At dahil sa bagong teknolohiya, napadali ang pagkuha ng visa dahil hindi na kailangan pang pumunta ng Government Relation officer sa Saudi Passport Department para lang mag-apply ng visa. Iwas sa pila at ilang minuto lang ay maibigay na nila ang electronics visa na kakailanganin natin.
Para sa mga OFW na nasa Family Status o iyong nakapagdala ng pamilya dito sa Saudi, narito ang paraan kung paano kumuha ng visa para sa iyong pamilya o dependents na nasa apartment lamang. Tama! Tayo mismo, bilang kanilang SPONSOR, ay may kakayahan na makapag-apply para sa mga dependents natin gamit lamang ang internet. Siguraduhin lamang na nakarehistro kayo sa Saudi Arabia Ministry of Interior (MOI).
Saudi Exit Re-entry Visa |
1. Pumunta sa website na www.moi.gov.sa at maglog in.
2. Pindutin ang iyong eDashBoard (parang profile sa facebook) at pumunta sa kolum ng iyong Dependents. Pindutin ang More detail.
3. Piliin and dependent na aaplayan mo ng exit re-entry visa. Pindutin ang More Detail.
4. Kumpirmahin na nabayaran na ang visa (online banking). Pindutin ang Issue Visa.
5. Basahing mabuti ang mga kondisyon at iclick ang loob ng kahon kapag sang-ayon kayo. Piliin ang OK.
6. Piliin ang Single sa Visa Class. Kapag sigurado na kayo sa petsa ng kanilang pagbalik, piliin ang Return Before. At kapag hindi sigurado at kung gusto nang mas mahabang validity ng visa, piliin ang Duration at ilagay kung ilang araw. (Kaya ito hanggang 9 na buwan o 270 araw basta valid pa ang iqama). Pindutin ang Issue Visa.
7. Kumpirmahin kung tama ang mga impormasyon. Pindutin ang Confirm.
8. Pindutin ang Print para sa hardcopy at idikit sa pasaporte. Makakatanggap din tayo ng SMS mula sa MOI ng transaksyon na ginawa natin.
Paalala: Ang visa hardcopy ay hindi na kailangang ipakita sa Saudi Immigration ngunit hinahanap ito sa ibang paliparan katulad ng sa Pilipinas.