Kumusta ka?
Isang pagbati mula kay kwentuhero.
Dahil napadpad ka sa pahinang ito, ibig sabihin interesado ka ring malaman kung sino ang nasa likod ng mga akda sa blog na ito.
Ako si James de la Cruz, tubong North Cotabato ng Mindanao.
Mahilig akong magtago ng mga pangyayari na sa alam ko di na muling magaganap. Sinusulat ang mga kaunting detalye. Iniisip ko na ito ang magpapaalala sa akin kapag ako'y ulyanin at makakalimutin na.
Nadiskubre na may kaunting talento sa pagsusulat nang sumali sa isang audition sa eskuwelahan. Ito ay ang pagsulat ng editoryal sa aming pahayagan. Nakapasa at naipadala ako ng aming eskuwelahan sa division, regional, at national level sa taunang paligsahan sa larangan na iyon. At hanggang sa huling laban ay naipanalo ko ang aking pahina. Iyon ang kauna-unahang 1st Place na natanggap ng rehiyon na ikinatawan ko sa paligsahan.
Simula noon, sumasali na ako sa mga "essay contest". Nagsisimula na ring gumalaw ang aking kaisipan. Hindi ako madaldal sa totoong buhay subalit ang pananaw at damdamin ko ay nababasa ng ibang tao. Panalo o talo, para sa akin ay di mahalaga. Ang importante ay naipalabas ko ang saloobin at nilalaman ng isipan ko.
Overseas Filipino Worker. Sa edad na 24, nagsimula ang aking pakikipagsapalaran dito sa Gitnang Silangan. At katulad sa mga kuwento ng karamihan sa mga nangingibang bayan, hindi madali ang buhay sa ibang bansa. Ang mawalay sa pamilya at di makita ang bansang kinalakihan ay matatawag na sakripisyo. At para gumaan ang kalooban, iniisip ko na ito ay benipisyo.
Filipino. Ang Filipino ang lengguwahe na malimit kong ginagamit sa blog na ito. Sino pa ba ang ibang makakagamit nito maliban sa atin na isang Pilipino? Inspirasyon ko ang mga akda ni Pilosopong Tasyo na hindi ko na mahagilap sa ngayon. "Ang wikang ito ay unti-unting mawawala", ayon sa kanya at ito'y aking pinaniniwalaan. Hirap din kasi ako sa pagsalin ng salitang banyaga sa Filipino. Kaya ito ako ngayon, nagsusumikap magsulat ng purong Filipino, nagsasalita ng diretso sa Bisaya, at nakikipag-usap ng pilit sa English.
Blog. Ang blog na ito ay alaala ng mga masasayang tagpo sa aking buhay OFW. Sa mga natuyong luha at pawis mula sa aking paglalakbay at pakikipagsapalaran sa ibang bansa bilang isang ordinaryong manggagawa. Kabilang na rin dito ang mga karanasan ng kapwa ko OFW na aking nakasalamuha dito sa Disyerto!
Salamat sa pagdaan. Mabuhay!
ser james bakit wala pa po yung pinadala ko na baggage box sa sea cargo pinadala ko noong april 25 2014 hanggang ngayon wala pa sabi nang skyfreight 60 days makakarating na pero po yung sa akin lampas na sa 60 days.72days na wala pa?
ReplyDeletepacheck niyo na lang po sa skyfreight para matrack nila ang package niyo. Salamat.
ReplyDeleteHi Sir James! Kamusta na po? Ako po pala Si Jeff..Nice blog po! :)
ReplyDeleteSalamat sa papuri Jeff...salamat sa pagpakilala...
DeleteGudpm .. fil asia po ba ito.... anu pong contact number dito sa pinas... need ko po ifollow up un box na pinadala ng asawa ko fr. Riyadh... tenks need ko po reply nyo asap
ReplyDeletewala po akong connection sa fil asia...pakitanong nyo po ang asawa nyo, siguradong binigyan po siya ng contact number ng fil sa Pinas...salamat.
DeleteGood Day Kabayan! Ask ko lang po kung pwede po ba sa air freight ung Microwave and Perfumes? thanks
ReplyDeletePasensiya na po.. huli ang reply. bawal po ang perfumes sa air freight. Yan po ang sa pagkakaalam ko. Sa electrical items naman, di ako sigurado pero marami na rin sa amin ang nakapadala nun (tv, vacuum, etc).
DeleteHow do we contact you for inquiries? Thanks!
ReplyDeletePlease use the contact form of this blog.
Delete