Wednesday, December 18, 2013

MAM Awards 2013 Experience

Maagang nagising kahit nasa bakasyon. Isang mahalagang araw kasi para sa blog na ito.

Maliwanag pa ang buwan nang lisanin ko ang bayan ng Mlang,North Cotabato para habulin ang flight sa Davao. Kailangan kung abutan ang awarding ceremony ng Migration Advocacy and Media (MAM) Awards sa Quezon City.

Mag ala-una ng hapon nang lumapag ang eroplanong sinakyan ko sa Manila. Pagkafinal park ng eroplano, nagmadali na kaagad akong lumabas diretso sa sakayan dahil wala naman akong check-in baggage. (Pumunta lang talaga ako sa Manila para kuhanin ang award!).

Migration Advocacy and Media Awards 2013
Larawan mula sa www.cfo.gov.ph
SIKSIKAN. Walang nakatambay na taxi sa terminal 3. Iisa lamang ang available na public transpo, ang airport bus. Dahil naghahabol sa oras, sumakay na ako rito. Sobrang sikip sa loob dahil halos lahat ng pasahero mula sa airport ay sumakay dito. Sa gitna ng init at trapik, nalampasan ko rin ang eksenang ito.
Narating ko ang Taft station sa Pasay. Sa halip na sumakay ng MRT papuntang Quezon, hinanap ko ang SHOGUN Hotel para magrefresh. Naligaw pa ako dahil sa kabilang eskinita ako pumunta. Dinaanan ko ang overpass na sobrang sikip din. Di maiwasan na magbanggaan ang mga tao dahil halos naoccupy na ng mga nagtitinda ang pathway ng overpass.
Nakita ko ang hotel, nagcheck-in. Pasado alas dos na. Naghilamos at nagbihis dahil ayos nakapambahay ako. Kailangan ko ring magmukhang tao sa awarding ceremony!
Pagkatapos ng 30 minutos, ako'y nakahanda na. Kinuha ang ballpen at kapirasong papel. At habang naglalakad papuntang MRT station ay binubuo sa isipan ang acceptance speech na gagawin. Ngunit ito'y nakalimutan nang ang MRT ay animo'y naging lata ng sardinas. Mas ayos pa nga ang sardinas, at kahit paano'y may maaalog pa. Mas dumami yata ang tao sa Manila sa sobrang sikip. Halos di na masara ang pintuan dahil sa siksikan. Ang MRT lang kasi ang alam kong pinakamabilis na masasakyan mula sa Pasay papuntang Quezon City.

SSS Hall, Quezon City. Narating ko rin sa wakas ang SSS building. Alas kuwatro ng hapon. Sa registration area, hinanap ko kaagad si Ms. Reina at Ms. KC ng CFO. Agad naman nila akong inalalayan para makahanap ng upuan sa loob ng venue. Hindi pa nagsisimula ang awarding dahil may ibang programa pa ang patuloy na isinasagawa.

Kabado ako. Di ko pa kasi nabubuo ang acceptance speech ko. Dahil sa totoo lang, di ko talaga alam ang sasabihin ko. Nagsipagdatingan na rin ang mga media at ang ibang mga nanalo.

Alas singko ng hapon, nagsimula na ang programa. Tinawag na ang unang pinarangalan. Itinago ko ang hawak kong ballpen at papel nang nagsimula siyang magsalita para sa kanyang 2-minute acceptance speech. Ganoon pala ang dapat maging speech. Walang dalang papel, hindi memoryado. Effortless, dahil galing sa puso ang speech niya.

Masasabi kong, halos lahat ng mga nanalo ay nagtatrabaho bilang media men. Dahil sanay sila sa public speaking. Hindi katulad ko na tumitibok-tibok ang buong kalamnan habang nagsasalita sa mikropono noong tinawag na ang blog ko na OFW sa Disyerto. Hindi rin nawala ang kaba kaya hindi ko maalala ang naging speech ko.

Pagkatapos ng awarding, inanyayahan ako para mainterview para sa Balitang Middle East ng ABS-CBN. Lalo akong napakamot. Parang di ko kakayanin, pero nagawa ko rin. Natapos rin ang interview.

Naimbitahan din ako ng dinner pagkatapos ng awarding ceremony at kasabay ko ring kumain at kakuwentuhan ang mga media men ng ABS-CBN.

