Tuesday, October 15, 2013

Eid Adha, The Festival of Sacrifice

Ngayon ay Eid Al-Adha.



Nagsimula na ang mahabang bakasyon dito sa kaharian. Isang buong linggong walang pasok ang iba nating mga kababayan dahil sa idinadaos na Eid Al-Adha holidays.

Punong puno ang mga local mosque kahit maaga pa lang. Alas kuwatro y medya ng madaling araw ay nagsisispagpuntahan na sa mosque para sa umagang dasal ang mga kapatid nating Muslim. Ganito isinisimulan ang Eid Al-Adha sa kaharian at maging saan mang panig ng mundo.

 Ang Eid Adha, “The Festival of Sacrifice”, ay selebrasyon pagkatapos ng Hajj (taunang pilgrimage sa Holy City na Mecca). Sa selebrasyong ito, inaalala at ginugunita ang mga pagsubok , sakripisyo at katatagan ni Abraham na handang ibuwis ang sariling buhay at ang taong malapit sa kanya dahil sa pagmamahal sa Panginoon. Matatandaang inalay ni Abraham ang sariling anak bilang pagsubok sa kanya ng Maykapal.

Bilang pag-alala, isinasagawa din ang pag-aalay ng hayop katulad noong kapanahunan ni Abraham. Ang pagkatay ng hayop tulad ng tupa, kambing, baka o kamelyo ay ginagawa at ang karne sa halip na sunugin ay hinahati sa tatlo. Ang isa ay kakainin ng pamilya at kamag-anak, ang isa ay para sa mga kaibigan, at ang isa ay ipinapamigay sa mga mahihirap. Isinisimbolo nito ang pagbibigayan, pagkakaibigan, at ang pagtutulungan.  Isinisimbolo rin nito ang kababaang loob at ang salitang sakripisyo para sa matuwid na pamumuhay ayon sa turo ng Islam. (translated statement of my Saudi co-worker)

SAKRIPISYO - Para sa isang OFW, ito ang kapalit ng paghahanap ng trabaho malayo sa pamilya. Nagsimula ito noong piniling lumayo sa Pinas para hanapin sa ibang bansa ang magandang kapalaran para sa sarili at sa buong pamilya.

No comments:

Post a Comment