"Ang paninirahan sa Saudi ay di naman pangmatagalan bakit ka pa gagastos ng malaki?"
Saudi Family Flats
House Rental.Hindi pwedeng makikituloy sa bachelor flat ang isang pamilya. Kailangan nang maghanap ng isang family flat. Mapapansin na ang ang isang family flat ay mas mura kapag ikinumpara sa bachelor dahil mag-isa nang bubunuin ang bayaran. Ganunpaman, uso pa rin dito ang "flat sharing", kung saan dalawang pamilya ang nakatira sa isang flat. Ito ay para mahati at di mabigat sa isang OFW ang pagbayad ng yearly house rental.
May house rental agreement ang mga real estate dito na nakakontrata para sa buong isang taon. Kailangang malinaw sa bawat partido ang mga rules and regulations. Kung kailan ang:
bayaran....monthly, quarterly o di kaya full ba?
magkano... kabuuan.... downpayment..
tubig at kuryente.. kasama na ba sa rental price?
Marami pa ang mga katanungan kapag personal nang kausap ang real estate.
TIPS: Kapag second user ka ng isang family flat, siguraduhin lang na nailipat sa iyong pangalan ang rental agreement kung sakaling aalis o mag-exit ang original user. Ito ay para maiwasan ang problema kapag may pangyayaring di inaasahan sa inyong building dahil legal ang iyong pagtira.
Internet Connection
Madaling mabored ang pamilya kapag walang internet. Ito lang ang nagpapalipas ng kanilang oras dahil limitado ang kanilang paglabas. Tanging STC lang ang internet provider na laging napupuntahan dahil may kasamang landline. Medyo madali lang ang pag-apply, iyon nga lang maghintay pa ng ilang araw kung kailan nila gawin ang installation. Kung on time ang pagfollow up, malamang makukuha ito ng isang araw.
Meron din namang prepaid internet modem na inooffer ang ibang communication provider bilang ibang option. Iyon nga lang limitado ang internet surfing base sa load na inikarga.
TIPS: May iba ring family flat na pumapayag ng internet sharing. Hati sa monthly subscription fee. Mas maraming user, maraming maghahati, mas maliit ang babayaran.
Cable Subscription
May TFC at Orbit (Pinoy TV). Pumili ka na lang sa dalawa. Kanya-kanya naman kasi tayo nang hilig kapag palabas na sa telebisyon. Kung kaya naman ng budget, pinagsasabay na ang dalawang cable subscriber. Hindi kasi nababayaran ang kaligayan kapag mga paborito mong artista at pangyayari sa Pinas ang nakikita mo sa telebisyon.
TIPS: Minsan may promo lalo na kapag advance kang magbayad ng 2 to 6 months.
Appliances
Hindi praktical ang bumili ng bago at mamahaling muwebles o appliances dito sa Saudi. Meron namang mga second hand na mga gamit tulad ng sala set, dining set, computer set, at bedroom set. Ang kakayahang pumili ng mga kasangkapan na maganda at maayos kahit luma na ang abilidad na ipinagmamalaki ng isang Pinoy. .
Family Auto
Aasahan na dapat meron sariling sasakyan ang mga pamilyado. Mahirap ang transportation dahil limitado ang mga public vehicles. Mura lang naman ang gasolina kaya medyo marami na ring Pinoy ang nahihikayat na magmaneho. Sa dami ng Car rentals at CAR Show Rooms, maraming pagpipilian. Subalit pinipili pa rin ng mga Pinoy ang second hand na mga kotse. Mas mura!
Ganunpaman, marami pa rin sa ating mga kababayang pamilyado ang piniling maglakad. Libre na, nakaiwas pa sa obligasyon ng masalimuot na traffic rules at violations ng lugar.
No comments:
Post a Comment