Ang mga holiday galores sa Pilipinas ay minsan hindi namamalayan. Nandiyan iyong tipong magugulat na lang kung bakit may nagbago sa mga programa ng TFC. Inulit ang episode ng Kris TV kanina at nagdrama ang It's Showtime. Malalaman lamang ang dahilan kapag napanuod na ang TV Patrol.
Sa mga nagtatrabaho, hindi napapansin ang bilis ng mga araw pero siguradong ang rason kung bakit may pagdiriwang ay hindi kinakalimutan.
At sa paghahanap ng sangkap, nagulat ako sa aking nalaman.
Mahal.........mahal........mahal...........
Mahal na pala ang saging SABA. Kelan pa?
Hindi uso ang paghingi ng resibo sa tuwing bumibili, kaya tinandaang maigi ang presyo. |
No comments:
Post a Comment