Hindi na ako tumagal pa sa venue. Bumalik na ako sa hotel para magpahinga dahil first trip ulit ang biyahe ko pauwi kinabukasan.

Sulit ang araw na ito.

Other links about MAM Awards 2013:
http://www.cfo.gov.ph
MEGAScene- a publication of Philippine Time-USA

Wednesday, November 20, 2013

OFW sa Disyerto sumali sa MAM Awards

Kamakailan lang ay may nag-imbita sa akin na isali ang blog na ito sa isang contest. Noong una, hindi ko ito masyadong sineryoso dahil hindi naman ako sigurado kung talagang angkop ba ang laman ng blog sa criteria o advocacy ng awarding group na ito. Ito ay ang MAM Awards.
________________________________________________

Migration Advocacy and Media (MAM) Awards aim to recognize the significant role of the media in the promotion and advocacy of migration and development.

Eligible for the Awards are works by any individual, government and private media outlets, institutions and practitioners in the fields of print, radio, movie and television, advertising and internet based in the Philippines and abroad. Entries must have raised public awareness on issues on Filipino migration, advocated the cause of Filipinos overseas, or/and promoted a positive image of Filipinos overseas, and migration and development.
________________________________________________

Hindi siya isang blog contest na katulad nang inaasahan ko. Ang Commission on Filipinos Overseas (www.cfo.gov.ph) ang nagbibigay kulay sa parangal na ito.

Kaya isang kaligayahan na mapansin at mapili ang blog na ito para anyayahan na sumali at mapabilang sa mga nanalo sa taunang MAM Awards. At sa lahat ng bumubuo ng ahensiya, sa mga pasimuno ng award, at mga hurado... maraming salamat po sa pagpili sa OFW sa Disyerto as BEST INTERACTIVE MEDIA (Blog).

http://www.cfo.gov.ph/


In behalf of the Migration Advocacy and Media (MAM) Awards Secretariat, this is to formally inform you that your entry was among the winners for the MAM Awards 2013.



Monday, November 18, 2013

Si Yolanda sa Barber Shop

Sa mga nagdaaang mga araw, tila yata umiikot na hindi pabor sa ating mga Pilipino ang mundo. Minsan, hindi maiwasan na mapaiyak habang pinagmamasdan sa telebisyon ang mga sinapit ng ating mga kababayan sa Kabisayaan. Ang tindi talaga ni Yolanda, na akala ng karamihan ay magwindow shopping lang. Pakending kending na dumating (ang ganda pa naman ng pangalan niya!) ngunit malupit kung humagupit. Halos sinimot niya lahat ang mga kagamitan at iniwang luhaan ang ating mga magagandang  lupain at mga taong naninirahan doon.

Tulong na, Tabang na, Tayo na, Kaon ta! A barbecue for a Cause of M'lang Doctors Hospital's employees. Photo from Summer Mei.
Nakakapanlumo na halos kumpleto na ang napagdaanang trahedya at sakuna ng bansa. Mula sa madugong banggaan ng mga sasakyan, giyera, hanggang sa lindol at bagyo. Makailang beses na bang sinubok ng tadhana ang ating katatagan?

Hindi lamang kalamidad at si Yolanda ang hinarap nating mga Pilipino. Dito sa Saudi, hinarap ng ilan nating kababayan ang repatriation. Sa paghihigpit ng gobyerno, maraming indibidwal ang hindi nakatupad sa kanilang mga pangarap. Ang suki kong barbero ay tuluyan nang umuwi dahil sa pagsunod sa patakaran ng gobyerno. Alam kong hindi pa sapat ang kanyang naipon pero wala siyang magawa. Kailangan niyang bumitaw. Sana maging masaya ang misis niya sa nabili niyang wedding ring. Nahuli ko siyang bumili sa jewelry shop. Papakasal na sila ng misis niya.

Sinilip ko din si Kuya sa kasunod na shop. Nagsosolo. Halos hindi niya maasikaso ang lahat ng kostumer niya. Wala na siyang katulong sa karenderyang pinamumunuan niya. Puro part timer kasi ang mga kasamahan niya at ito'y mahigpit na ipinagbabawal. Parang ako ang napapagod sa kakailanganing liksi ng galaw sa trabahong ito. Sapilitang kinakaya ni Kuya ang kailangang bilis mula sa pagserve ng pagkain hanggang sa pagligpit ng mga plato. Sa edad niya, subsob pa siya sa trabaho.

