Hindi lang ang langit ang mayroong mga bituin at anghel.
Ang bawat puso ng tao ay may kabutihanng tulad ng anghel at nagniningning katulad ng bituin.
Katulad noong mga nagdaang Pasko at Bagong Taon na nandito ako, magiging normal na araw ulit ang dapat sanay magarbong okasyon ngayong Disyembre. Kung nagawa ng ibang Pinoy na magtipon-tipon noong nakaraang taon, malabo na ito ngayon.
Nagbabala ang embassy sa nakaambang panganib kapag nagtitipon-tipon ang mga Pinoy para ipagdiwang ang mahalagang okasyon. Kasunod ito sa paglabas sa Saudi Gazette ng lathala na ipinagbawal ang paghahanda at pagdiriwang ng New Year o Pasko.
Humigpit ang Saudi? "Oo, dahil rin kasi sa atin. Inaabuso rin kasi natin ang kaunting kalayaan na kanilang ibinibigay. Hindi lang kasi ginagawang simpleng kainan lang. May sayawan at tugtugan pa. Alam naman nila na bawal iyon.", ito ay ayon sa isang Pinoy na aking nakausap. May punto siya.
Kahit walang handaan o selebrasyon. Masaya ako dahil sa maagang pamasko na natanggap ng blog na ito.
Kahit di pinalad ay masaya pa rin.
Maraming Salamat sa PEBA at sa mga organizers sa pagkakataong ibinigay. Ito'y nagbibigay inspirasyon at nagpapatunay na kahit simpleng posts ay may tao ring nagbabasa.
Maraming salamat kay Shirley sa pagkuha ng aking certificate. Sa pagbahagi ng iyong oras.
At sa mga nanalo, congratulations po. At para sa aming talunan (panalo rin naman!), may next year pa.
Tinaggap ng kaibigang si Shirley ang aking certificate kahapon, Dec. 15, 2012, sa Quezon City, Philippines.
Nakakatakot ang mag celebrate ng Pasko dito sa KSA lalo na kung may babae na kasama....
ReplyDeleteAko naman normal lang din ang Pasko ko dito... ^^
Happy na din ako na napasama sa Peba kahit di nagwagi hehehe ^_^
Normal na araw lang ang pasko kahit bagong taon.
ReplyDeleteDapat makapagbakasyon sa Disyembre sa susunod na taon.
Nakakamiss na rin yong panahon ng kapaskuhan.
Waaaahhh! work ka na lang sa Pasko dyan. Respeto sa kanilang batas, yan ang pinagkukunan mo ng kabuhayan.
ReplyDeletePero ako mamamasko sa'yo... Sa may bahay ang aming bati... ^o^
Di na uso ang barya dito.
Delete