Saturday, February 23, 2013

Iba ang OFW noon kaysa ngayon!

Mas mahirap ang buhay ng isang OFW noon kung ikumpara sa buhay nating mga OFW ngayon.

Noong 1980's at 1990's, tuwing araw ng biyernes, halos maghapon ang mga OFW na nakapila sa telephone booth sa bayan dito sa Saudi. Walang pasok. Ito ang araw na lumalabas ng mga kampo para kausapin ang mga mahal nila sa buhay. Ngunit, ito ay para lamang sa mga pamilyang abot ng kawad ng PLDT ang mga bahay sa Pinas.

Ganoon din ang pilahan sa post office. Talagang BOX OFFICE sa dami ng tao para maiabot at maipadala lamang ang liham para sa pamilyang nangungulila sa Pinas.

Nakapaloob sa bawat bigkas sa telepono o sa bawat letra ng sulat ang damdamin ng isang OFW. Nagsisikap, nagtitiyaga, at nangangarap!


Mapalad tayong mga OFW ngayon! Nasa atin na halos ang lahat. Ang maayos at iba't ibang klaseng komunikasyon.

Hindi na natin kailangan pumila sa telephone booth sa kasagsagan ng init o lamig ng panahon. Meron ng cellphone. Hindi na rin mahirap makabili ng computer para makapagchat, skype, at facebook. Nakakausap at nakikita natin ang ating mga mahal sa buhay ng madalas. Hindi katulad dati, makikita mo lang ang pamilya mo tuwing ika'y uuwi.

Nakakahomesick! Natural dahil sa ibang bansa tayo. Sa panahon ngayon, maraming paraan para ito'y mabawasan. At malamang pareho tayo ng pamamaraan.

2 comments:

  1. tama ka diyan.... pero minsan gusto ko ring ma experience ang ganyan..

    un bang makakatanggap at magpapadala ako ng sulat....

    gumamit ng phone cards....

    mga ganun hehehe ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iba ka talaga Jon! Sa karanasan kasi, marami tayong natutunan...

      Delete