Sa isang ordinaryong OFW, nakakabulol sagutin ang mga tanong tungkol sa INVESTMENT. Napabuntong hininga ng malalim at nauubo lalo na kapag wala pa talagang mabanggit na kabuhayan na mula sa katas ng pagtatrabaho sa ibang bansa.
Investment - ay asset o bagay na nabili na nagkakaroon ng karagdagang kita o tumataas ang halaga habang tumatagal.
Para sa aming nasa Saudi, mahalaga ang bawat pera na aming kinikita. Dahil hindi lang naman ito basta lang pera na natatanggap namin bilang sahod. Nakapaloob dito ang lahat ng mga bagay na kinalimutan pansamantala. Sine, alak, night life, litsong baboy, at lahat ng ipinagbabawal sa bansang ito. Kumbaga, trabaho lang muna at sa susunod na ang pagliliwaliw. May oras para sa pagsasaya at habang nasa Saudi, trabaho muna ang prayoridad.
Lupa, bahay at sasakyan. Ito ang mga unang mga properties na nagkakaroon ang mga nangingibang bayan. Subalit ang mga assets na ito ay masasabing patay o DEAD INVESTMENT dahil hindi naman kumikita maliban na lang kapag ito'y ibinenta o ginawang isang kabuhayan.
PAGTITINDA - ito ang pinakaunang investment na aking sinusugalan sa unang mga taon ko bilang isang OFW. Madali lang kasi ang pagset-up at sa halagang P5,000 ay makakaumpisa na. Kahit nasa loob lang muna ng bahay ay puwede ito hanggat alam ng mga kapitbahay o ng mga tao.
Mula sa simpleng tindahan ay maaring maging "sari-sari store" o lumago pa depende sa humahawak ng management nito. Hindi masyadong malaki ang kinikita ng tindahan pero ang mahalaga ay matutugunan ang pang araw-araw na pangangailangan ng isang tahanan na hindi inaalala kung saan kukuha ng gagastusin.
Ang tindahan kapag lumago, naging "sari-sari" store. At kapag hindi, naging "sara-sara" store. |
Traysikel, jeepney, multicab hanggang sa bus ay kayang-kaya itong bilhin ng isang OFW. At sa mga nasa bulubundukin nakatira katulad ko, na tanging "habal-habal" o "skylab" ang pumapasada, ay namuhunan din ako. Ngunit hindi rin siya ganoon kalakas dahil sa dami ng kumpetisyon. Ang pagpapasada ay mainam kung nasa bayan o siyudad.
Ang traysikel na ito ay kayang magbiyahe sakay ang siyam na pasahero. |
"Ang stock market, isang sugal?". Sa katunayan, galing sa mga Indian kong kasamahan na mga stock holders ang salitang sugal sa stock market. Kung hindi kabisado ay huwag nang pasukin. Ngunit marami ang mga OFW na pinapasok ang stock market lalo na iyong mahilig magbasa ng dyaryo at sumilip sa FOREX at stock exchange.
Manukan, ito iyong asset na pinag-uusapan ng mga OFW na may kinahihiligan. Hindi iyong pag-aalaga nung broiler chicks, kundi iyong rooster chicks na panabong (derby). Nakakatuwa na malaki pala ang kinikita ng mga OFW na may
Buy and Sell method ng Stock Market. Larawan mula sa Google. |
Mainam ang ganitong investment dahil malayo ang taggutom. May kita ka na, sigurado pang may kakainin ang pamilyang naiwan sa Pinas. Mas malawak na bukirin, mas malaki ang kita.
Ang palay ay inaani pagkatapos ng tatlo hanggang apat na buwan depende sa variety nito. |
Kung palayan ang naiisip namin na nasa probinsiya, paupahan naman ang mga nasa siyudad. At sa mga OFW na medyo nakapag-ipon na ay nagagawa nila ito. Sa pagbili ng lupa ay kaagad pinapatayuan ng apartment o boarding house. Sa ganitong paraan, kumikita ang lupa at unti-unting bumabalik ang puhunan.
Sa Pinas, duplex o triplex ang kalimitang apartment. Sa Saudi ay parang condo style. |