Lahat ng tao, nagkakamali. Dahil wala naman talagang ipinanganak na perpekto!
Sa mga expat na on vacation, mahalagang malaman natin ang mga simpleng bagay na kapag isinantabi ay siguradong makakaabala sa ating pagbalik mula sa masayang bakasyon.
Sa mga magbabakasyon sa Pinas, siguraduhing natatakan ng Saudi immigration officer ng "EXIT" stamp ang passport at e-visa (papel). Maglaan ng ilang segundo na icheck ang inyong mga dokumento bago tuluyang lisanin ang airport immigration area. Iba na ang sigurado!
Ang mga walang tatak na e-visa ay dinideport. At sa halip na bumalik sa trabaho ay magiging extended ang bakasyon. Ang tanong, kailan ka makakabalik? At baka mainip na ang ating employer sa kahihintay.
Minsan, mahirap hagilapin ang bagong stamp sa passport dahil kung saan saan sila nagtatatak. Hindi uso sa kanila ang pagandahan o paayusan ng stamping. Kung anong pahina ang nakabuklat at may space pa, doon tatama ang stamping material nila.
Sobrang importante ang tatak na iyon, kaya may isang beses na nadelay ng ilang minuto ang flight ko dahil may isang expat na walang tatak ang e-visa. Napansin ito ng katabi niya ng upuan sa eroplano. Mabuti na lamang hindi pa tuluyang naisara ng flight stewardess ang pintuan at ipinatawag ng airline staffs ang immigration officer para tatakan ang e-visa nito.
Sa mga returnees o paparating, lalong lalo na sa mga baguhan, siguraduhing may "ENTRY" stamp ang inyong passport. Ito ay kailangan sa pagpoproseso ng communty card o iqama. Isa sa kasamahan ko ang natagalan sa pag-apply ng iqama dahil nakalimutang tatakan ang passport ng kanyang pamilya na kakarating lang sa KSA sa unang pagkakataon. Naging busy tuloy siya ng ilang linggo sa pag-aasikaso ng problema niya.
Magkatugma naman ang nangyari sa dalawa kong kakilala. Matagal na nilang alam ang ganitong mga posibleng pagkakamali kaya aware na sila sa tinatawag na double checking tuwing paalis at pagdating sa Saudi immigration. Kumpleto ang stamps sa kanilang mga passports ngunit ang masama nito, hindi pala nakarehistro sa computer system nila. At nalaman lamang nila ang sitwasyon noong nag-aaply sila ng exit-reentry visa sa susunod nilang bakasyon.
Ilan lamang sila sa mga alam ko na nakaranas ng ganitong problema na involve ang passport stamps. Mga nakaligtaang stamping na masasabing hindi naman natin kasalanan. At sa mga malalaking kumpanya, para matulungan ang kanilang expat na empleyado, itinatalaga ang Goverment Relation officer para sa negosasyon. Sila ang mag-aayos at tatawag sa mga taong magwawasto ng mga gusot.
Ngunit kapag wala na talagang iba ay mapipilitan ang sarili na magbabakasakali. Ikaw na mismo ang mag-aasikaso. At sa ganitong problema, saan ka ba dapat pumunta?
"Go back to the airport!". Ito ang advise ng mga taong nakakaalam.
Kanino? Maraming tao sa airport! At sa unang nasa isip natin ay ang immigration counter kung saan nag-umpisa ang lahat.
Ang Airport Passport Department ang namamahala sa mga ganitong mga complaints. Mababait ang mga officers dito at animo'y kabisado na nila ang mga ganitong klase ng problema. Di na kailangan ng mahabang paliwanagan! Dito ako pumunta noong nagkaproblema ako sa visa number ng isa kong dependent. "Error" daw sa system online ang visa number na ibinigay ng immigration.
Sa Dammam, King Fahad International Airport, ang Passport Department office ay matatagpuan sa 2nd floor ng arrival hall.
Sunday, June 23, 2013
Saturday, June 15, 2013
Akala ko! Baguhan sa Saudi
Pagdating, akala ko nasa loob ako ng isang bakery.
Nanginginig, hindi dahil sa lamig kundi sa matinding init. Hindi malaman ang direksyon kung saan nanggagaling lalo na kapag walang aircon.
Sa loob man o labas. Sa lilim man o sa malayang espasyo. Araw man o gabi.
Parang isang napakalaking pugon ang Saudi tuwing summer. Ramdam ang init ngunit ayaw lumabas ng pawis.
