Sunday, June 23, 2013

Walang Tatak ang Passport

Lahat ng tao, nagkakamali. Dahil wala naman talagang ipinanganak na perpekto!

Sa mga expat na on vacation, mahalagang malaman natin ang mga simpleng bagay na kapag isinantabi ay siguradong makakaabala sa ating pagbalik mula sa masayang bakasyon.

Sa mga magbabakasyon sa Pinas, siguraduhing natatakan ng Saudi immigration officer ng "EXIT" stamp ang passport at e-visa (papel). Maglaan ng ilang segundo na icheck ang inyong mga dokumento bago tuluyang lisanin ang airport immigration area. Iba na ang sigurado!

Ang mga walang tatak na e-visa ay dinideport. At sa halip na bumalik sa trabaho ay magiging extended ang bakasyon. Ang tanong, kailan ka makakabalik? At baka mainip na ang ating employer sa kahihintay.

Minsan, mahirap hagilapin ang bagong stamp sa passport dahil kung saan saan sila nagtatatak. Hindi uso sa kanila ang pagandahan o paayusan ng stamping. Kung anong pahina ang nakabuklat at may space pa, doon tatama ang stamping material nila.

Sobrang importante ang tatak na iyon, kaya may isang beses na nadelay ng ilang minuto ang flight ko dahil may isang expat na walang tatak ang e-visa. Napansin ito ng  katabi niya ng upuan sa eroplano. Mabuti na lamang hindi pa tuluyang naisara ng flight stewardess ang pintuan at ipinatawag ng airline staffs ang immigration officer para tatakan ang e-visa nito.

Sa mga returnees o paparating, lalong lalo na sa mga baguhan, siguraduhing may "ENTRY" stamp ang inyong passport. Ito ay kailangan sa pagpoproseso ng communty card o iqama. Isa sa kasamahan ko ang natagalan sa pag-apply ng iqama dahil nakalimutang tatakan ang passport ng kanyang pamilya na kakarating lang sa KSA sa unang pagkakataon. Naging busy tuloy siya ng ilang linggo sa pag-aasikaso ng problema niya.

Magkatugma naman ang nangyari sa dalawa kong kakilala. Matagal na nilang alam ang ganitong mga posibleng pagkakamali kaya aware na sila sa tinatawag na double checking tuwing paalis at pagdating sa Saudi immigration. Kumpleto ang stamps sa kanilang mga passports ngunit ang masama nito, hindi pala nakarehistro sa computer system nila. At nalaman lamang nila ang sitwasyon noong nag-aaply sila ng exit-reentry visa sa susunod nilang bakasyon.

Ilan lamang sila sa mga alam ko na nakaranas ng ganitong problema na involve ang passport stamps. Mga nakaligtaang stamping na masasabing hindi naman natin kasalanan. At sa mga malalaking kumpanya, para matulungan ang kanilang expat na empleyado, itinatalaga ang Goverment Relation officer para sa negosasyon. Sila ang mag-aayos at tatawag sa mga taong magwawasto ng mga gusot.

Ngunit kapag wala na talagang iba ay mapipilitan ang sarili na magbabakasakali. Ikaw na mismo ang mag-aasikaso. At sa ganitong problema, saan ka ba dapat pumunta?

"Go back to the airport!". Ito ang advise ng mga taong nakakaalam.
Kanino? Maraming tao sa airport! At sa unang nasa isip natin ay ang immigration counter kung saan nag-umpisa ang lahat.

Ang Airport Passport Department ang namamahala sa mga ganitong mga complaints. Mababait ang mga officers dito at animo'y kabisado na nila ang mga ganitong klase ng problema. Di na kailangan ng mahabang paliwanagan! Dito ako pumunta noong nagkaproblema ako sa visa number ng isa kong dependent. "Error" daw sa system online ang visa number na ibinigay ng immigration.

Sa Dammam, King Fahad International Airport, ang Passport Department office ay matatagpuan sa 2nd floor ng arrival hall.

2 comments:

  1. Ako lost passport po yon dati Kung passport nandoon yon stamped visa so ngayon bago Kung passport Wala pong sya nakatatak na visa pero anjan lahat ng requirements ko re -visa ko makapag flight Kaya ako sa Friday feb.2,2020

    ReplyDelete
  2. Mam.hindi po natatakan Ng final exit Yung passport ko pano po Yun? Kasi balalik ako ulit Ng Taiwan?

    ReplyDelete