Nagkakaedad na!
Ilang taon na rin akong pabalik-balik dito sa Saudi Arabia. Hindi ko lubos maisip na dito pala mauubos ang natitirang kasaysayan ng aking kabataan.
"Totoy" pa akong maituturing noong unang dating ko dito. Ngayon nawala na sa bilang sa kalendaryo ang edad ko. Ang bawat bakasyon ko sa Pinas ay isang guhit na dumadagdag sa edad ko.
Kung dati, marami sa kapamilya ko ang sumasalubong sa akin sa paliparan. Ngayon, animo'y nakakasawa na ang sundo-hatid na eksenang kinagawian. Natuto na akong umalis nang nag-iisa, kaya natutunan ko na rin ang dumating na mag-isa. Minsan nga, sorpresa pa. Iyong walang nakakaalam sa pamilya na magbabakasyon na.
Ang kada taon kong bakasyon sa Pilipinas ang nagbigay sa akin nang normal na buhay sa kabila ng pagiging isang OFW. Ang aking presensiya at pakikipagkita sa aking mga kapamilya nang regular ay nakakabawas sa homesick na kadalasang sakit na bitbit naming mga OFW.
Noong nagkaroon na ako nang sarili kong pamilya na isinama ko dito sa kaharian ay tuluyan nang naitaboy ang homesick. Kasama na rin doon ang unti-unting pagluwag ng aking kapamilya sa akin. Minsan nga nang umuwi kami, ay tuwang-tuwa na naghihintay ang aming kapamilya sa aming pagdating. Ang lalaki ng kanilang mga ngiti habang paparating ang sasakyan. Pagbaba namin ay agad kaming sinalubong ngunit ni isa wala man lang pumunta at yumakap sa akin. Parang na out-of-place ako. Pati bagahe at mga pasalubong ay halos ako ang nagpasimunong magbuhat. Nandoon sila lahat, karga-karga ang aking anak na kinasabikan nila nang husto! Wala nang pumapansin sa tatay ng bata na isang OFW.
Marami na sa aming mga OFW sa Saudi ang nagdadala ng pamilya. Isang benipisyo na ipinagpasalamat ko nang husto. Dahil sa pagkakataong ito, maraming bagay ang napapanatiling nasa maayos. Nasusubaybayan ko ang paglaki ng aking anak, kapiling ang asawa, at buo ang sarili kong pamilya.
Malayo man kami sa buhay at lipunan na aming nakasanayan pero nanatili pa rin ang tradisyon at kultura na aming kinagisnan.
_________________________________________________________
Anong buwan ka ba magbabakasyon? Ito ang kadalasang tanong na maigi naming pinag-iisipan. Iniiwasan din kasi namin ang mga buwan kung saan kailangan nang malaking halaga sa pag-uwi.
Nagiging masinop na kasi ang karamihan sa aming mga OFW. Hindi nagbabakasyon kapag walang sapat na pondo para gastusin sa bakasyon. Alam kasi namin, na sa tuwing bakasyon ay malaking pera ang aming pinapakawalan. At kapag hindi maiwasan ay baka di mamalayan na said na ang ipon. Ilang beses ko nang maranasan na tanging maintaining balance na lang ang natira sa bangko pagbalik ko sa trabaho. Kaya todo kayod at ipon ulit para makabawi.
Sa lahat ng mga buwan, sigurado ako na Disyembre ang pinakamagastos. Ngunit minsan naiisip ko rin na,"okay lang ang gumastos kung masaya at worth it naman!"
_________________________________________________________
Sa pagbili ng mga pasalubong ay malaki din ang kailangang gastusin. Depende pa iyan sa presyo ng bagay na bibilhin.
Natuto na akong mag-ipon para dito. Para pagdating sa araw ng bakasyon ay kaunting pera na lang ang kailangang idagdag para makumpleto ang mga bagay na bibilhin. Kailangan din malaman ang tamang araw kung kailan ipabagahe ang mga pasalubong kapag alam na hindi ito kakasya sa bag at imposibleng maisabay sa pag-uwi.
Dalawa hanggang tatlong linggo by air freight bago magbakasyon ang magandang pagkakataon para magpabagahe ng mga pasalubong. Sigurado na kasi na nakarating na sa Pilipinas ang mga ito bago pa umalis.
very informative post for me as I am always looking for new content that can help me and my knowledge grow better.
ReplyDeletehow does it feel like kapag pasorpresa pong umuuwi? Ouch po yung part na na out of place kayo. Mainam nga po na magkakasama ang pamilya, sabi nga po nila hindi dapat pera ang nagpapahiwalay sa mag asawa/pamilya.
ReplyDeleteNakakatuwang pagmasdan ang mga mukha nila. May halong pagkasabik at pagkagulat.
DeleteIlang besed ko na ring ginawa yun..
If I may ask. Nalampasan na kasi kami dito sa Hafar Al Batin. Sa Al Khobar nalang ako magpapasched sa October. Kailangan ba talagang personal appearance or pwedeng ipa fedex nalang? Salamat.
ReplyDeleteIf I may ask. Nalampasan na kasi kami dito sa Hafar Al Batin. Sa Al Khobar nalang ako magpapasched sa October. Kailangan ba talagang personal appearance or pwedeng ipa fedex nalang? Salamat.
ReplyDeleteHello po. Personal appearance po ang passport renewal.
Delete