Monday, December 8, 2014

Kanselado dahil sa Bagyo

Sa tuwing bakasyon, maliban sa kamag-anak na bibisitahin ay kasama din sa talaan ang mga lugar na gustong puntahan. At habang ginagawa ko ang post na ito, kasalukuyang binabayo ng bagyong Ruby (International name Hagupit) ang lugar na akin sana'y destinasyon.

Dalawang buwan kong pinaghandaan ang bakasyong grande kasama ang aking pamilya mula sa domestic flights at mga hotel na aming papanhikan.

Malakas ang bagyong Ruby ayon sa balita ngunit di natinag ang mga television network sa kanilang normal na programa. At sa katulad naming nasa probinsiya na  walang cable subscription at internet connection, ay tanging sa radyo lang umaasa at nakikibalita.

Hindi kanselado ang flight namin papuntang Cebu gayong may typhoon signal ang lugar na iyon mula sa PAGASA. Kaya tuloy ang biyahe at patuloy ang pangangalap ng kapalaran na makarating sa Boracay.

Paalis ng Davao International Airport. Maliwanag at maayos ang kalangitan.
Ganito ang mga ulap kapag maaliwalas ang panahon.
Kakapasok sa kaulapan na sakop ng bagyo. Nanatiling mas mataas sa ulap ang eroplano.
Pumasok na sa looban ng ulap dahil malapit na ang Cebu.
Ganito ang eksena sa ilalim ng mga ulap.
Landing sa Mactan International Airport.
Maulan ngunit hindi kalakasan.
Habang nasa Cebu, tumawag ang airline staff na kanselado ang biyahe papuntang Boracay at ito'y tanggap namin. Aanhin pa ang bakasyon grande kung hindi ka naman ligtas.

Ito ang mga nalaman ko:
1. Mahirap pala ang magparebook ng flight sa mga lugar na dagsa ang turista at may limitadong biyahe. Huwag mong asahan na makakasakay ka kinabukasan.
2. Madaling magpakansela ng flight iyon nga lang may fees. At dahil FORCE MAJEURE, may full refund. Kung paano maibabalik ang bayad, iyan ay hindi madali.
3. Mahirap kontakin ang mga airline hotline numbers sa ganitong pagkakataon. Marami kasing stranded na pasahero ang pumipindot para sila kausapin.
4. Ang hotel sa Boracay na aking tutuluyan, 10% ang down payment na hiningi at ito ay non-refundable. Nakahanda sila sa ganitong klase ng pangyayari. May iba kasing hotel na full payment ang kailangan.
5. Maging flexible sa biyahe. Nararapat lamang na magkaroon ng Plan B nang hindi masayang ang oras at panahon. At higit sa lahat, nang hindi masyadong malaki ang maidagdag na gastusin.

Kapag imposible at mahal ang rebooking at re-routing ng flight, mas maiging maghanap na lang ng magagandang lugar sa malapit.

Friday, October 31, 2014

Mga Takaw Pansin na Eksena sa Airport

Ito ang mga paulit-ulit na eksena sa paliparan kung saan dagsa ang mga kapwa ko OFW sa tuwing ako'y nagbabakasyon.

Bato bato sa langit, ang tamaan sana ay pumikit at huwag magalit.

Riyadh International airport, KSA
Eksena 1. Sa isang umpukan, agaw pansin si kuya dahil sa kanyang boses. Hindi malaman kong sumisigaw ba o sinasadya niyang lakasan ang pag-uusap nilang magkagrupo. Naririnig din kasi ng ibang mga tao kung paano niya ipinagsigawan ang kaniyang sahod. Ipinagmamalaki na sa kanilang lahat na magkakasama sa construction , ang kanyang sahod ang pinakamalaki. Ginagawa niya ba ito para magyabang o ginagawa niya para ipahiya ang kanyang kasamahan. Ibig sabihin ba ay mas mahusay siyang magtrabaho kaysa sa iba?

May mga tao talagang bulgar sa kanilang kinikitang pera. Ayos lang yon, pinaghirapan din naman niya iyon. Kaya lang, isipin din sana na hindi lahat ng OFW na nasa airport ay mga matagumpay. Meron diyan na mas maliit pa ang sinasahod at meron ding mga walang sinahod.

"Keep your basic salary as secret.  Walang masama sa hindi pagsabi nito". Isang mensahe mula sa mga OFW na kumikita nang malaki sa abroad.

Eksena 2. Paglapag ng mga gulong ng eroplano sa lupa, hindi lamang celfon ang inilabas ng mga pasahero mula sa kanilang mga bulsa at bag habang nanatiling nakaupo dahil "on" pa ang seat belt sign. Lumilitaw rin ang mga malabatong singsing, hikaw, kuwintas, at kung ano pang palamuti sa katawan. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa mga naglalakihan at nagkikislapang mga gintong alahas na suot nina ate at kuya.

Ang mga naiinggit ay hanggang tingin lamang. Walang pambili e. Pero isipin sana na ang naipong alahas ay nakakaakit, hindi lamang dahil ito ay mamahalin. Mahalin din sana ang buhay dahil baka ang suot na alahas pa ang magiging mitsa para bawiin ito.

Magandang investment ang alahas pero may tamang lugar kung saan dapat ito ipakita. Alam natin, nakakadagdag ito ng kagandahan  o kaguwapohan, pero sa panahon ngayon isipin sana muna ang sariling seguridad habang nasa isang pampublikong lugar.

Ang kamag-anak lalo na ang mga magulang na naghihintay sa labas ng paliparan ay hindi nasisilaw sa mga alahas na suot. Ang mahalaga sa kanila ay ang pagdating natin ng ligtas at ang muling pagkikita sa loob ng ilang buwang pagkakawalay sa kanila.


Eksena 3. Sa baggage conveyor na lulan ang mga kasabayang OFW, sangkatutak na kahon ang bubungad. Kaya daw matagal ang paglabas ng mga bagahe dahil sa napakarami at naglalakihan ang mga box ng appliances tulad ng flat screen tv, components, at mga laruan. Naiirita at naiinip ang mga turistang kasabayan sa daming dalang kahon na kung papansinin ay makikita at mabibili rin naman sa Pinas.

Iba pa rin kasi kapag ang bitbit na pasalubong ay galing sa pinanggalingang lugar. Hindi nila maintindihan na ang kadalasang laman ng mga kahon ay inipon pa mula sa ilang buwan o taon na pananatili sa ibang bansa.

At hindi lahat ng OFW ay kayang magbayad at nagtitiwala sa mga cargo companies na magdadala ng mga bagahe sa Pilipinas. Kaya umaasa na sa pag-uwi ay maisama nila sa kargamento ang kanilang balikbayan boxes.

Eksena 4. Masugid na naghihintay si Ate na naunang dumating kaysa sa kanyang sundo. Posturang postura. Ilang minuto pa ay dumating na rin ang isang jeep lulan ang kanyang kamag-anak na halos isang barangay. Nagmamadaling bumaba at niyakap kaagad siya ng matandang babae na siguradong nanay niya. Samantalang ang iba ay nakatunganga. Tinititigan siya mula ulo hanggang paa. Nag-aalanganin silang lumapit kay Ate na nakaboots, makintab na legging at skirt, nakajacket nang makapal at animo'y isang Japanese anime.

