Friday, September 23, 2011

Bakit Saudi?

Sagutin muna natin ang tanong kung bakit may OFW?
OFW ang tawag sa atin kapag tayo ay umaalis sa Pinas para makipagsapalaran sa ibang bansa sa hangaring makatisod ng bundok ng pera. Mabili ang lahat ng pangangailangan at matulungan ang pamilyang naghihirap.
PERA - ito ang unang dahilan dahil nga mahirap talaga sa Pinas.Obvious naman talaga! Sino ba naman ang di gustong umangat at maranasan ang kaginhawaan sa buhay.
AMBISYON -halos lahat sa atin, nangangarap na makapunta at maranasan ang pamumuhay sa ibang bansa. Makakita ng ibang lahi at kakaibang lugar. Sa dami kasi ng isla ng Pilipinas, ni kahit isa sa 1,107 ay walang ibang bansa na nakadikit.
KATANYAGAN - nagiging instant celebrity ka sa inyong lugar kapag galing ka sa ibang bansa. Sikat at lahat ng tao nag-iisip na marami kang nauwing pera!

Ang Saudi Arabia ay isa sa kilalang pinupuntahan ng mga OFW. Dati nga, akala ko, kapag sinabi nilang OFW, sila na yong galing sa Saudi. Sa dami ng kwentong masama, kalupitan, at kalungkutan ay halos galing sa lugar na ito. Ganunpaman, marami pa rin ang pumupunta sa Saudi. Ano bang meron sa lugar na ito na bakit binabalik-balikan ng mga manggagawang Pilipino?
Sila ba ang dahilan?

Isa na ako sa gustong gustong mag abroad. Sabi ko, kahit saang bansa pwede ako, huwag lang sa Saudi. Sa kakaiwas ko, ay bound to Saudi ang trabahong napasukan ko. Swerte o malas?

No comments:

Post a Comment