Thursday, December 1, 2011

Winter Season sa Disyerto


Mula sa naglalagablab na temperatura, pumasok na nga ang winter season dito sa  Gitnang Silangan. Ito yong pinakahihintay na klima ng karamihan sa ating mga Kababayan. Masarap kasing gumala at magliwaliw dahil maginaw.

Sa panahon ng Winter, ayon sa mga dalubhasa, ay nagiging mahina ang ating immune system. Kaya maraming sakit ang lumalabas kapag taglamig. Nandiyan ang nakabubulabog na ubo, ang di mapigilang sipon, at minsan may kasama pang lagnat.

Ito ang mga kadalasang payo ng ating mga Kababayan na matagal nang naninirahan dito sa Saudi:

1. Kadalasan, sa panahon ng taglamig, nanunuyo, nagbibitak-bitak, at mahapdi ang ating mga balat. Kailangan nating uminom ng maraming tubig at gumamit ng mga moisturizers para laging hydrated at mapigilan ang panunuyo. Huwag mahiyang magpahid ng lotion. Di nakakabawas sa pagkalalake yan!
2. Kailangan nating pangalagaan ang ating kalusugan at balat. Kailangan natin ng Vitamin C.
3. Magsuot ng damit proteksiyon sa ginaw at para mapanatili ang temperatura ng katawan tulad ng bonnet, jackets, at gloves kung kinakailangan.
4. Palaging magdala ng lip balm kapag lumabas. (Kung sensitive ang labi sa lamig)



 Lip Balm - sa halagang 10 to 12 riyals ay mabibili mo na ito sa mga tindahan at botika. Parang woman lipstick ang dating, pero huwag tayong mahiya na magpahid nito para protektahan sa panunuyo at pagbiyak ang ating mga labi.




5. Kailangan nating mapanatili ang ating matibay na immune system sa pamamagitan ng tama at wastong pagkain. (sabi ni Dok!). Dagdag pa diyan ang tamang pahinga at ehersisyo.
6. May mga kumpanya na may libreng winter vaccination. Mas mainam na ang may bakuna laban sa winter ailments.

Mahirap magtrabaho kung taglamig lalo na sa gabi pero mas mahirap kung mayroon tayong iniindang sakit. Kaya ingatan po natin ang ating mga sarili!



No comments:

Post a Comment