Sa pananamit pa lang ay malalaman na ang isang kababayan ay galing sa abroad. Para sa mga matang sanay na sa ganitong klase ng kasuotan ay normal lang at malamang hindi pansinin. Huwag lamang sumobra at gawing malaking tanghalan o fashion show ang paliparan. 
Photo by Chameleon Farm
Mahalaga sa ating mga OFW na makopya ang katangian ng isang chameleon. Ang pagbabago at ang pag-angkop ng kulay nito sa lugar kung saan siya gumagapang ay magsisilbing gabay at proteksyon natin sa dalawang lipunan na ating ginagalawan.

Wednesday, September 24, 2014

Passport Renewal in Riyadh Embassy

Ang pasaporte ay isa sa pinakamahalagang dokumento na meron tayong mga nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya dapat alam natin kung hanggang kailan na lamang ito.

Para sa akin, mainam gawin ang renewal ng passport, isang taon bago ito maexpire. Ito ay para maprotektahan ang sarili sa perwisyo kung ito ay magkaproblema. Ang pasaporte ay maaring magamit at least 6 months validity ayon sa ating mga nababasa. Pero huwag tayong paloloko! Ang ibang mga bansa, ayaw magbigay ng visa kahit anim na buwan pa ang itatagal ng iyong passport.

Kamakailan lang ay pumunta ako sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh para iparenew ang passport. Simple lang ang mga kailangan at mabilis ang proseso.  Heto ang mga pinagdaanan ko.
Philippine Embassy Building in Riyadh. (mula sa google)

1. Kumuha ng Appointment sa website.

Katulad sa Pinas, pinagdaanan ko ang Online Appointment System kung saan pipili ng araw at oras nang magiging transaksyon sa embahada. Ito ay para mapabilis ang transaksyon at maiwasan ang mahabang paghihintay ng aplikante.

Limang minutong transaksyon lang ang kada appointment. Kaso, ang schedule of appointment na pagpipilian ay mga dalawa hanggang tatlong buwan pa dahil wala nang slot. Ganyan kadami ang nagpaparenew ng pasaporte sa Riyadh. Masyadong matagal. (Sana, sampung taon ang validity ng ating passport!) Mahirap mamili ng appointment dahil itataon pa ang araw kung saan wala  akong pasok.

2. Preparasyon.

Dahil may sapat na oras pa para paghandaan ang pagpunta sa Philippine Embassy sa Riyadh, ito ang mga naging preparasyon ko.

Tiket sa eroplano papuntang Riyadh. Mas maagang magbook, mas mura.

Naiprint ang E-passport Application Form na madodownload sa kanilang website. Pinunan ito at hindi iniwanang blangko. Nilagyan ng N/A (not applicable) ang mga detalyeng hindi ko masagutan.

Naiphoto copy (Xerox) ang Passport (iyong pahina na may data). Ginawang tatlo para kapag may problema ay may dalawa pang sobra.

Hiniram ko muna ang Original Passport ko sa kumpanya na nagtatago ng aking pasaporte dalawang araw bago ang biyahe ko sa embahada.

At ang kopya ng appointment letter. Naiprint ang reply sa email ng embahada. Ito ang magsisilbing katibayan na may transaksyon ako sa araw na iyon.

3. Embahada sa Riyadh

Pumunta sa embassy sa araw ng appointment date, 30 minutos bago ang appointment.
Ipinakita ang kopya ng appointment letter at pumirma sa logbook na meron ang staff sa gate. Nakita ko ang pangalan ko doon, nagpapahiwatig na inaasahan ang pagdating ko. Binigyan ako ng visitor's ID na may nakasulat na "RENEWAL" na may numero at pumasok na sa loob ng embahada.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ang Absentee's Voter's Registration (AVR) sa lahat ng OFW na magpaparenew ng passport. (Di ko ito alam!)  Kinuha ang photocopy ng passport ko na para sana ay sa passport renewal. Ilang minuto din ang itatagal dito dahil wala naman itong appointment at ang lahat na may transaksyon sa pasaporte ay nakapila. May registration form na ibibigay na kailangang punan.

Pagkatapos ng registration, ay pumila ulit sa Passport Processing. Kahit may appointment na ay "first come, first serve" pa rin ito kapag nasa loob na ng gusali. Kailangan din dito ang photocopy ng passport at ibinigay ko sa kanila ang extra copy na meron ako. Meron naman silang xerox machine kung sakaling iisang kopya lang ang nadala.

Saglit lang ang proseso. Masyadong mahaba ang limang minuto kapag walang problema at kumpleto ang mga dokumentong isusumite sa kanila. Binigyan ako ng resibo para sa transaksyon at pumunta na sa Cashier para bayaran ang passport renewal fee sa halagang 240 riyals.

Paalala: Dapat nandoon ka na isang oras bago ang iyong appointment. Sa kaso ko, dumating ako 30 minutos bago ang appointment schedule ko ngunit natagalan pa ako ng halos 20 minutos dahil sa isinasagawang Absentee's Voter Registration.


4. Pagkuha ng Passport

Laging binibisita ang kanilang website. Nagbabasakaling for release na ang passport.  Mga 30 to 45 araw ang sinasabing "releasing day".

Bumalik sa embassy para personal na makolekta ang passport. Dinala ang lumang pasaporte at ang resibo.

Maari din itong ipakuha sa mga embassy service agent na malapit sa lugar kung saan tayo nakadestino katulad ng Al-FIFA (for government and embassy services) o di kaya sa isang kakilala na pupunta ng embahada. Kakailanganin lamang na mayroong Letter of Authorization ang tao na kukuha ng pasaporte.

Thursday, September 4, 2014

MAM Awards: Now Accepting Nominations for 2014

http://www.cfo.gov.ph/
 Nominations to the Migration Advocacy and Media (MAM) Awards 2014 are now formally open.

Conceived in 2011 by the Commission on Filipinos Overseas (CFO) for the Celebration of the Month of Overseas Filipinos and International Migrants Day in the Philippines, Migration  Advocacy  and  Media  (MAM) Awards aim to recognize the significant role of the media in information dissemination and advocacy of news and concerns related to migration and development.

Eligible for the Awards are works by any individual, government and private media outlets, institutions and practitioners in the fields of print, radio, movie and television, advertising and internet based in the Philippines and abroad. Entries  must have raised public awareness on issues on Filipino migration, advocated the cause of Filipinos overseas, or/and promoted a positive image of Filipinos overseas.

Entries to the Awards must be submitted on or before October 15, 2014 to MAM Awards Secretariat,  Commission on Filipinos Overseas, Citigold Center, 1345  Pres. Quirino Avenue cor. OsmeƱa  Highway (South Superhighway) Manila, Philippines 1007.

The Migration Advocacy and Media (MAM) Awards consist of six categories. The Print Journalism Award is conferred on best print media. The Radio Journalism Award is conferred on best  radio  program. The Television Journal Award is  conferred on best television program (talk show,  investigative  journalism, TV special or documentary). The Film Media Award is conferred on best  films and videos (full  length  or documentary). The Interactive Media Award is conferred on web-based publications. The Advertisement Award is conferred on best print, radio or TV commercial/advertisements on issues concerning migration.

Since 2011, this  recognition has been conferred on 31 awardees  and serves to highlight the role  of  media in  tackling migration concerns in celebration of the Month of Overseas Filipinos in December.

