Qatar Airways ba ang sasakyan mong eroplano? Kung ganoon, makakatapak ka sa lupain ng Doha, Qatar. Kailangan mong bumaba at magpalit ng eroplano sa Qatar.
Dahil ito ang eroplano at kung first time mo, may bagong guide ang Qatar International Airport about arrival and transfer na nagsimula noon pang Disyembre 2010.
Ang Qatar International Airport ay may color coding na sinusunod. Makikita mo ito sa hawak na boarding pass.Tayo na galing o papunta sa Saudi, color
yellow o
orange-edged yellow na boarding pass wallet and cabin hand luggage tag ang ibibigay kapag ikaw ay nasa economy class. Kung first o business class naman,
burgundy naman ang kulay. Sa mga Kababayan nating nakadestino sa Qatar, kulay
blue naman na boarding pass wallet at cabin hand luggage tag ang bitbit.
|
For normal economy class. Ito ang ibibigay sa atin kapag galing o papunta tayo ng Saudi |
|
For economy class with short transfer. Sa mga gipit ang connecting time interval. |
|
For first and business class |
|
For passenger whose Doha is the final exit. |
Pagdating ng airport, unang lalabas ang mga pasaherong may burgundy na kulay. Separate ang sasakyan nila which is either limousine o luxury bus. May premium transfer terminal exclusive para lang sa kanila.
Kasunod ay mga pasahero na nasa economy class, lahat ng kulay ay sama sama sa isang bus pero ang destinasyon ay iba iba. Hihinto ang bus sa mga entrance doors ng airport at bababa lang tayo sa mga pintuan na kakulay ng ating boarding pass.
|
Backside of boarding pass wallet. Courtesy of a traveller going to Manchester. |
Papunta o galing ng Saudi, papasok tayo sa yellow entrance door at dadaan sa isang security screening area for inspection. Pagkatapos dito ay hanapin na kaagad ang Gate ng susunod na flight para maiwasan ang maiwanan.
No comments:
Post a Comment