Madaling malaman ang mga baguhang OFW sa airport dahil sa bitbit na brown envelope. Ganyan din ako noon! Magkagrupo at ang iba nakauniform pa.Bago pumasok sa airport, ang mga OFW ay papasok muna sa OFW lounge sa kanang bahagi ng airport. Sa mga first timer, dito ipinapaliwanag ng agency recruiter ang detalye ng flight at ang gagawin mo paglabas sa final destination mo. Kung sino ang kokontakin at kung may naghihintay sa atin sa destinasyon. Doon din tayo iniiwanan ng ating mga agency recruiters habang hinihintay ang pagbukas ng counter ng flight natin.
Nasa loob din ang POEA kung saan kailangan nating ipaverify ang ating OEC. Pipila ka dun para ito'y tatakan.
Makakabili ka rin ng roaming sim, at makaopen ng savings account sa loob habang naghihintay ng flight. |
1. Dadaan ka kay Mamang Guard. Iwasan ang magbitbit ng anumang bagay tulad ng celphone, ipad, player at iba pa. Ipasok ito sa bag mo. Pabilisan ang transaction dito kaya posibleng may mawala ka. Dadaan ang bagahe mo sa X-ray machine at ikaw ay sa metal detector device. Kaya mas mainam, na huwag magsuot ng mga metal at panatilihing simple sa biyahe. IPAPAKITA MO: itinerary flight ticket at passport. IBABALIK SAYO: ang ipinakita mong dokumento.
2. Hanapin mo ang counter ng iyong eroplano at pumila. Ihanda ang iyong passport(visa). May airline personnel na magveverify nito, May nagpapartial check din ng bagahe mo kung ito'y overweight kaya iwasang magdala ng aparador. Papabawasan din sa iyo iyan. Allowed ang isang pasahero ng isang cabin bag.
Sa airline check in counter, may ground airline staff para magverify. IPAPAKITA MO: itinerary flight ticket, passport at OEC. IBABALIK SAYO: itinerary flight ticket, passport, OEC, boarding pass at baggage numbers ng check-in bags mo. Sasabihin din sa iyo ang mga informations na nakasulat sa boarding pass.
3.Kadalasan habang pumipila ka sa counter, may ibibigay sa iyong papel na galing sa POEA. Fill mo ito habang hindi ka pa busy, magagamit mo ito pagkatapos mong makuha ang boarding pass mo. Papasok ka na sa lugar na describe ng marami, ay may mga buwaya. Una ang POEA collecting counter, sa bandang kaliwa ang lane ng mga OFW. IPAPAKITA MO: boarding pass at OEC. IBABALIK SAYO: boarding pass at 2 copies ng OEC na m,ay tatak na OFW. Libre ka ng terminal at travel tax fees.
Confirmed OFW ka! |
4. Dumiretso ka na kaagad sa immigration counter.IPAKITA MO: passport, OEC, boarding pass at ang POEA form. IBABALIK SAYO: passport na may tatak na "depart", OEC, at boarding pass". Minsan may, itatanong din sa iyo, sagutin mo lang ng maayos.
5. Another security measures.IPAKITA MO: medyas mo! Hubarin ang belt, relos, pitaka, sapatos, at lahat na kumikinang at bakal sa katawan. Ang iyong gamit ay dadaan ulit sa X-ray at ikaw ay sa metal detector. Mas strikto dito, kaysa noong papasok pa lang sa airport. IBABALIK SAYO: perwisyo! Di na bale basta safe lang ang mga pasahero! Tandaang bawal ang liquid at gel sa cabin bags.
6. Pre-departure area. Paglapas mo ng Duty Free at pasalubong stores, ay hanapin mo ang gate na nakasaad sa iyong boarding pass. Ang Middle East ay nasa kanang bahagi ng hallway. IPAKITA MO: boarding pass at passport. Pipilasin nila ang boarding pass hudyat na ikaw ay nasa predeparture area na. IBABALIK SAYO: passport at ang maliit na parte ng boarding pass.
Magpahinga ka na! Ihanda mo ang sarili mo sa walong oras o higit pa na biyahe at habang naghihintay ng oras para mag check-in, tawagan mo o itext ang mga mahal mo sa buhay. Magpaalam ka ulit. Kung tutulo ang luha mo, hayaan mo lang. may ganun talagang eksena. Magtira ka lang ng isang daang peso para pangroaming ng sim mo.
