Monday, April 1, 2013

Trabahong Part Time

Marami akong nakasalamuha na mga pinoy Part Timers dito sa Saudi. Sila iyong mga kababayan na may ibang pinagkakakitaan maliban sa trabaho kung saan sila nahire.

Para sa akin, wala namang masama sa ginagawa nila. Ang pag-asenso na hinahangad ng isang OFW ay tama lamang na sinasabayan ng sipag at tiyaga. Para sa kanila, sayang ang mga nalalabing oras ng isang araw na walang kikitain.

"Sayang ang oras. Sayang ang pagkakataon. Pera din yan!"

Isang halimbawa ang isang kababayan na dahil sa pagluto ng masarap na pansit bilang sideline ay nagresign sa pagiging secretary at nagtayo ng isang Pinoy restaurant sa tulong ng Arabo. Sa kalaunan ay lumakas ang negosyo at nagkaroon pa ng isang branch at isang panaderya. Maraming Pinoy ang nabigyan niya ng trabaho. Ang tagumpay niya ang nagpatikim sa amin ng mainit at malinamnam na pandesal na mabibilhan habang nagtratrabaho sa kaharian. Isa siyang inspirasyon na dapat talagang tularan.

Kadalasang may mga Part Timers ay ang mga Pinoy restaurants. Kung hindi waiters, ay makikitang nasa kusina. Malaking tulong ang mga part timers dahil kaunti lang naman talaga ang mga original na empleyado ng isang restaurant.

Meron ding nasa barber shops at saloons. Kung magaling lang din sana akong manggupit, e baka gawin ko rin ito. Kulang na lang ay bigyan ng transaction number dahil sa marami ang kliyente dito. Mahaba ang pila dahil napakarami ang mga kababayang may long hair, may puting buhok, at maduming kuko. Isang larawan na talagang napakasipag ng mga pinoy dito sa Saudi. Naging last priority na nila ang mag-ayos ng sarili.

Sa mga dependents naman ng mga OFW na nandito sa Saudi, sa kabila ng "Not allowed to work" na nakatatak sa mga visa ay may ibang nagkakaroon ng trabaho lalo na iyong may propesyon ng pagtuturo o accounting. Sila ang kadalasang kinukuha sa mga eskuwelahan para magturo.

Marami pang ibang pagkakakitaan dito sa kaharian kapag ang hanap ay pera. Kung talagang masipag at maabilidad lang. Ang iba ay bilang construction workers, private drivers, sale clerks, at marami pang iba basta di lang mapili sa trabaho.

Subalit nag-iiba na ang kalagayan ng mga Part Timers sa ngayon. Sa sunod sunod na pagraid ng mga Saudi Police sa mga establisments para hulihin ang mga ilegal workers ay kasama na rin doon ang mga kababayan nating Part Timers. Taliwas kasi ito sa mahigpit na labor rules ng kaharian. Hindi masama ang maghanap ng dagdag kabuhayan subalit ang batas ay batas. Wala tayong ibang magawa kundi ang sumunod na lamang.
Mababasa ang karagdagang impormasyon sa Arab News.

Kahit legal tayong mga OFW sa Saudi, hindi natin maiwasan na magkamali. Malamang dahil sa ating kakulangan sa kaalaman sa mga patakaran lalong lalo na sa batas ng kaharian. Ganunpaman, ang desisyon ay nasa atin pa ring sariling kamay.
_________________________________

Common Violations and Penalties by us ( for our informations)

#5. Practice of work by the dependent such as wives and children - SAR1,000 for first offense, SAR2,000 for second offense, SAR3,000 for third offense and the issue will be referred to Minister of Interior for termination of Iqama and deportation.

#7. Employing an expatriate with a visitor's visa - deportation if the visa is still valid. And if the employer is an expat resident (valid iqama holder), he should fined and considers himself for deportation.

#14. Sheltering the over stayer after performing Hajj assisting him to stay illegally in the country - if the violator is an expat resident, the fines is SAR10,000 or one month imprisonment and subject for termination of iqama and deportation.

#21. Expat resident working for another employer or for his own account - termination of iqama and deportation.

#28. Expat working for an employer other than the one recruited him - deportation and banned to return in the kingdom for two years.
______________________________

4 comments:

  1. sabagay... may point ka diyan....

    plano ko sana mag part time kaso sa nangyayari ngayon dito sa KSA kailangan konting ingat na rin... sumunod muna sa batas nila...

    ReplyDelete
  2. Ingat na lang talaga tayo ngayon. Humihigpit na talaga ang saudi.

    ReplyDelete
  3. kawawa naman. mahirap bah makakuha ng working visa sa mga employer na sinasabi mo? total nakikinabang naman sila sa mga part timers why not alukin nalang ng working visa. take advantage din naman sila sa mga pinoy expat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi kasi madali ang paglipat ng sponsorship ngayon dito sa Saudi dahil sa nitaqat o saudization. Halos lahat ng mga businesses e nasa Red category. Ibig sabihin, walang transfer at walang issuance ng working visa.

      Delete