Wednesday, September 28, 2011

Legal na OFW sa Saudi

Ang legal na OFW sa Saudi ay may employment contract. Dito nakasulat ang pinagkasunduan mo at ng iyong employer. Nakasaad dito kung ilang taon ang kontrata, uri ng trabaho, schedule ng trabaho, sahod, at mga benipisyo. Pagkatapos ng kasunduan, ang agency na ang mag-aayos ng iyong mga dokumento. Itiwala mo lang sa kanila ang mga kailangang dokumento para maproseso ang iyong legal na pag-alis tulad ng visa. Tandaan na halos ang OFW sa Saudi ay walang placement fee.

Ang legal na OFW sa Saudi ay nakapagmedikal sa GAMCA(Gulf Accredited Medical Clinics Association). Sila ang mga lehitimong klinika para sa mga OFW na papuntang Middle East. Kung may matindi kang karamdaman at nakalusot ka sa GAMCA ay huwag maging kampante dahil uulitin ang mga medical test pagdating sa Saudi lalo na kapag malalaking kumpanya ang napasukan mo.
Ito ang mga GAMCA klinika sa Pilipinas courtesy of Neil's Version blog.
  1. American Out-Patient Clinic
  2. Angelina Apostol Punzalan Medical Clinic
  3. Angelus Medical Clinic - dito ako nagpamedikal.
  4. Arguelles Medical Clinic
  5. Christian Cangco Medical Clinic
  6. International Diagnostic Clinic
  7. L-R Medical Clinic
  8. Mabini Medical Clinic
  9. Our Lady of Fatima Med Clinic
  10. Physicians Diagnostic Clinic
  11. Philippine Medical Test System
  12. Ruben Bartolome Medical Clinic
  13. S.M. Lazo Medical Clinic
  14. St. Martin Polyclinic
  15. St. Patrick’s Healthcare System
  16. St. Peter & Paul Medical Clinic
  17. St. Vincent Medical Clinic
Ang legal na OFW sa Saudi ay may working visa at entry visa.
Ang working visa yung nasa babang bahagi at ang entry visa yung maliit na stamp na may puno.
Ang legal na OFW sa Saudi ay nakakuha ng OEC (Overseas Employment Certificate) at nakapagbayad ng fees sa OWWA at Philhealth bilang mga miyembro. Ang OEC ang nagpapatunay na legal kang OFW.

Ang legal na OFW sa Saudi ay nakapag-attend ng PDOS (Pre-daparture Orientation Seminar). Mahalaga ito para sa atin para ating malaman ang mga batas na umiiral sa Middle East lalong lalo na sa Saudi Arabia.
Ang galing ng DOLE!

Marami na tayong nabalitaan na undocumented OFWs na kinulong at pinadeport. Sa hangaring mapadali ang pag-alis, dinaan na sa illegal na pamamaraan. Ang iba sa kanila ay inosente at wala talagang alam. Huwag na nating dagdagan pa! Huwag tayong magpapaloko!

No comments:

Post a Comment