Sunday, March 17, 2013

Tara na sa Kabsahan!


Sa unang tingin, parang di naman katakam-takam.

Mamantika at maliban sa malaking hiwa ng ulam sa dilaw na kanin at pasas (dried grapes) ay di mo na makilala ang iba at kakaibang sangkap na masisilip mo sa kabsa rice.

Chicken Kabsa of Bukhari Restaurant

Ano ba ito? May animo'y sanga ng bayabas, balat ng punong akasya, bulok na kaymito, may damong makulay, may mga dahon, may mga buto, at may parang mani na kapag nanguya mo ay di mo magugustuhan ang lasa.

Ang kabsa rice ay isang kilala at pinakapaboritong pagkain dito sa Middle East lalong lalo na sa Saudi Arabia. Hindi uso ang plain rice lalo na kapag may mga handaan. Mawala na ang ibang putahe, huwag lang itong kabsa!

Ang pangalan ng mga kabsa ay depende sa kung ano ang nakahalo dito.Kadalasan ay manok, isda o hipon. At sa malalaking handaan naman ay kamel, tupa o kambing. Pinakamasarap ang kamel kabsa gamit ang kamay sa pagkain. (Walang kutsara at tinidor!

Kinakamay! Iyan ang tamang pagkain ng kabsa.

Ang mga larawan sa ibaba ay ang mga kakaibang sangkap ng kabsa na sa unang pagkakataon ay naging ignorante ako.


Cinnamon


No comments:

Post a Comment