squad. Sinuman ang nakapanuod noon sa aktwal, ay talagang makapagsabi na di pamarisan ang mga nahatulan.
Kung ang guilty drug traffickers sa Pinas ay nagiging inosente, dito sa Saudi kahit magaling ang abogado mo ay talagang mapaparusahan ka.Walang exceptions kumbaga. Kaya nakakaawa iyong mga talagang inosente at naframe up lang dahil talagang di nakakalusot.
Dahil maayos na trabaho naman ang hanap natin, huwag na tayong mag sideline nito. Huwag rin tayong maging mangmang pagdating sa mga ganitong kalakaran. Huwag tayong tumanggap ng mga bagay na di natin alam kung ano ang laman. Kung kakilala mo ang nagpapadala ngunit tumtangging ipasilip sa iyo, e aba tanggihan mo rin. Mas mabuti pang maging magkagalit kaysa magkaibigan na dulot sa iyo ay kapahamakan.
Ang droga ay mahigpit na ipinagbabawal sa Saudi ngunit maraming lokal ang gumagamit nito lalo na yong mga kabataan. Madali kasing malalaman ang taong sabog sa droga kaysa sa taong normal. Pero hayaan na natin sila, bansa naman nila ito.Ang mahalaga isa kang matagumpay na OFW.
No comments:
Post a Comment