NAIA Terminal 2, Manila, Philippines |
MAKAIPON? MAGANDANG BUHAY? GALA? KALAYAAN?
Maraming rason, iba't ibang dahilan. Ang ating mga dahilan ang ating mga naging pamantayan kaya tayo ay nasa Middle East, Amerika, Canada, Australia, Europe, Hongkong, at marami pang iba.
Jubail, Saudi Arabia |
Walang TAX. Masarap talagang magtrabaho kung ang ibinabayad sa iyo ay buo at walang bawas. Ang bawat katas at patak ng pawis ay ang halaga ng pera na iyong pinagsikapan. Dito sa Saudi, ang sahod na iyong pinirmahan ay buong matatanggap at walang bawas.
Murang Bilihin. Kahit sabihin pa ng iba na mababa ang sahod dito, ay ayos pa rin. Dahil mura lang din naman ang mga bilihin mula sa pagkain at kagamitan. Katulad ng gamit ng bata, mas mura ng 20 to 30 porsiyento ang presyo ng gatas at diapers dito kung ikumpara sa Pinas. Itinuturing na mas mababa ang cost of living sa Pinas kung ikumpara mo sa mga bansang madalas pinupuntahan ng mga OFW .
Isa pang pinakamura dito ay ang presyo ng petrolyo. Ano pa ba ang aasahan mo mula sa top exporter ng langis sa buong mundo? Talagang pinaninindigan nila na mas mura ang isang litro ng petrolyo kaysa sa tubig.
Diskriminasyon sa trabaho. Ang kulay ng balat at ang bansang pinanggalingan ay isang factor ng employment discrimination. Subalit hindi ito kasing lala katulad ng mga nababasang article sa Hongkong, USA, Canada, at Singapore. Inaamin din naman kasi ng mga lokal dito na wala pa silang kakayahan sa ibang mga trabaho na sa ngayon ay pinupunan ng mga banyaga. Basta sa ngayon, kailangan pa rin nila ng mga manggagawa mula sa ibang mga bansa.
Benipisyo. Padami ng padami ang mga kumpanya dito sa kaharian. Para lang mga kabute na nagsipagsulputan. At dahil sa kumpetisyon at para makaenganyo ng mga bagong empleyado, pagandahan sila ng mga benipisyo. Sa Middle East, lalong lalo na sa Saudi, ang isang Pinoy ay wala halos babayaran na placement fee, libre ang pagkain at bahay ng halos karamihan ng mga kumpanya. Libre din ang hospital at gamot dahil halos lahat ng trabahador ay may sariling health insurance. At kapag tuloy-tuloy ang kontrata, may isang buwan o higit pa na vacation leave na may bayad at libre ang pamasahe. Hindi mo iyan makukuha kapag ikaw ay nasa Europe o Canada na kadalasang may 2 weeks vacation leave lamang kada taon. Maliban sa maiksing bakasyon ay pag-iipunan mo pa ang napakamahal na pamasahe.
Diet sa Bisyo. Sino bang makapagsabi na pinayagan ng babae na muling makapag-abroad ang dating babaero at lasenggero niyang asawa. Aniya, "Kapag sa Saudi, walang problema". Dito sa kaharian, malilimitahan ang lahat ng mga bisyo. Dahil ang bisyo na nakakasira sa kalusugan ay may kaparusahan sa bansang ito. Mahigpit na kung sa mahigpit. Tayo naman ay may sariling pag-iisip. Nasa iyo na iyon kung ikaw ay sumunod sa batas o ipagpatuloy ang nakasanayan mo.
FINANCIAL AID. Dito sa Saudi, ang bangko mismo ang mag-aalok sa iyo para magloan. Sa 3% hanggang 6% annual interest ay mababa pa rin ito kung ikumpara sa interest rate ng mga bangko sa Pinas at kahit sa ibang bansa sa mundo. Ang requirements dito ay kakaunti lang dahil sa ipinatutupad na national ID system kaya ang proseso ay napakabilis. Sa huling transaction sa bangko, ang requirements para makapagloan ay employment certificate, payslips, at bank transfer certificate lamang na makukuha mo mula sa HR ng kumpanya. Hindi mo ito mararanasan sa Pilipinas dahil sa requirements pa lang ng bank loan ay baka magback-out ka na sa sobrang dami ng kailangang gawin.
Krimen. Sa kabila ng hindi magagandang balita sa Saudi, mas mababa pa rin ang mga krimen na nangyayari dito. May nakawan din naman dito. Ilang beses na akong nakakita na kinuha ng isang batang lokal ang pera sa bulsa ng polo ng isang Bangladeshi. Ngunit hindi ito kasing lala ng walang konsensyang nakawan at holdapan na laman ng mga balita sa TV at diyaryo na humahantong sa pagpatay.
Ang buhay sa Saudi ay masasabi kong "SANAYAN LANG". Ang pamumuhay dito ay kakaiba at sobrang layo sa ginhawang tinatamasa ng mga OFW na nakadestino sa ibang lokasyon.
Pababa ng pababa presyo ng langis sa buong mundo. Dahil dyan nanganganib ang Saudi Arabia, Kuwait, Oman at iba pang bansa na umaasa sa kita ng langis. May mga OFW na din na pinapauwe dahil nga sa pababa ng langis. Nagsisimula na din mangutang ang Saudi Arabia upang may pangtustos sa bansa nila. Kelangan maging $106 ang presyo ng langis per barrel para bumalik ang sigla sa Saudi Arabia.
ReplyDeleteIsa pang dahilan sa paghina ng Saudi Arabia ay yung pagiging tax-free (dahil nga sa langis). Meron din palang di magandang epekto sa isang bansa kung tax-free palage.
Sobra na ang supply ng langis sa mundo kaya bumaba ang presyo. Sa ngayon below $60 per barrel na lang ang langis.
Isa din nagpababa ng presyo ng langis ang Renewable Energy na tinatawag tulad ng solar energy kaya kumunti din ang demand sa langis.
Maraming salamat sa dagdag na kaalaman...
DeleteIt was very useful for me. Keep sharing such ideas in the future as well. This was actually what I was looking for, and I am glad to came here! Thanks for sharing the such information with us.
ReplyDeleteOne of the primary reasons why a person decides to leave the country is salary. Needless to say that if the same salary and opportunity existed at home, they would choose to go back to be reunited with their family. Because of the growing need of a family, someone would choose to sacrifice being away from them to meet the demands of the family.
ReplyDelete