Natutunan ko rin ang kahalagahan, pakinabang, at kakayahan ng bawat isang indibidwal kung ito'y ipinagsama sa isang layunin na kailangan ng matinding desisyon. Tao nga pala tayo na may sariling pag-iisip at diskarte sa buhay. Lahat tayo ay may kusa at may iba't ibang pananaw sa isang bagay!
Ganunpaman, lahat tayo ay may mga tungkulin na ginagampanan. Huwag nating isipin at bilangin ang ating mga kahinaan dahil minsan ang ating inaaming kahinaan ay siya nating kalamangan sa iba! Bawat isa sa atin ay mahalaga!
Nakita ko ito na nakabalandra sa facebook. Tatlong taon na ang nakalipas nang inilathala sa Arab News ang pagsasalarawan ng isang Saudi national sa kahalagahan ng OFW sa bansang disyerto.
Saludo ako dito!
Isa lang si Muhammad sa maraming Saudis na pinahahalagahan ang ating presensiya dito sa kanilang lupain | . |
No comments:
Post a Comment