For  more information on the Awards, please call  the MAM Awards Secretariat at (632)  552-4761  (632)  561-8291(telefax), or email at mamawards@cfo.gov.ph. To download the primer and nomination form, please check www.cfo.gov.ph.

Tuesday, September 2, 2014

Relasyong Amo at Kasambahay

Binisita ang isang kamag-anak na nagtatrabaho bilang isang kasambahay sa Riyadh. Hindi ito magagawa ng isang ordinaryong empleyado na basta na lang bisitahin ng kakilala sa bahay ng mga Arabong amo. Napakasuwerte namin dahil mababait ang kanyang mga amo para kami ay pahintulutan at patuluyin sa kanilang magara at napakalaking bahay habang sila ay nasa bakasyon.

Iginala kami sa buong kabahayan kaya nakilala namin ang mga boss nila dahil sa mga larawan na nakapaskil sa dingding ng sala. Idinetalye din ang kanilang mga trabaho. Sa laki ng bahay, ay kulang pa ang isang araw para ito ay ayusin at linisin.

Tatlo lang silang Pinay doon. Dalawa lang ang aming nadatnan dahil isinama ng among pamilya ang isa sa Europe. Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapagbonding dahil kahit nasa iisang bansa lang kami, hindi naman kami malaya para magkikita-kita.
Ang ganda ng mosque!
Napakasuwerte nila dahil mababait at pinagkakatiwalaan sila ng kanilang mga amo. Sa isang banda, napakasuwerte ng amo nila dahil nagkaroon sila ng mababait at mapagkakatiwalaang kasambahay. Kaya sila tumagal. Sa katunayan, si Auntie na huling pumasok ay nakawalaong taon na!

Matagal na nilang gustong umuwi at mamalagi na lang sa Pinas. Nasasayang daw kasi ang oras na sana ay para sa pamilya. Ilang beses na silang nagpaalam sa amo nila ngunit ilang beses din silang pinakiusapan na manatili muna. Kailangan pa sila ng boss nila.

"Saan pa sila makakahanap ng kasambahay na ang baryang naiwanan ng mga amo pag-alis ay siya pa ring barya na kanilang daratnan pag-uwi.." kuwento nila.

My wife with Auntie Gen and Auntie Meriam.
Ang pagiging kasambahay ay hindi madali. Malapit kasi ito sa pang-aabuso. Ito lang kasi ang trabaho na madaling makuha dahil hindi naman kailangan ng mahabang work experience at mataas na edukasyon.

Sa pakikipag-usap sa kanila, heto ang mga natutunan ko. Ang tatlong klaseng relasyon ng amo at kasambahay.

1. Hudas na amo, kawawa ang kasambahay.
Ilang beses ko nang narinig ang ganitong mga kuwento. Malas ang aabutin kapag ito ang napuntahan ng isang tao na papasok bilang kasambahay. Kahit anong sipag at tiyaga ang gawin ay bugbog pa rin ang aabutin. Pisikal man o mental.
Sa mga hindi nakatiis, ang pagtakas ang tanging naisip na paraan para makaalis sa animo'y impiyernong pamamahay na napasukan. Ang iba nga ay nabalian pa ng mga buto dahil tumalon o nahulog sa bintana dahil sa pagtakas. Samantalang ang iba ay binawian pa ng buhay.

2. Mabait na amo, mapagsamantalang kasambahay.
May kasabihan nga na kung wala ang pusa, nagsasaya ang mga daga. Ganito inihahantulad ang mga kasambahay na inaabuso ang kabaitan ng mga amo. Kapag wala ang amo, maraming milagro ang nangyayari sa loob ng bahay. Mga nawawalang gamit, sinasaktan ang mga alagang bata, at marami pang iba.
Lingid sa kaalaman, ang mabait at tahimik na amo ay siya ang pinakaalerto. Magtataka na lang ang kasambahay kung bakit maagang tinapos ang kontrata niya nang hindi pa naman nahuhuli ang kabulastugang nagawa niya.

3. Mabait na amo, kapamilya kung ituring ng kasambahay.
Sana lahat ay ganito. Hindi na nakakapagtaka na ang iba ay hindi na nakapag-asawa dahil sa debosyon sa pamilya na pinaglilingkuran at nagpapasahod sa kanya.
Kamakailan lang ay may napabalita sa TV na hinahanap ng dating alaga ang kanyang yaya na isang Pilipina. Naiwan kasi sa kanila ang napakagandang alaala ng kanilang yaya.

Ang kakulangan sa paghubog ng isang respetadong tahanan sa kabila ng magarang pamumuhay ay ginagampanan at pinupunan ng isang kasambahay. Ganyan kahalaga ang resposibilidad nila!

Saturday, August 23, 2014

Gala sa Riyadh

Higit kalahating oras lulan ang eroplano o di kaya ay apat hanggang limang oras sakay ng kotse  at tatahakin ang disyerto mula sa Dammam, Eastern Region ay mararating na ang Riyadh. Ito ang sentro ng bansang Saudi Arabia.
Rising buildings while approaching Riyadh City from the airport.
Ang Riyadh ang kapital na siyudad ng bansang matagal nang pinagsisibilhan ngunit ngayon pa lang napadpad. Kung hindi dahil sa passport kong malapit nang mamaalam ay hindi ko masisilip ang lugar na ito.

Tama nga ang deskripsyon ng kasamahan kong Arabo. "There's nothing in Riyadh. No farm, no oil..Only desert!" Paano ba naman kasi, ang siyudad ay nasa kalagitnaan ng malawak na disyerto. At dahil ito ang kapitolyo, makikita rito ang maraming imprastraktura at mga gusali indikasyon ng isang maunlad na bansa.

Manghang-mangha ako sa disiplina na meron sa lugar na ito. Malinis at nagtataasan ang mga gusali. May tamang lugar para sa pabahay at para sa komersyal na establisyamento. Maraming magaganda at kakaibang disenyo ng mga gusali, mosque, at mga kainan. Malayong malayo sa lugar na pinagtatrabahuan ko.
Kingdom Tower, ang landmark ng Riyadh.
Napadpad sa Olaya Street na (o-le-ya) pala ang tamang pagbigkas. Napuntahan at naakyat ang matayog na Kingdom Tower na animoy "Eye of Mordor" sa pelikulang "Lord of the Rings". Napasok at narating ang mahigit 300 metro na skybridge nito mula sa lupa. Napagmasdan ang buong siyudad at ang galaw ng mga sasakyan sa ibaba. Mas mataas ito sa skybridge ng Petronas Twin Tower na napuntahan ko noong 2008.

Sa Olaya pa rin, nandito rin ang isa pang tower na kakaiba din ang anyo, ang Al-Fasaliyah Tower. At dahil kinapos ng oras ay hindi na nagawang puntahan pa.
Al-Fasaliyah Tower
Pulang buhangin. Sandstorm area dalawang oras mula sa Riyadh.
Ang Riyadh ay tahanan ng maraming Pinoy na nagsusumikap para maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Kadalasan makikita sila sa mga klinika, ospital, opisina at mga restaurants dito sa kapitolyo.

Tuesday, July 8, 2014

Kuwento ni Kabayan - Danny

May mga araw dito sa Saudi na kailangan mo ng kababayan na makakausap at kakuwentuhan. At sa bawat kuwento na iyon, iyong mapapansin, na ang kanyang naranasan ay di nagkakalayo sa iyong sariling kwento. Ikaw ito kabayan!

