Apply - marami ang mga hiring sa mga agency sa Pilipinas, sa POEA job lists, at kahit sa internet tulad ng Work Abroad at Job Street. Ang paghahanap naman ng trabaho ay hindi madali. Kaya kung naiinip ka na sa kasalukuyan mong employer ay magtiis ka muna.Isipin mo na nasa Pilipinas pa rin ang may pinakamagandang workplace. Ugaliin mong bumili ng Philippine Daily Inquirer pagkatapos magsimba o magjogging tuwing linggo dahil marami ang job abroad lists sa classified section nito. Habang kumakain ka ng almusal sa bahay o kung sa Jolilbee, Mcdonalds, tapsilogan, gotohan man, umpisahan mo nang hanapin sa newspaper ang trabaho na bagay sa iyo.
Kapag nakahanap ka na, e di send ka kaagad ng iyong original at updated na resume. Advise ko lang, huwag mameke ng information mo dahil ipapahiya ka niyan balang araw. Pasa ka lang nang pasa kapag alam mo yong trabahong papasukin at may saktong experience ka. Kapag natangap ng employer ang CV mo at fit ka, kokontakin ka rin nila para sa interview.
Libre ito sa ibang establishment |
Kung para sa iyo ang trabaho, madali mo itong maipapasa. At kung di naman, kahit anong apply at ilang interview ang danasin mo, di mo talaga ito makukuha. Kaya huwag kang mafrustrate kapag nabagsak ka dahil marami pa namang trabaho. Maghintay lang tayo ng tamang pagkakataon. May marami pang mas magandang kumpanya bukod doon. Kaya kapag sa Saudi ang trabaho mong nakuha at kung katulad mo rin ako na last choice ang Saudi, e huwag mong sabihing malas. Ito ay swerte!
Habang naghihintay, kumpletuhin mo na iyong mga dokumento.
No comments:
Post a Comment