Napansin ko rin ang kabarkada ni Kuya at ng suki kong barbero na nakatambay sa loob ng barber shop. Panay dial sa kanyang cellphone. Pilit na kinokontak ang kanyang pamilya na nasa Maasin, Leyte. Hindi ko na tinanong kung sino ang tatawagan niya basta hawak niya sa kabilang kamay ang flight ticket niya pauwi.

Isang dagok na naman ang matinding pinagdadaanan ng ibang mga OFW. Mula sa paglisan at pag-iwan sa pamilya ng ilang taon. Tiniis ang pangungulila ng napakaraming buwan. At ngayon, uuwi upang pakalmahin ang tahanang ginulantang ni Yolanda.

Iba talaga ang alindog ni Yolanda. Ilan sa mga OFW ang napaiyak niya. Halos pangalan niya ang bukambibig ng mga tao sa loob ng barber shop at kahit sa trabaho. At halos buong mundo ay nakatutok at napapunta niya sa Pilipinas.
 
Saludo ako! Sa dami ng problemang hinaharap ng bansa, damang dama ang damayan ng mga Pilipino. Bumubuhos ang tulong mula sa mga kapwa Pilipino at kahit tagaibang bansa. Kanya kanyang diskarte para makalikom ng pondo pero iisa ang layunin. Nagkakaisa ang lahat para sa pagtayo ng bagong pag-asa. Naniniwala ako, pagsubok lang ito dahil tayong Pilipino ay lahing matatag.

"The people of the Philippines are some of the strongest, kindest people that I have ever had the opportunity to know. Each trip that I made to the Philippines, I can’t help but be amazed at the kindest that I am shown no matter where I am at there. The people have belief in family that goes far beyond anything that we do here in the states. When you speak of family in the Philippines, they speak of relatives that are 8th, 9th, and 10th cousins as though they were brother and sisters. Family to the Filipino people comes before just about everything else. Family to them is more than just a sharing of DNA, it is a way of life." - an inspiring word describing Filipinos from a person named atet.

Sama-sama, tulong-tulong. Tayong lahat ay siguradong makakabangon.

Thursday, October 31, 2013

A Warning Notice from Saudi Ministry: Raids on 4th of November


Ilang araw na lang at magtatapos na ang palugit na ibinigay sa lahat ng mga iligal na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Sana lahat ng Pinoy ay naayos na ang kanilang mga dokumento. 

Ang anunsiyong ito ay kasalukuyang kumakalat  sa lahat ng expat at lalo ko pang ikinalat dahil naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mangyayari sa Lunes, November 4, 2013. 

An Important Announcement from the Ministry of Interiors

Please read and distribute as an important announcement.

With God's help and after finalizing the first stage of deportation during which more than 190,000 aliens were deported, the second stage of deportation for the aliens whose residence is illegal will begin and it will concentrate on the following:

1. Expired residence permits (Iqamas)
2. Those working with people other than their sponsors.
3. people whose job titles in their residence permits are different fro their actual jobs.
4. People who run a commercial business either directly or indirectly for their own benefits.
5. People who work in the field of real estate, reception, security or metallic works.
6. Construction and urban workers whose ages have exceeded forty years or who suffer illness or paralysis.
7. Female housekeeper, drivers, and guards whose work with people other than their sponsors. A driver should drive his sponsor's owned vehicle and a guard should work in a building owned by his sponsor and a female housekeeper should work in a house owned by her sponsor.
8. Male and female teachers and male and female workers who work in private schools and who don't have residence permits issued by the school owner. In this case, the school will be closed and its license will be withdrawn and its owner should pay a fine. The rest of the school employees will be deported and the school will not be allowed to bring foreign workers anymore.