Si Danny, di totoong pangalan
Waiter, Taga Davao 
10 months sa Saudi


Napagdesisyunan namin na lumabas at kumain sa isang restaurant. Mga 80% ng staff dito ay Pinoy. Kasama ang aking mag-ina at mag-asawang kaibigan, pinasok namin ang restaurant kung saan mayroon silang Ramadan Iftar promo na 59 riyals kada tao sa isang set ng appetizer, soup, salad, main dish, at bottomless drinks.


Kunafa - ay isang pagkain na yari sa cheese at cream. Hinahanda tuwing dinadaos ang Ramadan, ngunit dahil sa kakaibang sarap, mabibili mo rin ito sa mga bakery at pastries.
Kinuha ng waiter ang aming mga order. 

At habang naghihintay, may isang waiter ang nagbigay sa isang taon kong anak ng krayola at coloring book kahit di pa ito marunong magkulay. Sinubo pa nga ng anak ko ang krayola! Ganito talaga dito sa Saudi, may token ang mga bata kapag pumasok sa mga kainan o tindahan. Pinapahalagahan nila ang presensiya ng isang bata sa kanilang mga negosyo. Naging practice na nila ito. 

Ilang minuto pa, bumalik ulit ang waiter at binigyan ang anak ko ng lobo. Hindi lang isa kundi anim na makukulay na lobo na nakabugkos.

Masaya ang talakan ng magkaibigan lalo na sa harap ng pagkain. May kuwentuhan, kaunting tawanan at siyempre di rin ligtas sa eksena ang anak ko. Umaaksiyon kasi siya kapag kinakanta ng mommy niya ang "Incy Wincy Spider". Nagpapakitang gilas.

Sa aming kasayahan, may mga mata palang nagmamasid sa amin. Nalaman namin ito noong hinatid ng waiter ang pasta na huling hinanda. Nakalimutan yata! Siya iyong waiter na nagbigay ng token sa anak ko.

"Ilang taon na po siya?", itinatanong ng waiter ang edad ng anak ko.

"One year, and four months", sagot ni Misis.

Makikita sa kanyang mukha ang pananabik. "Ang anak ko nine months pa lang. Kakalibing niya lang last week....."

"May sakit siya sa baga... komplikasyon pa simula noong isinilang siya...Isang buwan din siyang nasa hospital. Hindi ako nakauwi dahil bago pa lang ako dito. After 2 years pa kasi kami makakauwi dahil sa kontrata...Pumayag naman yong boss namin na umuwi ako kaso sagot ko ang gastusin.. Mahal kasi ang pamasahe sa eroplano at iyong mga dokumento pang kakailanganin... Kapag umuwi ako, malulubog ako sa utang at di rin ako sigurado kung may babalikan pa akong trabaho..." 

"Naiintindihan naman ng amo ko ang pakiramdam ko kaya hindi ako pinatrabaho ng isang linggo dahil di ako makapagconcentrate ..." Salaysay niya habang namumugto ang mga mata dahil halatang pinipigilan ang pag-iyak.

Hindi tumagal ang usapan namin dahil kailangan niya pang bumalik sa kusina. At habang inuubos namin ang pagkain, nahuhuli namin ang waiter na titig na titig sa anak ko na nakaupo sa high chair. Naiiyak.

Kahit kami di rin mapigilan na madala sa emosyon niya. Hindi lamang dahil isa siyang OFW, kundi dahil pareho kaming mga magulang. Mahal ko ang sarili  ko noong binata pa ako. Ngunit sa ngayon, mas mahal ko ang anak ko kaysa sa sarili ko. Ang mawalay sa pamilya ay sobra nang pahirap. At sa kaso naman niya ay sobrang sakit. Isinilang ang una niyang anak at inilibing na hindi niya man lang nakarga at nayakap.

Salamat kabayan sa pagbahagi ng iyong buhay. Alam ko, kailangan mo iyan para gumaan ang iyong pakiramdam. Ang ipinakita mong katibayan ay nagsisilbing inspirasyon sa aming mag-asawa. Namatayan ka man ng anak ay isa ka pa ring dakilang ama. Hindi mo man sinasabi, alam ko, sinubukan mo siyang isalba. Marahil iyan ang dahilan mo kaya nandito ka ngayon sa Saudi.

Saludo ako sa iyo Kabayan!

Sunday, June 29, 2014

We're Closed on Ramadan

Opisyal na nagsimula ang sagradong buwan ng Ramadan sa taong  2014.

Muli't muli ang paalala ng mga opisyal ng bansa at ng mga embahada sa mga expat na nakatira dito sa Saudi. Katulad ng dating kinagawian, walang kakain o iinom sa pampublikong lugar.

At dahil walang pagkain sa araw, pansamantalang nagbago ang schedule ng mga establishments dito tulad ng hospital, bangko, at malls. Maraming tindahan ang sarado tuwing araw at nagbubukas lamang tuwing gabi, lalo na iyong ang serbisyo ay pagkain.

Ito ang schedule ng Dhahran Mall. Pansining mabuti ang schedule dahil baka ang nakagawiang oras ng iyong paggala ay nakasarado pala.

Mall of Dharhan - a shopping paradise in eastern region. One of the largest mall in Saudi Arabia.

Tuesday, June 10, 2014

Ipon mula sa Remittance Charges

Ang OFW ay parang isang cell site. Malayo man kami ay konektado pa rin lalo na kapag may nangangailangang pinansyal. Kami ang nagbibigay ng dagdag signal sa mga kapamilya namin para makaahon at malusutan ang  hirap ng buhay. Hindi maiwasan na ang iilan sa amin ay magreklamo. Pero sa totoo lang, dala lang iyon ng matinding pagod at pananabik sa pamilya. May naririnig nga silang mga salita sa amin pero humuhugot naman ang isang kamay para tumulong . Hindi matitiis ng isang OFW ang laging lumingon sa kanyang pamilyang naiwan lalo na kung siya lang ang may kakayahan at tanging pag-asa para maresolba ang problema.


Dalawa o higit pang accounts sa bangko. Ganyan kayaman sa mga bank accounts  ang isang pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa. Dito napupunta ang sahod bilang remittance.

Pero nagkakamali kayo kung iisipin niyong nag-iisa lang ang nagmamay-ari niyan. Marami at iba iba ang may-ari ng mga accounts. Minsan nga, iyong mismong OFW ay walang sariling bank account.

Ito ang mga laman ng aking remittance card. Kadalasan, ganito din ang nasa card ng karamihang OFW.

OFW Savings Account - para sa sariling ipon at panggastos tuwing magbakasyon.

Wife's Savings Account - para sa  ipon at gastusin ng pamilya. At para sa akin, dahil kasama ko ang pamilya ko dito, naging pure savings na lang ito.

Parents' Savings Account - may fixed amount sila sa sahod ko. Kahit di sila humingi, pinaglalaanan ko sila ng bahagi.

Kapamilya Savings Accounts - Para sa mga estudyanteng sinusuportahan at iba pang bagay. Bakit lalapit pa sa ibang tao, kung kaya namang tulungan. Ang pagtutulungan ay dapat magsimula sa sariling pamilya.

