Saturday, June 15, 2013

Akala ko! Baguhan sa Saudi


Pagdating, akala ko nasa loob ako ng isang bakery.
Nanginginig, hindi dahil sa lamig kundi sa matinding init. Hindi malaman ang direksyon kung saan nanggagaling lalo na kapag walang aircon.
Sa loob man o labas. Sa lilim man o sa malayang espasyo. Araw man o gabi.
Parang isang napakalaking pugon ang Saudi tuwing summer. Ramdam ang init ngunit ayaw lumabas ng pawis.

Mali ang sabi nila, "Mainit sa araw, malamig sa gabi". Wala ako sa disyerto ng US of A.
Dahil ang totoo, "Napakainit tuwing tag-init, malamig naman tuwing taglamig!"

At saka, umuulan din ng yelo sa disyerto.
Ngunit hindi ito sapat para sa isang basong Halo-Halo.

Sa unang mga araw, tanging kinakain ay tinapay. Akala kasi wala silang taniman ng palay.
Ang dami palang bigas sa tindahan. Imported! May mahal, meron ding mura.
"Fahad Grosery, Biliman ng mga Pillippino dito!". Marami daw Pinoy items dito!

May sukli ako sa tindahan. One riyal at isang bar ng chocolate.
Mas matamis kaysa sa kending sukli sa Pinas. Iba talaga kapag mataas ang exchange rate ng isang bansa.

Busog ang mga mata sa butil ng buhangin. Magiging mayaman ako, kung hollow blocks maker ako.
Wish ko lang! Kaso parang walang bibili. 
 
Mas matapang ang mga babae kaysa sa mga lalake. Puti ang damit ng mga kalalakihan at itim ang mga kababaihan. At matatalino ang mga kabataan! Sa suot na black coverall ng mga babae, paano nila nakikilala ang mga nanay nila sa kalayuan? Pigura? Nakakabilib!

Akala ko, man's best friend ang mga aso. Ngunit ang mga aso ay lumalayo sa mga tao.
Tumatakbo sa gitna ng disyerto.
Samantalang ang mga askal na pusa ay nasa bayan, nangangalakal ng basura.

Sabi ng isang Arabo, ang mukha ng Pinoy ay pang Mcdo o pang KFC lamang.
Maskot o clown?
Hindi raw bagay na nagtatrabaho sa construction o industrial sites man.
Isa lang ang naiintindihan ko, nadamay ako sa lahi ng mga gwapo!
Proud to be Pinoy!

 **Pahabol**
Noong nasa Pinas , gusto kong gumala pero wala akong pera.
Ngayong nasa Saudi, meron na akong pera wala namang panahon sa gala!

2 comments:

  1. **Pahabol**
    Noong nasa Pinas , gusto kong gumala pero wala akong pera.
    Ngayong nasa Saudi, meron na akong pera wala namang panahon sa gala!

    **** dahil saan? anong kadalahinan? mainit sa labas, or walng sasakyan or mas masarap mg internet sa bilis ng net sa saudi,?

    ramdam ko din yan

    ReplyDelete
  2. Hello Everybody,
    My name is Ahmad Asnul Brunei, I contacted Mr Osman Loan Firm for a business loan amount of $250,000, Then i was told about the step of approving my requested loan amount, after taking the risk again because i was so much desperate of setting up a business to my greatest surprise, the loan amount was credited to my bank account within 24 banking hours without any stress of getting my loan. I was surprise because i was first fall a victim of scam! If you are interested of securing any loan amount & you are located in any country, I'll advise you can contact Mr Osman Loan Firm via email osmanloanserves@gmail.com

    LOAN APPLICATION INFORMATION FORM
    First name......
    Middle name.....
    2) Gender:.........
    3) Loan Amount Needed:.........
    4) Loan Duration:.........
    5) Country:.........
    6) Home Address:.........
    7) Mobile Number:.........
    8) Email address..........
    9) Monthly Income:.....................
    10) Occupation:...........................
    11)Which site did you here about us.....................
    Thanks and Best Regards.
    Derek Email osmanloanserves@gmail.com

    ReplyDelete