Moreover the following procedure will be enforced,

1. Inspection will be carried out by the Passport Department, police patrols, traffic police, and other related organizations such as the city councils, The Ministry of Labor, the Ministry of Education and other organizations.
2. There is possibility to have patrols to check houses with some female inspectors.
3. The concerned person will be deported in addition to his dependents. If one of the dependents is deported, his guardian and the rest of the dependents will be deported too.
4. Both the experiences and certificates of the individual who work in the administrative jobs will be verified and checked against their actual jobs and their salaries. Moreover, their performance will be evaluated.
5. Deporting individuals who were subject to judicial rulings even if the ruling period has ended or the ruling has been enforced or even if the convict was forgiven.
6. Deporting the expatriate who violates the traffic rules when his traffic violations exceed the allowed limit.
7. Every expatriate who didn't renew any of his expired permits or license will also be exported.

The above will be done in light of the following:

1. The inspection process will cover more than five hundred thousand buildings that are registered as organizations hiring expatriates and hiring no Saudis.
2. Fines will be as high as one hundred thousand Saudi  Riyals and the prison sentence will be as long as one year for those who hire or hide unsponsored workers.
3. The Saudi who hires or hides the unsponsored worker will pay the expenses of exporting the worker.
4. The inspection campaigns will work day and night and on all roads and neighborhoods and all over the Kingdom.
5. The campaigns will cover the hospital, the schools, the shops, the malls, the factories, the farms and other entities of different work nature and in all places including the areas around the two Holy Mosques and the schools' and mosques' surrounding.
6. The deportee's name will be listed in the black list and will not be allowed to enter the Kingdom forever.
7. The person who hides or hires an unsponsored alien will not be issued new visa for a period of time that is decided by the law.
8. Everyone who provides housing/shelter for alien who have no residence permits will be considered as violating the rules and the laws in this regard will be applied as per each situation.
9. The campaign organizers expect to deport from 3 to 5 million aliens who are illegally residents or who have no resident permits.

The Ministry of Interiors urges all male and female Saudis and all media to collaborate and stand against anyone who seeks to violate the laws and endanger our country.

May God show us all the right path.
The Ministry of Interiors - Passport Department

Spread so that people become aware of this.


Sunday, October 20, 2013

Wasak na Tahanan

Nasa alapaap ang diwa at kaisipan. Buhay na buhay ang kamalayan habang pinagmamasdan ang tila bulak na ulap sa kalangitan. Pinapakiramdaman ang lamig ng biyaheng pangkalawakan.

Sariwa pa rin sa kanyang pandinig ang mga salitang binitawan ng panganay na lalake.

"Bakit mo nagawa yan sa nanay, itay? Iniidolo pa naman kita." Tumutulo ang luha habang tinatanong siya.

Napaiyak din siya sa tinuran ng anak. Hindi niya inaasahan na kausapin siya at ipamukha sa kanya ang nagawang pagkakamali.

Ewan nga ba. Kung kailan siya nagkaedad ay doon pa siya nagkalakas ng loob na maghanap ng ibang kaligayahan. Mahal na mahal at ipinagmamalaki niya ang kanyang pamilya. May mabait na asawa at masunuring mga anak. Ngunit tila may kulang na di niya maipaliwanag. At ang kakulangan na iyon ay nahahanap niya sa iba.

Sa kanilang tahanan, ang silid nilang mag-asawa ang naging saksi sa paglunok niya ng kanyang kahinaan. Kung ilang beses siyang nahuli at napaamin ay ganun din ang pagpapatawad na iginagawad sa kanya. Ngunit tila nga ba mapaglaro ang panahon. Kung sino ang madaling magpatawad ay siya pa ang paulit-ulit na naloloko.

"Binugbog mo na lang sana ako...dahil ang pasa at sugat ay madaling gamutin, pero ang puso na paulit-ulit mong sinasaktan ay matagal maghilom," impit na iyak ng asawa.

Ang tatay ay ang haligi ng tahanan. Ngunit sa pagkakamali ng isang ama, ang tahanang pulido ay nagbabadyang bumigay. At habang tumatagal, nagiging masalimuot ang kanilang pagsasama. Nandiyan pa rin ang respeto ngunit ang buong pagtitiwala ay di na maibabalik.

"Kung hindi ka na masaya sa amin..puwede mo naman kaming iwan..Malaki na ang mga anak natin. Di ka namin pipigilan," matapang na sambit ng kabiyak sabay pahid sa luha na dumaloy sa pisngi.

