Kung ordinaryong papel lang ito, magbabasura na lang ako. |
Ang pag-aabroad ay may kaakibat na pagod at paghahanda. Kasama na rin diyan ang excitement na kahit sabihin mong may iiwanan ka at mapapalayo ka sa mga mahal mo sa buhay. Iisipin mo na ginagawa mo ito para sa kanila. Kailangan e!
Ito ang mga puhunang kailangan mong paghandaan. Ito rin ang mga hinanda ko noong paalis pa lang ako.
Work Experiences - kailangan mong ipunin lahat ng mga work certificates mo. Hindi paramihan kundi pangmatagalan ang kadalasang binabasehan ng mga employer. Mas maganda sa paningin kung tumatagal ka sa isang kumpanya. Base sa mga napagdaanan kong mga interviews, naiintindihan ng interviewer kung sa unang dalawang kumpanya mo ay maikling taon lang ang itinagal mo. Syempre dahil naghahanap pa tayo ng "greener pasture" kumbaga. Pero kapag yung pangatlo at iba mo pang working experience ay less than a year din, nadidiscourage sila. Iisipin nila di ka rin tatagal at masasayang lang ang pagtraining nila sa iyo. Pero depende rin yan sa edad mo, mas marami kang experience, mas advantage.
Medikal - mas maiging minomonitor natin ang ating kalusugan dahil ang katawan ang tunay na puhunan. Maraming sumasablay dito! May ibang bansa kasi na masyadong strikto na kahit kunting taas lang ng high blood pressure ay ayaw magbigay ng waiver. Ang mga medikal test na kadalasang ginagawa sa mga papaalis na mga Pinoy ay mga sumusunod: Blood tests, X-ray, ECG, vision test, stool, at urine. Buti na nga lang di kasama ang audio. Marami kasing interruptions kapag ako'y isinasalang dito. Mas naririnig ko pang usapan sa kabilang kwarto at traysikel sa kalayuan kaysa sa tunog na nanggagaling sa headset. Sana may alternative test para dito. Kukunan ka din ng timbang, taas, at BP.
Meron ding physical exam by a doctor in a closed room kung saan kailangang mong isiwalat ang buo mong katawan. Iniinspect kung may tattoo tapos may dadakmahin, tatalikod, tutuwad, at uubo. Ganito ang ginagawa sa mga lalaki, ewan ko lang sa mga babae.
Meron ding psychological exam kung saan one on one interview naman with psychiatrist. Tatanungin ka lang naman kung ano ang iyong mga kahinaan at ang pinakahighlight dito ay kung kaya mo ba talagang umalis ng bansa. Kung malakas ang dedikasyon mo, wala kang magiging problema dito.
Pera - "kapag may pera ako, mag-aaply ako abroad". Mahirap mag-apply ng walang pera dahil wala namang libre sa panahon ngayon. Lahat may bayad!
Emosyon - kailangan mo rin itong paghandaan. Kailangan mong tapangan ang iyong emosyon. Kung may pag-aalinlangan ka, ay huwag ka nang umalis. Sinasayang mo lang ang oras sa pag-aaply na dapat ay para sa iyong pamilya. Kung talagang desidido, paghahandaan mo ang araw ng iyong pag-alis. Sigurado ako, may drama at teleserye sa raw na iyon.
Mahirap ang mga ginagawang preparasyon pero ano ba't babalik din sa iyo ito!
No comments:
Post a Comment