Isang beses pa lang akong dumaan ng Terminal 2 para sa international flight. Kaya medyo nakalimutan ko na ang sistema at lokasyon ng mga counters dito.
Ito ang mga pinagdaanan o ang naging transaction flow ko sa dalawang pangunahing terminal ng bansa.
1. OEC Validation - Pagkarating ng NAIA-1, pumasok muna sa OFW lounge at dumiretso sa POEA Labor Assistance counter na nasa loob para ivalidate ang OEC. Kailangan isubmit ang OEC.
2. Airport Passenger Entrance. Dadaan ng security inspection ang pasahero at mga bagahe nito.
3. Visa Check up. May visa checker na nakaassign bago marating ang airline check-in counter. Kailangan lang ipakita ang itinerary, passport at visa.
2. Airport Passenger Entrance. Dadaan ng security inspection ang pasahero at mga bagahe nito.
3. Visa Check up. May visa checker na nakaassign bago marating ang airline check-in counter. Kailangan lang ipakita ang itinerary, passport at visa.
Stamp sa flight itinerary pagkatapos nacheck ang visa. |
4. Flight Check-in. Ideposit ang check-in luggage at para makakuha ng boarding pass.
5. Travel Tax Payment (para sa OFW na may kasamang dependent). Ito'y matatagpuan malapit sa entrance door. Ipakita lamang ang OEC, flight itinerary at marriage certificate o birth certificate ng mga bata.
6. Terminal Fee/ OFW exemption counter. Magkalapit lang ang dalawang counter. Ang OFW ay pipila sa OFW counter para maging exempted sa terminal fee. At ang dependent ay pipila sa terminal fee counter at magbayad ng kaukulang fees.
OFW dependent's boarding pass stapled with terminal fee receipt. |
7. Immigration. Bawal ang gumamit ng cellphone habang ginagawa ang inspection.
8. Pre-departure Area. Dadaan muna ng final security inspection.
1. Visa Check up. Matatagpuan sa kaliwang bahagi bago pumasok ng NAIA-2 airport building. Mayroon din sa loob na matatagpuan sa pinakadulong counter sa kaliwang bahagi ng terminal.
2. Airport Passenger Entrance
2. Airport Passenger Entrance
3. OEC validation. Pumunta sa POEA counter para magpavalidate ng OEC na nasa kaliwang bahagi ng terminal.
4. Flight Check in.
5. Travel Tax Fee. (para sa OFW na may kasamang dependent). Pumunta sa gitnang bahagi ng terminal. Dalhin ang mga kakailanganing dokumento at magbayad ng kaukulang travel tax.
6. Terminal fee/OFW exemption counter. Malayo ang pagitan ng dalawang counter. Ang terminal fee counter ay malapit sa POEA counter (OEC validation counter) sa kaliwang bahagi ng building. Samantalang ang OFW counter ay nasa gitnang bahagi malapit sa Travel Tax counter.
7. Immigration. Dalawa ang posibleng immigration inspection counter. Noong nakaraang dalawang taon, nasa bandang dulo ito sa kanang bahagi, ngunit nang umalis ako ay nasa kaliwang bahagi na ito ng terminal. Sa likod ng POEA counter.
Stamped OFW's boarding pass exempted from terminal fee. |
8. Pre-departure Area.
Kung paalis sa bansa bilang turista. Ito ang magiging flow ng transaction.
1. Airport Passenger Entrance
2.Travel Tax Payment
2.Travel Tax Payment
3. Flight Check-in
4. Terminal Fee Payment
5. Immigration
6. Pre-departure Area
No comments:
Post a Comment