Sa tuwing araw ng sahod, apat na accounts ang dapat paglagakan ko ng aking sahod. At sa bawat account na padadalhan ng pera, katumbas nito ay ang pagtapyas ng bahagi nito dahil sa remittance charges, ang pabago-bagong palitan ng peso sa dolyar at minsan ang mga bank transfer charges sa Pilipinas. At sa remittance center na naging suki ako ay 16 riyals ang bawat transaction. Dito pa lang ay bawas na ito ng 64 riyals na  babayaran bilang transaction charges sa apat na account.

NAKATIPID AKO!
Paalala: Hindi ito promosyon.

Matagal nang sistema  ang fund transfer service ng BPI ( Bank of the Philippine Islands) pero ngayon ko lang ito nagawa.  Ang BPI fund transfer ay ang paglipat ng amount ng pera sa naenrol na third party accounts ng mabilis at libre. Dapat nakaenrol ang savings account para maging "online sa internet" para magawa ang proseso. At dahil mas masinop si Misis kaysa sa akin, ito ang mga naging diskarte namin.

Ang kanyang savings account ang naging Master Account. Pinaenrol niya bilang third party ang aking savings account at Parents' Savings Account. Ang kapamilya naming sinusuportahan sa pag-aaral ay pinaopen din ng account sa BPI at inenrol din. Sa madaling salita, tuwing araw ng sahod, nagreremit lamang ako sa isang account at iyon ay ang Master Account. At mula sa Master Account ay ididistribute na sila sa mga third party accounts nang libre, madali at mabilis.

Nakatipid ako ng 48 riyals o humigit kumulang P500 pesos at higit pa mula sa remittance charges.


Sunday, June 1, 2014

Biktimang Protektado

"Domestic Helper na minaltrato at Pinoy na ginahasa". 

Hindi ito bago. Unang dating ko pa lang sa Saudi ay mayroon ng ganyang mga kaso. At dahil sa malakas ang social media sa ngayon ay lalo pa itong napag-uusapan.Sana lang, ito ay mabigyan ng solusyon ng gobyerno at huwag nang maulit pa.

Al-Dawaah Guidance Center - dito kadalasang pumupunta ang mga expat na may mga problema. Sila ang pansamantalang nagpoprotekta at nagdadala sa mga biktima sa kani-kanilang embassy.
Ang mga pangyayari ay nag-iiwan ng mga leksyon. Sanay maging alisto at mapagmatyag tayo katulad ng Matanglawin ni Kuya Kim. Ito'y para maiwasan na maging biktima o ang susunod na target ng masasamang tao.

1. Laging dalhin ang iqama kahit saan magpunta (kahit magtapon lang ng basura sa labasan). Nagkakaroon ng dahilan ang isang pulis na manghuli lalo na kung walang maipakitang iqama. Ayos lang ito kung totoong pulis ang makahuli. Ang bansang ito ay hindi perpekto. Marami ring masasamang loob dito.

2. Huwag magpakita ng motibo para paghinalaang bading. Sa kilos, pananalita at pananamit.

3. Iwasan ang agaw-pansin looks. Ang pagiging modelo, fashionista o pagsuot ng matitingkad na kulay ng damit ay hindi angkop sa lugar na ito. Masyado kasi itong pansinin lalo na't majority ng kulay dito ay puti at dark colored na damit.

4. Lumabas ng magkagrupo lalo na kung hindi mo naman kabisado ang lugar. Iwasan ang gumala nang nag-iisa lalo na sa gabi. At kapag lumabas laging panatilihin na may load ang celphone para may matawagan sa tuwing may problema.

5. Magpatubo ng balbas o kahit ilang piraso lang ng buhok sa mukha. Ilang henerasyon na ang pinoy dito sa Saudi at lahat na nanggaling dito ay ito ang ipinapayo.

6. Makipagkaibigan kahit sa isang lokal lang. Sa oras ng pangangailangan at kapag siya ay iyong tinawagan, siguradong matutulungan ka.

7. Magbasa ng mga libro tungkol sa Islam. Nagagamit ang mga natutunan mga bagay kapag naiisahan ka. Kapag alam mong nasa tama ka, banggittin ang "Haram" o bawal iyan sabi ni Allah.

8. At higit sa lahat, sumunod po tayo sa patakaran at batas ng Saudi. Huwag nang ipilit ang bawal (please lang..) Hanap natin ay trabaho para makatulong sa pamilya at sa bansa kaya huwag tayong gumawa ng isang bagay na ikakasira ng sarili at ng mga kababayan natin.

Sa loob ng mahigit limang taon ko sa Saudi, ilang beses na rin akong nahipuan sa puwetan. Ilang beses na rin akong tinawag para sumakay sa kotse. Di ko alam kung ano ang gusto. Naranasan ko ring dinuro-duro ng isang lokal at muntik ko nang mabali yong hintuturo niya. Minsan ang sarap manapak, kaso ang pikon sa lugar na ito ay talo! Ganunpaman, masasabi kong mas ligtas pa ring tumira sa Saudi kung ikumpara sa Pilipinas. Kakaunti lang kasi ang naitalang krimen at respetado ang pamilya dito.

Ang sinapit ng ating mga kababayan ay kagagawan ng iilang masasamang loob na mga lokal at ng ibang mga dayuhan dito kaya huwag nating lahatin ang sitwasyon. May masamang tao talaga kahit saang lugar ka mapadpad.

Sana makuha ng ating mga kababayan ang hustisya sa kanilang mga sinapit.

Friday, May 16, 2014

Mga Hakbang para Maiwasan si MERS-CoV

Minsan nakakapagtaka. Sa ganitong panahon, ng makabagong teknolohiya, nadidiskubre pa ang mga ganitong klase ng sakit na dapat ay immune na tayo. Kung kailan may nakaimbento na ng gamot para lunasan ang isang malubhang karamdaman, e heto na naman. May bago na namang sakit na bigla na lang lumitaw. Kumbaga, para lang siyang kabute na biglang sumulpot at hinahanap pa ngayon ang kanyang orihinal na pinagmulan.

Brochure from www.moh.gov.sa

Si Middle East Respiratory Syndrome - Corona Virus ( MERS-CoV) ang pangunahing pinaglalaanan ng pansin ng Health Ministry dito sa Saudi Arabia sa ngayon. Mula sa aming company clinic, newspapers, at maging ang embahada ng Pilipinas ay nagpakalat ng mga preventive guidelines para iwasan ang kriminal na ito na pumatay na ng ilang tao.

At bilang isang indibidwal na nagtatrabaho sa bansang ito, ilalatag ko rin ang aking sariling prevention kit lalo pa't di ko pa masyadong kilala itong si MERS-CoV. Mahirap na ang mahawaan lalo pa't kasama ko ang pamilya ko dito.

1. Iwasan muna ang paggala at lumabas lalo na tuwing biyernes kung kailan di-mahulugang karayom ang mga daan sa dami ng tao tuwing weekend. Dedma muna sa mga walang katapusang weekend sale! Baka kasi isa sa makakabanggaan ng siko ay si MERS-CoV.

2. Iwasan muna ang pagbisita sa mga ospital kung di naman kailangan. Ang mga biktima ng virus na ito ay kadalasang nagtatrabaho sa hospital. Dito kasi si mahiyaing MERS-CoV nakikilala kaya nagwawala at nanghahawa.

3. Sa mga OFW na nagtatrabaho sa sales, at  iyong kailangan sa trabaho na kausapin ang iba't ibang tao, ay maiging gumamit ng protected masks. Hindi lang ang virus ang maiwasan kundi kasama rin ang ibang masamang hangin.