Sa paglisan niya ay ang pagkarupok ng tahanan na pinagtulungan nilang buuin. Nawalan man ng haligi ngunit di ito sapat para ito ay malugmok at malumpo. Nakaalalay at pinapatahan ng mga anak ang naghihinagpis na ina. Ang tahanan na dating masigla ay nabahiran ng kalungkutan. Ngunit sa pagdaan ng panahon, unti unting nitong nabubura ang sugat na dulot ng nakaraan.

Ang pagkawalay niya sa kanyang pamilya ang nagpatino sa kanya. Doon lamang niya napagtanto na ang pamilya ang napakahalagang kayamanan na meron siya. Sa malayong lugar, hinahanap niya ang pag-aasikaso at pagmamahal ng babaeng pinakasalan niya. Ang harutan, kuwentuhan, at tawanan ng mga tsikiting niya. Ang kasayahan na tila sumasabog na liwanag sa tahanan nila. Sabik siya sa pamilya niya....ang pamilya na kanyang ipinagkanulo at winasak.

At ngayon, nakangiti at animo'y kumikislap ang kanyang mga mata habang binabagtas ang eskinita palabas ng pandaigdigang paliparan. At sa kalayuan at gitna ng umpukan ng mga taong naghihintay sa mga bagong dating, ay ang tindig ng mga taong pamilyar sa kanya.

Ang mahal na asawa at mga anak na hindi nakita ng halos tatlong taon, nakangiting kumakaway sa pagdating niya.

-Wakas-


Ito ay ang aking lahok sa patimpalak ng Saranggola Blog Awards 5
Kategorya: Maikling Kuwento





Thursday, October 17, 2013

Pagbarog Bohol, Bangon Kabisayaan


Conversation sa facebook noong October 15, 2013, 9am Saudi time.

OFW1: kumusta na ang lugar niyo?
OFW2: masyadong kawawa.. pati bahay ko.
OFW1: bakit. nadamage?
OFW2: sobra
OFW1: kumusta naman ang pamilya mo, ok lang ba sila?
OFW2: sa awa ng Diyos, safe naman silang lahat..
OFW1: hayaan mo na yang bahay. tayo ka na lang ulit ng bago. Ang mahalaga buo ang pamilya!

Isa sa mga kasamahan ko sa trabaho ang madaliang inayos ang mga dokumento para makauwi. Pinadapa ng 7.2 magnitude na lindol ang bahay na matagal niyang pinag-ipunan sa Bohol. Hindi na puwedeng tirahan ang kanilang bahay.

Hindi na kami nagpang-abot dahil magkaiba kami ng shift sa trabaho. At kahit holiday, nakipagcooperate ang mga staffs ng kumpanya para mapabilis ang kanyang pag-alis. Humangos ang government relation officer na isang Saudi national sa tawag ng emergency para ayusin ang kanyang visa.

Lumipad na siya kanina at bukas, makikita na niya ang kanyang pamilya na naghihintay sa isa sa mga evacuation center sa Bohol.
______________________________________________

Nakapanlulumo ang pangyayari sa Kabisayaan, lalong lalo na sa Bohol na sentro ng kalamidad.

Bohol -ang unang lugar sa Pilipinas na aking napuntahan simulang nasa abroad ako. At kahit di ko na naulit ang bumalik doon, nakatatak pa rin sa isipan ang napakagandang lugar na iyon. Ito ang lugar na dapat ay makita o kahit masilayan man lang ng bawat batang isinilang sa Pilipinas.

Ang tanawin sa Bohol ang kadalasang basehan ko ng magandang pasyalan. Katulad ng snorkeling site, ang Marine Sanctuary sa Balicasag island ang nanatiling una. Doon ko lang naranasan ang lumangoy kasabay ng napakaraming isda na animo'y nasa loob ng aquarium.
Snorkeling with fishes in Balicasag island, Bohol. Photo from Ms. J.
Sa pananampalataya, ay di ko na kailangang sabihin pa. Kitang kita sa ibidensiya. Ang dami ng lumang simbahan.
Dauis Church, Bohol

Maulang bisita sa Baclayon Church.

.
Ang Boholano ay  may malasakit sa kalikasan. Ang Chocolate Hills at tarsier na tanging nakikita ko lang sa libro at telebisyon ay personal na napuntahan noong 2008. Kung walang malasakit ang mga naninirahan dito ay malamang kahit ako ay di ko na sila naabutan.




