Al-Hasa, Al-Hassa, Al-Hasaa, Al-Ahsa o Al-Ahssa? Paiba-iba kasi ang spelling sa road sign ng lugar na pupuntahan namin.
Ang mga lokal ay nagbabase sa kanilang naririnig at hindi sa spelling.
Ang Al-Ahsa o Al-Hasa (corrected by wikipedia) ay masasabi kong "Date Capital" ng Saudi. Mayaman sa natural na tubig ang lugar na ito dahil sa oases na bumubuhay sa rehiyon. Ang lugar ay halos natataniman ng date palm.
Binisita namin ang Al-Gara kung saan napahanga kami sa ganda ng lugar. Ilang minuto na tumambay sa loob at ginalugad ang Al-Gara Cave o Judas Cave kung tawagin ng mga expat. Umakyat sa bundok kasama ang mga lokal na dapat sana ay kakain ng agahan. Puwede palang magpicnic doon!Shukran Shabab!
Looban ng Kuweba
photo shoot by: Archieboy
Nakasalamuha din namin ang mga lokal na turista. Nakikibati at nakipagpicturan. Kaunti lang ang bisitang expat. Regular day kasi kaya nasa trabaho ang karamihan.
Matarik ang paakyat ngunit kaba ay mapapawi kapag makita ang ganda ng lugar.
Nadaanan din namin ang grupo ng mga langgam....na kapag naizoom ang picture..mga camel pala!
_________________________________
Ang Al-Ahsa ay mararating 2 hours by road mula sa Dammam. May mga SAPTCO buses na kada oras ang alis mula Dammam. Meron ding tren na ang station ay sa Hofuf. Mula sa bus o train station, kalahating oras pa ang biyahe papunta sa Al-Gara.
Mas mainam kapag may sariling sasakyan dahil hawak at kontrolado ang oras. At sa mga lugar na hindi kabisado at first time pa lang, mas mabuting magkaroon ng GPS map.
No comments:
Post a Comment