Friday, April 19, 2013

Boto mo, Rerespetuhin ko!

Nagsimula na ang Overseas Absentee Voting dito sa Saudi para sa pambansang Halalan ngayong Mayo.

Naalala ko noon, lagi akong officer sa classroom namin. Mga kamay na itinaas lang ang binibilang at tawag na doon ay BOTO na. Isang simpleng pulitika ang noo'y nasa eskuwelahan. Ngunit para sa akin, mas pipiliin ko pa ang simpleng botohan na mayroon ang isang maliit na silid kaysa sa napakalawak at napakagulong halalan na mayroon ang bansa natin.

Hindi ako makakaboto bilang Absentee Voter.
At hindi rin ako makakaboto sa Mayo.
Sa edad kong ito ay di ko pa naranasang bumoto.

Normal na tanawin tuwing Election.

Subalit di ko rin masisi kung ganito ang naging pananaw ko. May pinagdaanan lang kasi. Tuwing election ay laging ko itong naalala. Sa tigas nitong ulo ko ay di ko maisip na nangyari iyon na ikinahiya ko ng sobra.

Ano ba kasi ang nakain ko sa araw na iyon nang bigla ko na lang naisip na pumunta sa opisina ng Comission on Election (COMELEC). Ito iyong halalan na natalo si FPJ. "Hello Maam, magpaparegister po ako in advance". Nagkatinginan ang mga staff. Parang  mali ako ng opisinang napasukan?"Sir, hindi puwede!". "Bakit hindi po puwede". Wala pang registration period". Madali lang naman sanang intindihin pero bumigkas pa ulit ako ng "Bakit po?" "Patakaran kasi yan." sabi ni Maam. "So hindi po talaga puwede?". "Ang kulit niyo!" Nakulitan sila sa akin sa gayong gusto ko lang namang magparegister. First time sana.

"E anong trabaho niyo kapag walang registration at eleksyon?". Naisip ko pa sanang itanong kaso di naman ako naghahanap ng gulo. Sa akin na lang iyon.Hihintayin at kailangan ko pang maranasan ang siksikan tuwing registration period.

Ang una at huli kong pagtapak sa opisina ng COMELEC ay memorable. At dahil sa trabaho ay di pa ako nakapagtiming ng registration period.

May ilang eleksiyon na rin ang nagdaan. At kung sakaling ako ay voter sa mga araw na iyon, malamang naipakain ko lang ang balota ko sa PCOS machine nang blanko.

"Serbisyo sa bayan". Common term na iyan. At ang salitang POLITICIAN ay nagbago ng kahulugan. Kailan kaya maiaalis ang katagang CORRUPT na nakakabit sa isang POLITICIAN? Dahil kahit anong husay at linis sa pamamahala ng isang PULITIKO ay may mga tao pa ring nakakapagsumbat sa kanya ng gahaman.
PLATAPORMA? Ito ay lumalabas lamang tuwing sasapit ang eleksyon. Hidi mo rin masisisi ang mga pulitiko dahil mahirap talagang gumawa ng batas na ipapaunawa at susundin ng ilang milyong tao.

Hindi ba puwedeng ihambing ang halalan sa isang marathon? Di ba mas masaya kung sa iyong pagtakbo ay may kasabay ka na kakuwentuhan? Hindi iyong nagsisipaan, naglalamangan, at naghahamunan para lamang mauna sa finish line. Leadership pa naman ang position na pinagtatalunan..

Ganoon din sa mga botante. Ang magkakaibigan ay naging magkaaway dahil lamang sa mga pinunong nais nilang ihalal. Magkakaiba ang kandidatong sinusupurtahan. Ang kandidatong LIKE mo ay HATE niya pala. Kaunting usapan lang, napupunta na kaagad sa mainit na debate. Puwede nang pang FACE to FACE sa show ni Amy Perez. Ang masakit pa nito, ay kaunti lang sa mga botante ang mayroong tinatawag na RESPETO.

Binoto niya si M, samantalang ibinoto naman niya si H. Sana walang pakiaalaman. Respetuhan lamang.

Minsan naisip ko. Tama lang na hindi ako nakakapagboto. Walang pila, walang hassle, walang gulo. Maghihintay na lamang sa kung sino ang mananalo. Lasapin ang ganda ng kanyang pamamahala at magtiis na lamang kung ang paglilingkod ay baluktot. May katapusan din naman ang term niya.

Ganunpaman, ito pa rin ay mali. Sayang ang isang boto ko para sa totoo at karapat dapat na kandidato. Malamang sa susunod na halalan, makakasali na ako. Sa ngayong 2013, blanko pa rin ang balota ko.

Good Luck po sa inyo mga botante! Mga mamamayan ng Pilipinas.

3 comments:

  1. ako naman matagal na ring hindi nakaka boto... dito naman sa KSA di ko alam kung meron o paano...

    mahalaga talaga ang pag boto.... alam ko dapat tumatanggap sila ng early registration,,,, kasi pag sa last day.... at maraming tao.. sinasabi sa balita na dapat maaga ang pag register hindi ung pupunta na lang sa last day....

    Hindi din ako makaka boto ngayon.... sayang nga lang....

    ingats...

    ReplyDelete
  2. sayang nga ang mga boto natin Jon...May next time pa naman e...

    ReplyDelete
  3. magulo din ba ang botohan dyan sa Saudi? sayang magparegister ka :) nakasalaylay sayo ang kinabukasan hehe. pero seryoso po kamusta naman ang botohan dyan sa ibang bansa?

    ReplyDelete