Mali ang sabi nila, "Mainit sa araw, malamig sa gabi". Wala ako sa disyerto ng US of A.
Dahil ang totoo, "Napakainit tuwing tag-init, malamig naman tuwing taglamig!"
At saka, umuulan din ng yelo sa disyerto.
Ngunit hindi ito sapat para sa isang basong Halo-Halo.
Sa unang mga araw, tanging kinakain ay tinapay. Akala kasi wala silang taniman ng palay.
Ang dami palang bigas sa tindahan. Imported! May mahal, meron ding mura.
"Fahad Grosery, Biliman ng mga Pillippino dito!". Marami daw Pinoy items dito!
May sukli ako sa tindahan. One riyal at isang bar ng chocolate.
Mas matamis kaysa sa kending sukli sa Pinas. Iba talaga kapag mataas ang exchange rate ng isang bansa.
Busog ang mga mata sa butil ng buhangin. Magiging mayaman ako, kung hollow blocks maker ako.
Wish ko lang! Kaso parang walang bibili.
Mas matapang ang mga babae kaysa sa mga lalake. Puti ang damit ng mga kalalakihan at itim ang mga kababaihan. At matatalino ang mga kabataan! Sa suot na black coverall ng mga babae, paano nila nakikilala ang mga nanay nila sa kalayuan? Pigura? Nakakabilib!
Akala ko, man's best friend ang mga aso. Ngunit ang mga aso ay lumalayo sa mga tao.
Tumatakbo sa gitna ng disyerto.
Samantalang ang mga askal na pusa ay nasa bayan, nangangalakal ng basura.
Sabi ng isang Arabo, ang mukha ng Pinoy ay pang Mcdo o pang KFC lamang.
Maskot o clown?
Hindi raw bagay na nagtatrabaho sa construction o industrial sites man.
Isa lang ang naiintindihan ko, nadamay ako sa lahi ng mga gwapo!
Proud to be Pinoy!
**Pahabol**
Noong nasa Pinas , gusto kong gumala pero wala akong pera.
Ngayong nasa Saudi, meron na akong pera wala namang panahon sa gala!
Tuesday, June 4, 2013
Highland of North Cotabato
Tuwing bakasyon, beaches o resorts ang laging pinupuntahan.
Iba muna sa ngayon.
May mga magagandang lugar pala na malapit lamang at di na kailangang gumastos pa nang malaki.
Ito'y iyong malalaman kapag ika'y saglit na umalis at muling nagbalik.
Ang bayan ng Arakan sa North Cotabato ay nakakabighani. Maganda ang mga tanawin at maihahantulad ito sa Baguio dahil mataas din ang lugar.
Maraming lugar dito sa barangay ng Sto. Nino ang naging normal na tanawin lamang sa mga lokal na nakatira pero bumusog sa aking mga mata. Isa na dito ang Linaw.
"Maligo tayo sa Linaw". Linaw ang tawag sa magandang parte ng sapa. Mistulang small twin falls. At may isa pang talon sa gilid.
Ako: "Saan galing ang tubig?"
Tinanong ang isang bata habang tinuturo ang bumabagsak na tubig sa gilid. Ang gagaling nilang lumangoy.
Bata: "Sa ilalim ng puno ng niyog!"
Tama nga. May puno ng niyog nga sa itaas!
Iba muna sa ngayon.
May mga magagandang lugar pala na malapit lamang at di na kailangang gumastos pa nang malaki.
Ito'y iyong malalaman kapag ika'y saglit na umalis at muling nagbalik.
Ang bayan ng Arakan sa North Cotabato ay nakakabighani. Maganda ang mga tanawin at maihahantulad ito sa Baguio dahil mataas din ang lugar.
Maraming lugar dito sa barangay ng Sto. Nino ang naging normal na tanawin lamang sa mga lokal na nakatira pero bumusog sa aking mga mata. Isa na dito ang Linaw.
"Maligo tayo sa Linaw". Linaw ang tawag sa magandang parte ng sapa. Mistulang small twin falls. At may isa pang talon sa gilid.
Ako: "Saan galing ang tubig?"
Tinanong ang isang bata habang tinuturo ang bumabagsak na tubig sa gilid. Ang gagaling nilang lumangoy.
Bata: "Sa ilalim ng puno ng niyog!"
Tama nga. May puno ng niyog nga sa itaas!
Subscribe to:
Posts (Atom)