4. Pataasin ang immunity booster. Kumain kaya ng gulay at prutas, at uminom ng maraming tubig.

5. Panatilihin ang kaayusan ng personal hygiene. Nasa sarili na iyon kung paano tayo maglinis. May ibang tao kasi na sakitin kapag sobrang malinis sa katawan.

6. Iwasan ang mga kaklase ni MERS-CoV na sina sipon, ubo, at lagnat. Pinigang katas ng lemon at luya na pinakuluan sa tubig ang mainam na panlaban sa kanila. Kapag nararamdaman na paparating pa lang sila, unahan na kaagad ng isang baso ng lemon/ginger drink.

7. Ayon sa Ministry of Health, iwasan muna ang pakikipag-eye ball sa mga camels. Sa kanilang pagsusuri, ang virus raw ay nabubuhay sa respiratory ng camel (Alriyadh News). Kaya kung maari ay iwasan muna pansamantala ang karne at gatas ng camel hanggat hindi pa kumpirmado ang kanilang ginagawang pag-aaral. "Uncooked camel meat and raw camel milk are potentially harmful and could harbour the virus".

Ang bawat sakit ay may siguradong lunas. Sigurado ang mundo ay makakaraos mula sa pagsubok na ito.


Friday, May 9, 2014

Ang Tawag sa mga Pinoy

"Sadik" ang tawag ng mga lokal sa mga expat na kausap.

"Filibini" ang tawag ng mga lokal sa mga pinoy.

"Pare" ang tawag sa mga pinoy ng mga business minded na mga lokal at expat tulad ng mga taxi driver at tindero.

"Suki" ang tawag nila sa pinoy na kustomer kahit di naman bumibili.

"Kabayan" ang tawag ng pinoy sa kapwa pinoy na hindi kakilala at nakasalubong sa daan.

"Brother" ang tawag sa pinoy ng isang babae na hindi pinay.

"Kuya" ang tawag sa pinoy ng isang pinay kahit minsan mas matanda pa ang babae.


"Kuya, may I have your insurance card?", tawag sa akin ng Saudi receptionist sa isang dental clinic nang bumisita ako. Ayos lang, mukhang mas bata naman sa akin ang kausap kong nakatago sa "niqab" at mata lang ang nakikita.

"Open your mouth kuya", sabi sa akin ng Sudanese dentist. Halata namang mas matanda pa kaysa sa akin. Ganunpaman, masaya ako hindi lang dahil tinawag niya ako sa wikang hindi niya kabisado. Inayos at binalik niya ang mga ngiti ko.

Ito ang ilan sa mga salitang itinuturo at nakukuha ng mga ibang lahi sa mga katrabaho nilang mga Pinoy. 


Friday, April 25, 2014

Kumikitang Asset ng isang Abroad

Sa gitna ng trabaho lalo na kapag araw ng suweldo, may mga sandali na napag-uusapan naming mga Pinoy ang SAHOD at INVESTMENT.

Sa isang ordinaryong OFW, nakakabulol sagutin ang mga tanong tungkol sa INVESTMENT. Napabuntong hininga ng malalim at nauubo lalo na kapag wala pa talagang mabanggit na kabuhayan na mula sa katas ng pagtatrabaho sa ibang bansa.

Investment - ay asset o bagay na nabili na nagkakaroon ng karagdagang kita o tumataas ang halaga habang tumatagal.

Para sa aming nasa Saudi, mahalaga ang bawat pera na aming kinikita. Dahil hindi lang naman ito basta lang pera na natatanggap namin bilang sahod. Nakapaloob dito ang lahat ng mga bagay na kinalimutan pansamantala. Sine, alak, night life, litsong baboy, at lahat ng ipinagbabawal sa bansang ito. Kumbaga, trabaho lang muna at sa susunod na ang pagliliwaliw. May oras para sa pagsasaya at habang nasa Saudi, trabaho muna ang prayoridad.

Lupa, bahay at sasakyan. Ito ang mga unang mga properties na nagkakaroon ang mga nangingibang bayan. Subalit ang mga assets na ito ay masasabing patay o DEAD INVESTMENT dahil hindi naman kumikita maliban na lang kapag ito'y ibinenta o ginawang isang kabuhayan.

PAGTITINDA - ito ang pinakaunang investment na aking sinusugalan sa unang mga taon ko bilang isang OFW. Madali lang kasi ang pagset-up at sa halagang P5,000 ay makakaumpisa na. Kahit nasa loob lang muna ng bahay ay puwede ito hanggat alam ng mga kapitbahay o ng mga tao.

Mula sa simpleng tindahan ay maaring maging "sari-sari store" o lumago pa depende sa humahawak ng management nito. Hindi masyadong malaki ang kinikita ng tindahan pero ang mahalaga ay matutugunan ang pang araw-araw na pangangailangan ng isang tahanan na hindi inaalala kung saan kukuha ng gagastusin.

Ang tindahan kapag lumago, naging "sari-sari" store. At kapag hindi, naging "sara-sara" store.
PASADA - pangalawa sa mga humaharurot na asset depende sa lugar na tinitirhan ng isang OFW. Bawat bayan kasi sa atin ay may sariling istilo ng transportasyon. Katulad ng isa kong kasamahan na nasa Cavite, napagtiyagaan niya ang nabiling mini-bus at kinuhanan ng franchise. Kaya ngayon, humaharurot ang kanyang mga bus sa kalsada ng Cavite City.

Traysikel, jeepney, multicab hanggang sa bus ay kayang-kaya itong bilhin ng isang OFW. At sa mga nasa bulubundukin nakatira katulad ko, na tanging "habal-habal" o "skylab" ang pumapasada, ay namuhunan din ako. Ngunit hindi rin siya ganoon kalakas dahil sa dami ng kumpetisyon. Ang pagpapasada ay mainam kung nasa bayan o siyudad.

Ang traysikel na ito ay kayang magbiyahe sakay ang siyam na pasahero.
SUGAL - maraming OFW ang nahihimok na mag-invest sa stock market at manukan. Ito kasi ang aking naririnig sa mga pinoy na aking nakakasalamuha. Mangilan-ngilan rin silang humihikayat sa akin, kaso takot lang talaga ako.

"Ang stock market, isang sugal?". Sa katunayan, galing sa mga Indian kong kasamahan na mga stock holders ang salitang sugal sa stock market. Kung hindi kabisado ay huwag nang pasukin. Ngunit marami ang mga OFW na pinapasok ang stock market lalo na iyong mahilig magbasa ng dyaryo at sumilip sa FOREX at stock exchange.

Manukan, ito iyong asset na pinag-uusapan ng mga OFW na may kinahihiligan. Hindi iyong pag-aalaga nung broiler chicks, kundi iyong rooster chicks na panabong (derby). Nakakatuwa na malaki pala ang kinikita ng mga OFW na may sabungan este iyong may farm ng ganitong klase ng manok.

Buy and Sell method ng Stock Market. Larawan mula sa Google.
PALAYAN - ito ang investment na aking pinasok at pinagkakaabalahan sa kasalukuyan. Gusto ko rin itong pagyamanin dahil unti-unting humihina ang ating agrikultura. At kung sakaling naisangla ng isang OFW ang mga lupain noon para matugunan ang pangangailangan para lamang makapag-abroad, ito na ang pagkakataon para ito ay mabawi at muling buhayin. Malaki ang kita sa pagsasaka kung may nakalaang budget para lamang dito.

