Boofia - ang tawag sa maliit na carenderia kung saan makakabili ng mainit na sandwiches, kape at tsaa. Alas 4 pa lang ng umaga ay may bukas ng boofia at nagsasara ng alas 11 ng gabi, depende sa lokasyon at sa dami ng kostumer.
Boofia coffee with milk |
Ito ang nagsisilbing pantawid gutom ng mga OFW na nagtatrabaho sa gabi at tinatamad nang magluto ng almusal.
Marami kang pagpipilian sa boofia sandwiches. May mga fruit jam din na pwedeng piliin kung allergic ka sa egg sandwich na best seller dito. May beef, chicken o turkey din na pagpipiliin sa halagang 2 to 3 riyals.
Kadalasan kong inuorder ay dalawang egg sandwich (1 riyal each) at isang tasang kape o tsaa (1 riyal). Huwag na nating iconvert sa peso dahil para sa akin, mura na ito.
Madali lang namang gumawa ng egg sandwich na katulad sa boofia. Kumuha ka ng tinapay na pahaba. Tanggalin ang bawat dulo at hiwain sa gitna. (Sayang iyong dulo ng tinapay dahil itatapon na). Painitin ng tinapay, kumuha ng itlog at batihin. Isalang ang kawali at painitin ang mantika. Ilagay ang itlog, lutuin, at hanguin. Kunin ang tinapay, lagyan ng mayonnaise, ginayat na gulay (kadalasang pipino), at ketchup. Dikdikan ng kaunting asin at paminta. Balutin ng sandwich paper at tapos na.
Mas masarap pa rin at walang tatalo sa Pinoy almusal! Iisipin na lang na sana may gotohan, lugawan, at tapsilogan dito.
No comments:
Post a Comment