Bawal po ang masarap! |
Ewan! Di ko lubos maintindihan ang tinatawag na pork barrel. Di rin kasi ako interasado basta usapang pangpulitika. Pero sa dami ng numbers na involve sa usapang pork and barrel, e kahit sino naman siguro pwede ring makiusyuso kahit ang isang katulad ko.
Tuwing Disyembre sa kumpanyang pinasukan ko dati sa Pinas, lahat ng empleyado ay excited na malaman kung naabot ba ng kumpanya namin ang sinasabing production target at kung malaki ba ang kinita. Dito kasi nagbabase ang namumuno at mga stockholders para magdeclare ng Christmas bonus na ni kahit minsan ay di pumalya. At kapag kumpirmado, hayun, sobrang saya namin. Dahil sa bonus na ito, nagbibigay ito ng dagdag na dedikasyon para magsikap at pag-ibayuhin pa ang trabaho dahil parang nagkokomisyon din kami. Tuwang tuwa na makita ang payslip sabay dismaya. "Tax?". Malaki sana ang bonus pero dahil sa sobrang bait at honest ng kumpanya namin sa gobyerno, ang laki din ng pera na naibawas. Hanggang 25 thousand lang sa annual income ang non-taxable kasama na doon ang 13th month pay. Ibig sabihin noon, halos lahat ng sahod at overtime ko ay may tax. Parang nakakapanghinayang din na ganun kalaki ang naiambag ko kapag nakita ang Income Tax Return!
Di bale para naman yon sa bayan di ba?
Ang tax ang naging income ng gobyerno. Siguradong dito na rin kinuha ang Pork Barrel. Ewan ko, dapat wala akong pakiaalam sa mga ganito dahil di pa naman ako nakakaboto. Yon ang karapatang natanggal kapag hindi nakapagboto, ang makihalo sa usapang pulitika. Pero paano naman ang pamilya, kamag-anak, mga kaibigan ko na nasa Pinas at naging mabuting mamamayan ng bansa?
Ang pork barrel at tax na sinasabi ay di ko maramdaman sa mga lugar na inuuwian ko. Bako bako ang daan at may mga tapal ang mga butas. May kalsadang under construction ng ilang taon na, at mga road widening projects na ilang metro lang. Ang mga eskwelahan na sobrang luma na at baka isang guhit lang ng lindol ay maduduwal na. Kung di active ang PTA, malamang animo'y haunted buildings na ang mga pampublikong paaralan. Ang mga pampublikong ospital na kulang sa kasangkapan. Ewan! Di yata naambunan ng Pork Barrel ang mga lugar na tinutukoy ko dahil siguro wala namang senador na galing sa lugar.
Dito sa Saudi, kabaligtaran ng Pilipinas. Buong buo kong nakukuha ang sahod, overtime, at bonus. Para sa akin, bilang empleyado, ay dapat makuha ko iyon ng buo dahil pawis at luha ko ang naging puhunan.
Di ako tutol sa VAT at Pork Barrel pero sana, ang nakikinabang nito ay di lang iilang tao at di lang iilang probinsya ang nakakaramdam. Sa laki ng halaga na ginagastos ng pamahalaan taon-taon, e sana napakaunlad na natin at di ko na sana kailangang umalis sa kumpanya na dati kong pinasukan. Ewan!
No comments:
Post a Comment