Mainam ang ganitong investment dahil malayo ang taggutom. May kita ka na, sigurado pang may kakainin ang pamilyang naiwan sa Pinas. Mas malawak na bukirin, mas malaki ang kita.

Ang palay ay inaani pagkatapos ng tatlo hanggang apat na buwan depende sa variety nito.
PAUPAHAN - Isang halimbawa dito sa Saudi kung saan malaki ang kinikita ng mga real estates sa mga apartment na for rent. At sa ibang OFW, ang bahagi ng sariling bahay ay ginagawang kuwarto para paupahan lalo na iyong may malawak na lote at malaking bahay.

Kung palayan ang naiisip namin na nasa probinsiya, paupahan naman ang mga nasa siyudad. At sa mga OFW na medyo nakapag-ipon na ay nagagawa nila ito. Sa pagbili ng lupa ay kaagad pinapatayuan ng apartment o boarding house. Sa ganitong paraan, kumikita ang lupa at unti-unting bumabalik ang puhunan.

Sa Pinas, duplex o triplex ang kalimitang apartment. Sa Saudi ay parang condo style.
Kapag may mga ganitong kabuhayan ang isang OFW, siguradong mabubuhay ang pamilyang naiwan na hindi inaabangan ang araw kung kailan magpapadala ng pera ang OFW na miyembro ng pamilya. At kapag lumago, baka sakaling maisip na rin ng isang OFW na di na muling umalis pa.

Tuesday, April 15, 2014

Holy-Holidays

Nagsisimula na ang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Nandiyan na ang mga kulay pulang numero sa kalendaryo na nagpapahiwatig ng walang pasok o di kaya ay double pay sa mga magtatrabaho.

Ang mga holiday galores sa Pilipinas ay minsan hindi namamalayan. Nandiyan iyong tipong magugulat na lang kung bakit may nagbago sa mga programa ng TFC. Inulit ang episode ng Kris TV kanina at nagdrama ang It's Showtime. Malalaman lamang ang dahilan kapag napanuod na ang TV Patrol.

Sa mga nagtatrabaho, hindi napapansin ang bilis ng mga araw pero siguradong ang rason kung bakit may pagdiriwang ay hindi kinakalimutan.

Saudi has only one official holiday and that is on every 23rd of September. After end of Ramadan and Hajj, a total of ten days are officially celebrated but the date declaration is not fixed depending on the moon's position.
At dahil Holy Week ngayon, kasama sa pagninilay-nilay ay ang paghahanda ng mga pagkaing karaniwang makikita tuwing semana santa. Isa na diyan ang masarap na ginataan.

At sa paghahanap ng sangkap, nagulat ako sa aking nalaman.

Mahal.........mahal........mahal...........

Mahal na pala ang saging SABA. Kelan pa?

Hindi uso ang paghingi ng resibo sa tuwing bumibili, kaya tinandaang maigi ang presyo.


Monday, April 7, 2014

Driving in Saudi: Yes or No

If you're a woman working in Saudi Arabia, this post is not for you. Women are not allowed to drive cars in this country.

However guy expatriates, who are not driver in profession but having a family iqama like me have the benefit of owning a car. But driving in Saudi is the most critical decision that I would possibly make. So I'm writing this post in english, so comments and suggestions from other nationalities working in the kingdom will be freely recognized .


Yes to Driving!
There are so many advantages why an expatriate must drive a car here in Saudi Arabia.

1. Saudi Arabia has the cheapest petrol. The premium diesel fueling a car is only 0.45 riyals per liter or around six pesos in Philippines. Just imagine how many kilometers a car could run at 15 riyals full tank. Maybe more than a week. The whole world fuel prices are increasing but Saudi Arabia and other Gulf countries kept their fuel prices low.

2. Having the cheapest petrol, Saudi Arabia also has the cheapest car sale and car rental. Without a down payment and monthly installment plan for as low as 600 riyals, you can have your brand new car. Or you can rent a car for 90-100 riyals for 24 hours.

3. Public transportation is not available in some cities. So driving an own car is necessary. However, if you have contacts to legitimate taxis (only few), then this will not be a problem.

4. The country has good and excellent widened highways. The well managed roads are mostly four to six lanes, one way route.

5. Well, the country has the best technology in terms of managing and controlling traffic. They recently introduced the system (called SAHER) for generating charges & fines and inquiries purposes. Once captured by their camera, immediately they will send SMS on violator's registered mobile. The violator can settle his penalties at home at his convenience. One must be registered in www.moi.gov.sa to have a complete access.

No to Driving!
Saudi Arabia has no good record in term of driving.

1. The highest accident rates brought by driving was recorded here in Saudi Arabia. I witnessed some of them and Mr. Google knows it! The high standard highways gave not only comfort but made the driver unnoticed that he exceeded the car's speed limit.

2. Fuel is low but violation fines are extremely high. There are traffic cameras situated on highways and only veteran drivers know well the location. Exceeding speed limit captured by a camera costs 300 riyals. How much it would be if you caught by other cameras in same highway? There are more expensive fines than this.

3. There are problems that might be encountered along the road. And waiting for a "Good Samaritan", is not common in here. I must handle the troubleshooting first before calling help from known friends.

4. Driving here would exposed me to Saudi strict law. Accident is uncontrollable and everyone knew that the punishment for death is only death.

5. Nowadays, there are so many expatriates in Saudi due to industrial expansions. As benefit competition between companies, some provided cars to their employees. Salaries also adjusted in such a way that an ordinary employee could avail luxuries. Parking spaces in the cities are also in competition. What is then the used of having a car if it was parked very far from the door step?

6.  In between traffic trouble, traffic officer will not speak nor understand english. So sometimes, explanations brought more troubles. I remembered a friend complaints because he was once caught on the road, "There are so many expat in Saudi, traffic police should know international language.". He was then replied by a guy, "My friend, we're not in London or America.". A reminder that this is an Arabic speaking country.

Driving, I'm thinking of it!


Saturday, March 29, 2014

Education for the next Generation

Ilang araw na lang, magpapaalam na ang buwan ng Marso.

Graduation day...isang araw ng kasayahan at kalungkutan. Nakakarelate, dahil napagdaanan din naman yan. Ilang graduation ba ang ipinagdaanan mula kinder hanggang kolehiyo.


Ang pagtatapos sa eskuwelahan ay ang inaasam-asam ng bawat estudyante at pinapangarap ng isang magulang para kanyang mga anak. Ang pagtatapos din ang nagsisilbing inspirasyon ko noong nasa elementarya pa. Papasok ng walang baon, paulit -ulit ang ulam na tuyo, at pabalik-balik ang suot na uniporme. Matatapos ang hirap kapag nakamartsa na. Ngunit ang lahat ng ito ay balewala dahil ang mga batang lumaki sa hirap ay masigasig mag-aral hanggang sa makapagtapos. Dala ang paniniwala na ang edukasyon ang mag-aalis sa amin sa kahirapan.

Nang sinapit ang high school, naulit muli ang dinanas. Hanggang sa nakuha ang kursong hindi naman pinangarap ngunit sadyang ibinigay dahil walang pagpipilian. Ikaw ba naman ang papipiliin sa dalawa: kursong di mo gusto o walang kurso!

