Tuesday, December 6, 2011

Balikbayan Box: Ang Laman

"Ang lokasyon ng isang OFW ay malalaman mo sa laman ng kanyang balikbayan box. Ang pagmamahal ng isang OFW ay makikita mo sa balot ng kanyang balikbayan box."

Balikbayan box Mula sa Saudi
Sa mga tumatanggap, mahirap buksan di ba? Balot na balot ng packaging tape at minsan may matibay na lubid pa. Anu-ano ba ang kadalasang nilalaman ng mga balikbayan box mula dito sa Saudi? Heto pansinin ninyo.

1. Chocolates - ito ang pinakauna sa listahan. Lalo na ang toblerone at snickers.
2. Perfume - mura ang mga pabango sa Saudi kaya halos karamihan sa mga tindahan dito ay may binibentang pabango.
3. Dates - ang trade mark at ang prutas na bukod tanging ipinagmamayabang sa Saudi.
4. Lotion at sabon - naglalakihan ang mga bote ng lotion. Meron namang ganito sa Pinas pero iba talaga ang may Arabic na tatak.
5. Coffee and Tea - Iba daw ang lasa ng imported na kape.
6. Winter Blanket - sa kapal ng kumot, malaking space na kaagad sa balikbayan box ang nabawas. Mahal kasi ito sa Pinas.
7. Mga de latang pagkain
8. Mga electronics gadget tulad ng cellphones at mga players.
9. Mga laruan
10. Flat screen TV- lahat gustong bumili nito at maiuwi sa Pinas. Wala kasing tax kaya medyo mura.

Idagdag ko pa sana ang laptop at mga gintong alahas. Kaso ang mga bagay na ito ay hindi pwedeng ilagay sa mga balikbayan box dahil sa malaking halaga. Madalang ang mga RTW (ready to wear) items sa mga balikbayan boxes mula sa Saudi.

1 comment: