single siya at single ako, anong masama? |
Maraming kainan sa Saudi ang may family section, kung saan kumakain at pinagsisilbihan ang may pamilya at ang mga babaeng kostumer. Ang mga kainang walang ganitong kwarto ay masasabing para lamang sa mga bachelor.
Ang mga Pinoy restaurants sa Saudi ang tanging saksi sa mga taong lihim na nagmamahalan na ang iba ay nauwi sa kasalan. Ito rin ang piping saksi sa mga hulihan kung saan ikinukulong ang nagdidate dahil nga nilabag nila ang conservative law ng Saudi. At ito rin ang lugar na nagtatago ng mga ebidensiya ng pagtataksil ng isang OFW sa kanyang kaparehang naiwan sa Pilipinas.
Karapatan nating magmahal dahil ito'y natural sa atin bilang tao. Pero ang pagmamahal ay nasa tamang tao, tamang panahon, tamang lugar, at tamang pagkakataon dahil nasa Saudi Arabia tayo!
No comments:
Post a Comment