At maraming lugar pa ang naipreserba at inaalagaan kaya ito'y naging isa sa mga paboritong tourist destination ng bansa.

Ang kahalagahan ng isang lugar ay dapat nating malaman. Ang pag-iingat sa likas na yaman na mayroon tayo ay dapat tularan. Ang pagpapahalaga at pagsisikap na panatilihin ang ganda ng mga sinaunang infrastructures ay kultura at kayamanan na ipinagmamalaki natin sa buong mundo. Para sa akin quota na kayo taga Bohol. Naabot niyo ang sukdulan na iyon. Ang pagpapanatili niyo sa ayos ng isang lumang bagay para sa kapakanan ng susunod pang henerasyon ay di mapapantayan.

Ang bawat pangyayari tulad ng  kalamidad ay may dahilan. Pagkatapos ng bawat unos ay may kasayahan. Batid namin ang pagdadalamhati sa mga nawalang mahal sa buhay. Hindi lamang sa mga taga Bohol kundi pati na rin sa lahat ng apektado sa Kabisayan. Ipinapanalangin namin kayo. Alam ko kaya niyo iyan. Matatapang yata ang lahi ni Dagohoy!

Pagbarog mga Boholanon...Barog Kabisayaan...

Tuesday, October 15, 2013

Eid Adha, The Festival of Sacrifice

Ngayon ay Eid Al-Adha.



Nagsimula na ang mahabang bakasyon dito sa kaharian. Isang buong linggong walang pasok ang iba nating mga kababayan dahil sa idinadaos na Eid Al-Adha holidays.

Punong puno ang mga local mosque kahit maaga pa lang. Alas kuwatro y medya ng madaling araw ay nagsisispagpuntahan na sa mosque para sa umagang dasal ang mga kapatid nating Muslim. Ganito isinisimulan ang Eid Al-Adha sa kaharian at maging saan mang panig ng mundo.

 Ang Eid Adha, “The Festival of Sacrifice”, ay selebrasyon pagkatapos ng Hajj (taunang pilgrimage sa Holy City na Mecca). Sa selebrasyong ito, inaalala at ginugunita ang mga pagsubok , sakripisyo at katatagan ni Abraham na handang ibuwis ang sariling buhay at ang taong malapit sa kanya dahil sa pagmamahal sa Panginoon. Matatandaang inalay ni Abraham ang sariling anak bilang pagsubok sa kanya ng Maykapal.

Bilang pag-alala, isinasagawa din ang pag-aalay ng hayop katulad noong kapanahunan ni Abraham. Ang pagkatay ng hayop tulad ng tupa, kambing, baka o kamelyo ay ginagawa at ang karne sa halip na sunugin ay hinahati sa tatlo. Ang isa ay kakainin ng pamilya at kamag-anak, ang isa ay para sa mga kaibigan, at ang isa ay ipinapamigay sa mga mahihirap. Isinisimbolo nito ang pagbibigayan, pagkakaibigan, at ang pagtutulungan.  Isinisimbolo rin nito ang kababaang loob at ang salitang sakripisyo para sa matuwid na pamumuhay ayon sa turo ng Islam. (translated statement of my Saudi co-worker)

SAKRIPISYO - Para sa isang OFW, ito ang kapalit ng paghahanap ng trabaho malayo sa pamilya. Nagsimula ito noong piniling lumayo sa Pinas para hanapin sa ibang bansa ang magandang kapalaran para sa sarili at sa buong pamilya.

Sunday, October 6, 2013

Bakasyon at Ticket


Isang beses kada taon ang libreng ticket!

Ayos pa nga ito kung ikumpara sa mangilan-ngilang OFW dito sa Gitnang Silangan na dalawang taon pa ang bubunuin bago makapagbakasyon ng libre. At mas masuwerte pang maituring kaysa sa ibang OFW sa ibang parte ng mundo na kahit one-way tiket na pamasahe ay hindi kasama sa benepisyo.

"Please inform your friends to book early. Flight booking to Manila is horrible during December."- travel agent


Pinapayuhan ng mga travel agents dito sa Saudi ang mga expat (hindi lamang mga Pinoy) na may balak na magbakasyon ngayong Disyembre na bumili o magpabook ng ticket habang maaga. Pahirapan na kasi ito sa December dahil nga sa Pasko. Halos lahat ng mga OFW, pinipiling umuwi tuwing kapaskuhan.

