Good News. Magroroll back ang terminal tax ng NAIA mula P750 at magiging P550 na! Napakagandang balita!
NAIA terminal 2 |
Airports. Perwisyo ang tawag sa nararamdaman at daratnan sa NAIA lalo na sa terminal 1. Sa pagbabasa ko ng Yahoo News tungkol sa paliparan natin, talagang makakarelate ako. Akala ko dati, ako lang ang nakakapuna. Mahabang pila (madami pala ang gustong umalis sa Pinas), at iyong mga empleyado na nagpaparinig at nanghihingi ng gift, souvenirs, pera, at iba pa. Totoo po iyon. Noong unang uwi ko, iniwan ko ang mga bags ko sa lapag, doon malapit sa may nakatayong security guard para kumuha ng pushcart. Pagbalik ko humihingi ng pangkape si Sir. May kapalit pala ang bawat serbisyo sa NAIA. Mabuti na lang at may tira akong peso noong umalis ako. OFW at lokal ako pero may ganoong eksena, paano na kaya kapag foreigner na? Isa lang ako sa napakaraming lokal at dayuhan na nakaranas ng ganoon kagandang pagtrato.
Sa mga isyung pangingikil, pandurugas, pangongotong at mga under the counter na mga binabayaran ng mga turista at mga OFW, sana'y matanggal na ito. Ito'y sakit na nakakaapekto sa ating lahat. Totoo, luma ang pasilidad at terminal natin at kapag irerenovate nila ang airport, isama na rin ang mga kawatan at masusungit na immigration, customs, at airport staffs. Kinahiligan na yata nila ang magsungit at manigaw sa mga bagong dating na halos pagod at walang tulog dahil sa ilang oras na biyahe. Kaunting pasensiya at paggalang naman!
Kung napaswerte at di nakapaglabas ng pera sa loob ng airport, babanatan ka naman doon sa paradahan. Sa ilang beses kong pag-uwi, isang beses lang akong nakasakay sa airport taxi na hindi naholdap. Holdap kasi ang tawag kapag napasobra ang bayad dahil sa demand ng driver. Padagdag daw!Minsan, hiningan ako ng imported na sigarilyo, ni ako nga di naninigarilyo. Patawa. Swerte ang may mga kamag-anak na sumundo pero yung mga uuwing probinsya, napakamalas. Hindi naman tayo maramot sa mga tao lalo pa't maganda ang serbisyo.
Mula dito sa disyerto, sana sa muling pag-uwi ko, may ipinagbago na sa NAIA. At lahat ng mga OFW ay sasalungat kapag sinabing worst airport ang NAIA. It's more fun in the Philippines!
No comments:
Post a Comment