Pag oras nang pumasok sa eroplano, huwag magmamadali. Hintayin mong tawagin ang iyong seat number na matatgpuan din sa iyong boarding pass. Walang ibang uupo sa upuang nakalaan para sa iyo. Iactivate mo na sa roaming ang telepono mo. Kung Smart sim ka, type ROAM ON at isend sa 333.
required po ba sa mga nagbabalak pa lang na umalis at mag-trabaho abroad ang OEC?
ReplyDeleteSalamat sa pagbisita. Required po. Kapag may OEC ka, legal kang OFW dahil nakaregister ka sa POEA at OWWA.
ReplyDeleteHello. Napadpad lang ako sa blog mo and I must say malaking tulong ito.
ReplyDeleteBalak kasi magtrabaho sa Middle East ng husband ko. Di pa siya nakakalabas ng bansa at ito rin ang magiging first time niya kung sakali. Totoo ba na may discrimination mga agency sa mga walang work experience sa abroad? Dito kasi ako kinakabahan. Sana po ma-clarify nito ito at naging first-time OFW ka rin. Salamat.
Wala pong magiging dahilan na ikaw ay madiscriminate kung fully qualified ka sa trabahong inaaplayan mo sa abroad.
DeleteKahit first timer ka basta nahire ka at nagustuhan ka ng employer, pasok ka na! Lalo na kung ikaw ay maabilidad at kabisado mo ang iyong larangan. Kaya huwag mangamba!
May ibang larangan na hindi kinakaya ng may mga experience na sa abroad.
Gud pm po..ask q lng po kc un sister q papunta daw po riyadh napirmahan nya tpos dmting na dw po visa at ticket ang prblma po sbi ng agency nya hnd na daw xa mg.pdos kc ng.owwa nman na..tska bkit sa clark airport cla pupunta?sana po msagot nyo agad tnx po.
ReplyDeleteMagandang araw po.. ang PDOS po ay nirerequire lalo na sa mga first timer at yong papunta ng Middle East. Pinapakita din ang certificate sa immigration kasama ang iba pang dokumento. Pakitanong na lang po sa tauhan OWWA para makasiguro.
DeleteAt sa airport naman po, may flight din po na galing Clark papunta sa Middle East. Sa pagkakaalam ko, ang Qatar Airways, ay may biyaheng Clark-Qatar-Riyadh.
Sana po nakatulong...
Hi kwentuhero, ask lang po ako about sa OEC, ang agency na po ba ang kukuha ng OEC para sa worker? O ang worker mismo ang kukuha? About din sa OWWA membership at saka POEA sino po ang magprocess?
ReplyDeleteHello po..kapag unang OEC ay agency po ang nag-aasikaso kasama na doon ang OWWA. Pero tayo po ang magbabayad.
Deletehello po..slamat po at very informative ang blog nyo..i have a question po regarding sa employment contract..sa pagbabasa-basa ko po online sabi requirement sa pag aply ng visa sa SAUDI ung employment contract na signed ng employee-employer..naguguluhan and medyo worried dn po ako kasi sabi ng mister ko nung day na pumirma sya sa agency for the contract sabi daw may typo error ung EMPLOYMENT CONTRACT at kelangan ibalik sa employer at ang napirmahan lng nya nung araw na yun is yung contract with the AGENCY at ang sabi e tatawagan nlng ulit pag ok na..until now na may ticket na sya at mlapit na umalis wla pa syang napipirmahang employment contract at ang sabi ng agency ay a day before the flight sya pipirma..meron po bang ganung case?..sa pag aply po ba ng visa ok lng na wla po ba un?..maraming slamat po!!!!!
ReplyDeleteMagandang araw po..di po ako sigurado kung ano po yong contract na napirmahan niya noong panahon na iyon. Baka yon din kasi ang contract niya sa employer niya. Di naman kasi kailangan ng contract between employee at agency.
DeleteBase sa aking karanasan, may contract ako na pinirmahan sa Pilipinas na pirmado ko at ng magiging employer at ng agency. Ngunit pagdating ko dito sa Saudi, pumirma ulit ako ng contract na mas detalyado kumpara sa contract na napirmahan ko sa Pinas. Nakasulat pa rin doon ang mga napagkasunduan naming bagay tulad ng sahod, allowances, bakasyon, at working hours..
Kapag may visa at ticket na siya, ibig sabihin ay nagawan ng paraan ng agency ang kulang sa pagproseso ng visa. Sa pagkakaalam ko kasi ay kailangan ng contract para maprocess ang visa.
DeleteAt tulad ng nangyari sa akin, initial contract lang ang napirmahan ko sa Pilipinas. Pagdating sa employer ay may kontrata ulit na pipirmahan.