Kainan sa Saudi nang nakakamay. Kabsa rice at spareribs. |
"It was the most healthiest conversation that we have so far!", sang-ayon ng tatlo.
Ano bang purpose mo kung bakit nasa Saudi ka nagtatrabaho? Alam naman natin na hindi ito panghabambuhay na trabaho. Darating talaga ang panahon na papauwiin tayo. At isa pa, ang sahod sa Saudi ay hindi ganoon kataas kung ikumpara mo sa ibang bansa.
Galante. Ang mga nagtatrabaho sa abroad ay malakas maglabas ng pera. Saan mo ba dinadala ang pera mo? Hindi pa ba sapat sa iyo na talsik ang pawis mo sa taas ng temperatura sa Saudi? Sa hirap ng trabaho at pamumuhay sa disyerto? Ayos lang ba sa iyo na ang pinaghirapan mo ay ipapainom mo sa mga kabarkada at kakilala mo? Ilulustay mo sa ibang tao, maliban sa pamilya mo? Para kanino ka ba nagtatrabaho? Para sa sarili mo o sa pamilya mo?
Maluho. Kahit alam natin ang pgkakaiba ng WANTS sa NEEDS, ay atin itong isinantabi. Ano nga ba ang dahilan kung bakit mamahalin ang cellphone mo? Bakit kailangan pang maglustay ng pera para sa bagong labas na I-phone o Galaxy. Bakit kailangan pang maging high tech sa gadget kung tawag lang naman o SMS ang kailangan? Kung internet ang rason, e ano ang gamit ng computer mo? Gayong halos lahat ng expat sa Saudi ay nakakabili ng laptop.
Bakit ka bibili ng kotse sa Pilipinas kung nandito ka naman nagtatrabaho? Kung halos isang buwan lang naman ang bakasyon mo. Kung bakit tag-iisa pa kayo ng sasakyan ng Misis mo. Kailangan mo ba talagang gamitin ang kotse kahit ang bumili lang sa malapit na tindahan?
Utang. Kapag galing ka sa abroad, ang daming lumalapit para mangutang. Minsan, ang uutangin niya ay pambili pala ng luho nila. Minsan, ang nangungutang ay mas maganda pa ang cell phone kaysa iyo. Minsan ang nangungutang, mas marami at magara pa ang sasakyan kaysa iyo. Minsan, ang nangungutang mas maganda pa ang bahay kaysa sa tinitirhan mo. Minsan, ang nangungutang humihithit pa ng sigarilyo habang nakikiusap sa iyo. Meron silang mga kagamitan ngunit ikaw ang may pera. Kaya sila galit dahil ayaw mong pautangin. May ipinatago ba silang pera sa iyo?
Kung ang pamilya ang mangutang ay ayos lang, kahit hindi pa nila bayaran. Pamilya mo sila e! Ngunit naitanong mo na ba? Kung sakaling wala ka ng pera, tutulungan ka rin ba ng pamilya mo?
_________________________________________________
Ang pag-uusap na iyon ay nagwakas sa isang conclusion. Maging masinop sa paggasta at Mag-ipon po tayo! Hindi lamang para sa ating pamilya kundi para na rin sa ating mga sarili.
Utang!!! so true! After all the help na binigay natin, minsan kang hindi magbigay (bigay na nga eh hindi na pautang) MADAMOT, MAYABANG na agad ang tawag sa atin!
ReplyDeleteHello
DeleteSigurado ka sa anumang uri ng pinansiyal na Hirap? Kailangan mo ba ng pautang upang i-clear ang iyong utang? Ikaw ay isang tao ng negosyo o babae ng gustong palawakin ang iyong negosyo? nag-aalok kami ng lahat ng uri ng mga pautang sa mga indibidwal, mga kumpanya at makikipagtulungan katawan na nangangailangan ng isang pautang sa isang mababang interes rate ng 3% ugnay sa amin ngayon para sa isang tunay na utang sa pamamagitan ng email:
collinsmarkloaner@mail.com
Tama ka Au...ganyan yata ang buhay...
ReplyDeleteganyan talaga ang buhay....
ReplyDeletekahit nakakasawa.,... masarap din ang manok na yan hehehe.... masaya din pag nakakasabay sa pagkain ang ibang lahi....
tama ung mga nasabi mo... lalo na sa utang hehehe
Hello Jon, mukhang manok...pero spare ribs yan...hehehe
ReplyDeletehello! Thanks for visiting my blog (Baul ni Noel). I would like to have a blog exchange with you. Just make a comment sa blog ko para ma-confirm ko at maidagdag ko na ang blog mo sa blog ko. Thanks and God bless.
ReplyDeletedone, thanks for accepting my x-links :)
ReplyDeleteI know a lot of ofws who, when they come home to the Philippines, spend like they earn millions from their work abroad. I wonder where does this mentality to spend come from.
ReplyDeleteInterested din akong malaman kung ano pang mga pinagusapan ng tatlo. Ito yung mga tanong na hindi natin binabahagi, pero mahalagang ilabas.
Roly Manansala
Hello
ReplyDeleteSigurado ka sa anumang uri ng pinansiyal na Hirap? Kailangan mo ba ng pautang upang i-clear ang iyong utang? Ikaw ay isang tao ng negosyo o babae ng gustong palawakin ang iyong negosyo? nag-aalok kami ng lahat ng uri ng mga pautang sa mga indibidwal, mga kumpanya at makikipagtulungan katawan na nangangailangan ng isang pautang sa isang mababang interes rate ng 3% ugnay sa amin ngayon para sa isang tunay na utang sa pamamagitan ng email:
collinsmarkloaner@mail.com
Kailangan mo ba ng 100% na Pautang? Maaari akong maghatid ng iyong mga pangangailangan sa pananalapi na may mas kaunting mga problema ng pagbabalik na siyang dahilan kung bakit namin pinopondohan ka para sa 2% lamang. Anuman ang iyong sitwasyon, self-employed, retirado, may matibay na credit rating, maaari kaming tumulong. Flexiblerepayment higit sa 1 hanggang 30 taon. Makipag-ugnay sa amin sa: Rechaelfrankloanfirm@gmail.com
ReplyDeleteIkaw ay naghahanap ng isang mahaba o panandaliang pautang
1 Buong Pangalan: ............................
2 Makipag-ugnay sa Address: .......................
3.Country: .....................
4.Sex: ...............
5. Kinakailangan ng Pautang Halaga: ....................
6. Mga Tagal na Tagal: ...................
7. Direktang Numero ng Telepono: .................
Maraming Pag-ibig,
Rechaelfrankloanfirm@gmail.com
L
Mrs: Rechael