Kadalasang ginaganap ang Linggo ng Wika sa buwan ng Agosto kung saan hinihikayat ang lahat na gamitin ang ating sariling pagkakilanlan. Maipahayag ang ating pagka-Pilipino gamit ang ating pambansang kasuotan at lengguwahe.
Nobyembre 3, 2017, Petrokemya Beach Camp, Jubail, KSA - ang kauna-unahan na pilipinong piging na aking dinaluhan sa loob ng sampung taon nang pagtatrabaho dito sa kaharian. Noon ko lamang nalaman na aktibo pala ang komunidad ng mga Pilipino dito. Ang buong programa ay naglalayon na gunitain nang sabay ang Buwan ng Wika na may temang "Filipino: Wikang Mapagbago" at Buwan ng Nutrisyon. Kasabay din ang pagbibigay ng karangalan sa mga kabataan na nag-aaral sa isang "home study learning center" dito sa Jubail.
Bilang isang magulang na lumaki ang anak na malayo sa Pilipinas ay isa ito sa mahalagang araw para masilip ng anak ang tradisyon at kultura na mayroon tayong mga Pilipino. Bagamat limitado lamang ang maaring maipakita, ito ay isang magandang pagkakataon na maipakilala ang ating bansang nakagisnan.
Nakakaluha at nakakaaliw pagmasdan ang mga bata na sinasadula ang sabayang pagbigkas at sumasabay sa indak ng mga sayaw sa salin ng mga pilipinong tugtugin. At higit sa lahat, ang suporta at partisipasyon ng bawat magulang na nagpagilas ng husay sa pagkanta ng mga orihinal na Pilipinong musika.
|
Mga nagwagi sa tradisyunal na Kasuotan (Indibidwal) |
|
Unang Karangalan - sa kategorya ng Grupong Presentasyon at Kasuotan |
|
Unang Karangalan - sa kategoryang Lutong Bahay - Espesyal. Mga putahe na kamote ang pinakamahalagang sangkap. |
Sa pangkalahatan, ang lahat ay sama-samang pinagsaluhan ang mga pagkaing pilipino na nanatiling buhay sa bawat mesa ng bawat pamilyang pansamantalang naninirahan dito sa Saudi Arabia. Lumitaw ang mga kakaning puto, biko, at kutsinta. Ang putahe ng Timog Luzon na Bikol Express at laing at ang paboritong ulam na pansit ang nangunguna sa mga pagkain na nawala na parang bula sa hapag-kainan.
Ang mga larawan ay mga kuha ni Michael Angelo Correos.
Ganda nilang tingnan! Sakit.info
ReplyDelete