Picture - mula sa 1x1 at 2x2, dapat meron kang maraming stocks nito. Lahat ng mga papeles halos kailangan ito. Dapat yung pinakagwapo ka sa picture. Kung pwedeng awayin yong nagpipicture para lang iretoke yung mukha mo, ay gawin mo. Huwag tayong mahiya dahil mas nakakahiya kung madeny tayo dahil lang sa picture.
Diploma at TOR - walang problema dito kung pagkagraduate ay nakasecure ka na ng copy nito. Bukod doon sa nakaframe at nakasabit sa dingding ng bahay niyo, e dapat may sarili kang original copy. Ang original copy ay may zeal ng school. Para sigurado, ipaauthenticate mo na sa CHED o TESDA sa inyong lugar at ipa red ribbon sa Malakanyang. Kailangan kasi yan kung magtratrabaho ka sa U.S, Australia, Qatar o UAE. Ang Saudi Arabia ay di masyadong strikto sa ganito.
Birth and Marriage Certificate - mas mainam na may dalawang copy ng NSO authenticated birth certificate dahil para sa passport at sarili mong kopya. Nagdedeliver na rin sila ngayon kung talagang busy at di makaalibi sa trabaho. Click mo dito for more information.
Para ka lang umorder ng burger sa Mcdo! |
Cedula - ito'y nakukuha sa municipal hall. Nagtataka nga ako kung bakit kailangan ko pang magbayad ng CEDULA gayong taxpayer naman ako. Iniisip ko na baka iba ang national sa municipal tax funds.
Clearances - unahin ang purok (kung meron) o barangay clearance dahil mas malapit. Sunod na kaagad ang police clearance. Tandaan na kapag magpakuha ng picture, dapat seryoso at nakatiklop ang bibig. Sita ang aabutin mo kapag tumabingi ka at nakasmile. Ganun din sa NBI clearance. Kailangan ang NBI clearance is issued for travel abroad. Nakakadelay lang sa NBI kung may kapangalan kang may kaso dahil kailangan pa ng imbestigasyon at kukuha ka pa ng mga certifications sa department na on hold ang pangalan mo.
Passport - electronic na ngayon. Kailangan mo lang ng appointment para sa schedule. Click mo dito kung gusto mo ng appointment at ang mga recent requirements. Di mo na rin kailangang magdala ng passport size pictures dahil sila na mismo ang kukuha. Kailangan mo lang ng mahabang pasensiya dahil kahit may appointment ka e, mahaba pa rin ang pila. Marami na talaga ang may balak na lumisan sa bansa.
Para sa akin mas ok ang sistema ng pagkuha ng passport ngayon. |
Lahat ng mga transaction diyan ay kailangan ng mga valid ID's na nagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan. Kailangan mo ring gumising nang maaga para mauna sa pilahan. Mahirap kasi kung pabalik balik ka dahil lalong nakakaubos ng lakas at pera.
Sa dami ng mga requirements at babayaran ay halos mamumulubi ka na. E ganun talaga! Ang pag-aaply sa abroad ay para ring nagtatayo ng business na kailangan ang puhunan.
Thanks great post.
ReplyDelete