Mabuti na lamang hindi ako naniwala na pagkatapos ng graduation ay gaganda na ang buhay. Mali ang pananaw na iyan. Dahil pagkatapos ng kolehiyo, paghahanap sa trabaho na naman ang kailangan suungin. Makikipagkumpetensiya para makahanap ng magandang kumpanya. Makatanggap lamang ng sahod para hindi na humingi at umasa pa sa magulang.

Para sa akin, ang pagiging matagumpay ng isang tao ay hindi nakukuha sa taas ng pinag-aralan o mamahaling eskuwelahan. Ang tagumpay ay kung masaya ka sa buhay sa kabila ng propesyon at trabaho. At ang sinasabing trabaho, ay matutunan mo naman ito kahit hindi ka nag-aral sa isang eskuwelahan. Kailangan lang talaga ito dahil kasama ang educational attainment sa qualification. Maliban na lang kung career profession ang gusto tulad ng abogado at doktor. Dahil ang work attitude at ethics naman ay nasa sarili at hindi galing sa mga teacher. At hindi lahat ng tao na nakapag-aral ay matagumpay dahil ang iba diyan ay magagaling na businessman kahit di nakapagtapos ng elementarya.

Ganunpaman, sa kasalukuyang panahon kailangan ng isang individual na maging competitive na tanging sa paaralan lamang natututunan. Mas mataas ang magiging market value ng sarili kapag nakapag-aral. "Education is the key to Success", wika nga.

At sa kabila ng pag-usbong ng mga teknolohiya, (facebook, cellphone), may ibang mga kabataan na nanatiling salat sa buhay. At katulad ko rin dati, sila ay naniniwala na ang edukasyon ang babago sa antas ng pamumuhay.


Sa eskuwelahang ito, dito ako natutong magsulat ng ibang titik maliban sa pangalan ko na itinuro ng mga nakakatanda kong kapatid. Dito ko rin nalaman na may numero pa pala pagkatapos ng 10 dahil yon lang ang natutunan ko sa bahay. At sa eskuwelahan na ito, nililingon ko ang napakaraming alaala ng aking kabataan.

Hindi maitatanggi na may naimbag ang paaralang ito sa antas ng pagbabago sa buhay ko. Hindi ko pa masasabing isa na akong matagumpay na tao dahil may mga gustong bagay pa ako na di ko pa kayang abutin. Kaya sa susunod na pasukan, tutulungan ko ang aking mga kabarangay para sa kanilang "kusang loob" na aktibidad. Sa ganitong paraan ay unti-unti kong masuklian ang naibigay ng paaralan sa paghubog ng aking sarili.

Isang pampubliko ang paaralan at di naman kalakihan ang babayaran ngunit dahil sa hirap ng buhay, kahit bente pesos na bayarin ay napakalaking isyu na tuwing pag-uusapan.

Hindi lamang isa, kundi 20 mag-aaral ang madadagdag sa mga estudyanteng walang babayaran na miscellaneous. Idadagdag sila sa mga estudyanteng tinutustusan na ng mga barangay officials, mga kabarangay na nakakaangat sa buhay, at mga nagtatrabahong mga indibidwal. Maraming salamat sa kanilang paniniwala na kailangan ng bawat isa na magtulungan para makapag-aral ang lahat ng mga kabataan sa aming barangay.

Gustuhin ko mang iadopt ang buong eskuwelahan pero hindi pa kaya ng sariling bulsa. Kunsabagay, wala namang imposible kung maraming tao ang tumutulong.

Ang makikita sa ibaba ay ilan lamang sa mga larawan na nakunan sa isang masaya at matagumpay na Christmas Program last December 2013 in Malayan Elementary School.






Friday, March 14, 2014

Dilaw na Buhangin

Tuwing ako'y napapadaan sa bahagi ng disyertong ito, palaisipan pa rin sa akin kung papaano tumubo ang mga halaman sa buhanginan. Isang ordinaryong tanim na napadpad sa isang hindi ordinaryong lupain.


Ito ang mga bulaklak na sumisibol tuwing panahon ng taglamig dito sa disyerto. Animo'y maliliit na sunflower. Ang kanilang paglitaw sa kalbong buhanginan at walang humpay na pamumukadkad ay nagpapahiwatig ng magandang panahon at klima. Sila ang nagpapasigla at nagbibigay ng kakaibang kulay sa aking mga mata dito sa disyerto.

Kung ang bawat puno na aking nakikita ay napapaligiran ng water hose, sila naman ay wala. Ang langit na mismo ang kusang nagdidilig sa kabila ng pag-iwas ng ulan. Kung kailan nangyayari ang pagdidilig, iyan ang hindi ko alam.

Ang kanilang pananatili ay may hangganan. Kaya sa loob ng ilang buwan, nanatili ang berdeng dahon at hitik na mga bulaklak. Kumbaga, sa maiksing panahon na iyon, binibigay nila ang pinaka "best" nila. Buhay na buhay ang disyerto na parang isang hardin.


Ilang linggo na lang mawawala na sila. Kung dati, punong-puno sila sa espasyo na ito, ngayon may mga bakante na. Hindi na rin bumabalik ang kanilang mga dahon sa tuwing ito'y nalalagas. Mawawala na ulit sila sa aking paningin pansamantala. Alam ko, tutubo ulit sila pagdating ng araw.

Katulad sa aming mga OFW. Ang aming pangingibang-bayan ay di pangmatagalan. Darating din ang araw na kami'y babalik kasama ang pinangarap na pagbabago. Katulad ng bagong sibol na bulaklak, mamumukadkad ng matagumpay. Patnubayan sana kami ng Maykapal.

Monday, March 3, 2014

Ekslusibong Festival sa Saudi

Sa pagkakaalam ng lahat, ang Saudi ay isang disyerto. Pero may mga nakatagong lugar  na tila babago sa ating kaisipan kapag sinasabi natin ang disyerto.

Napuntahan sa unang pagkakataon ang Gardens and Plants Festival. Ito ay tumatagal ng ilang linggo na dinadaluhan pa ng ibang bansa. Ngayong taon, sumali ang Bahrain at United Arab Emirates. Maraming pakulo ang nasa loob ng compound. Nasa bungad pa lang ay nakabalandra na ang mga Saudi police. At sa mismong gate ng compund ay may grupo ulit ng mga police na nagbabantay. Pero hindi katulad ng Pinas, hindi kinakapkapan ang bawat pumapasok. Hanggang tingin at nagmamasid lamang sila.

Mula sa gate ay para lang dumadalo sa OSCAR Awards dahil sa malawak na red carpet.







Parang cabbage..
Maliban sa mga flowershops (dahil nga flower festival), may mga kainan, souvenir shops, petshops, at palaruan para sa mga bata. Majority din ang kulay itim dahil halos malula ka sa maraming kababaihan na nakatalukbong ng abaya.

Hindi rin masyadong strikto kapag kumuha ng larawan. Ganunpaman, maingat pa rin ako sa mga larawan na gagamitin ko sa post na ito.

At kahit matatawag itong festival, hindi lahat ay puwedeng pumasok para masilayan ang ganda ng lugar. Exlusive lamang ito sa mga kababaihan at pamilyadong tao.

Kaya ang asawa at anak ko ang naging tiket ko para mapasok ang ekslusibong lugar na ito.
North Fanateer Family Area, Jubail