Nangyari na rin sa akin na naging fully book ang mga flight nang minsang umuwi ako ng Pasko. Naranasan ko tuloy na sumakay sa magarbo at mahal na Business Class ng eroplano na may pinakamahabang ruta pauwi ng Pilipinas. May dalawang stopover at isa doon ay may 12 oras na interval. Iyon lang kasi ang nag-iisang bakante sa araw na iyon. Sa tagal ng connecting flight, ay parang balewala din ang komportableng upuan at first class treatment ng magandang stewardess sa eroplano.

Travel peak season ang buwan ng Disyembre sa Pilipinas kaya kadalasang mas mataas ang presyo ng mga ticket. Marahil hindi lamang ito nangyayari sa Middle East kundi kahit sa ibang bahagi ng mundo na may maraming OFW.
 ___________________________________

Nagbabalik ang ating flag carrier na Philippine Airlines sa pagbiyahe mula Manila to pioneering cities ng Saudi Arabia (Dammam at Riyadh). Ang datos sa ibaba ay mula sa Philippine Airlines website.

Manila- Dammam -Manila (effective December 4, 2013)

Departure:
Manila [MNL]
Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2, Philippines

Arrival:
Dammam [DMM]
Dammam, Saudi Arabia

Departure Arrival Flight Stops Type M T W T F S S
12:50 18:00 PR682 0 EQV Check Check       Check  


Departure:
Dammam [DMM]
Dammam, Saudi Arabia

Arrival:
Manila [MNL]
Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2, Philippines

Departure Arrival Flight Stops Type M T W T F S S
19:30 09:35 PR683 0 EQV Check Check       Check  
____________________________________

Manila - Riyadh - Manila (effective December 1, 2013)

Departure:
Manila [MNL]
Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2, Philippines

Arrival:
Riyadh [RUH]
Riyadh King Khalid International Airport

Departure Arrival Flight Stops Type M T W T F S S
07:45 13:30 PR654 0 EQV     Check Check Check   Check


Departure:
Riyadh [RUH]
Riyadh King Khalid International Airport

Arrival:
Manila [MNL]
Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2, Philippines

Departure Arrival Flight Stops Type M T W T F S S
15:00 05:25 PR655 0 EQV     Check Check Check   Check















Tuesday, September 17, 2013

Bukas-Sara tuwing Salah

Ang kuwartong inuupahan ay nasa 3rd floor ng isang buiding at walang elevator. At habang nagluluto ay napansin na may kulang na sangkap. Mauuwi lamang sa basura ang pagkaing nasa kaldero kapag wala ang sangkap na iyon. Saglit  na nagbihis at patakbong bumaba sa hagdanan. Ang misyon ay pumunta sa malapit na tindahan na ilang metro lang ang layo. Humahangos na narating ang tindahan. Ilang hakbang na lang sana nang lumabas ang tindero at madaling isinara ang pintuan. Sabay padlock sa pinto ang karatulang "Closed for Prayer".

Nakakainis.

Naiinis sa sarili dahil hindi namalayan ang oras ng SALAH (salat ayon sa wikipedia at salah ayon sa mga lokal dito sa Saudi.). Ito ang oras ng dasal ng mga Muslim na ginagawa limang beses sa isang araw. Ito ay nagtatagal ng 15 hanggang 30 minutos.

Namumukod tangi ang Saudi Arabia sa mga bansa na kailangang magsara ang mga tindahan, kainan, bangko, private at government offices, outpatients clinics o hospitals at halos lahat ng kumikitang kabuhayan tuwing oras ng salah. May mga religious pulis na nagmamatyag sa mga establisyamentong hindi tumutugon sa kanilang alituntunin. Maaring ipasara ang mga ito kapag nahuling hindi sumusunod.

1st Prayer: Fajr
Ang unang salah ang pampagising sa umaga. Ang pagtatapos nito ay ang pagbubukas ng mga bofia at mga maliliit na grocery stores. Ang unang liwanag sa kalangitan ang hudyat ng pasiunang dasal.

2nd Prayer: Dhuhr
Kapag naabot na ng araw ang rurok at nagsimula nang bumaba, ito na ang hudyat ng tanghaling salah. Ito ay uwian ng mga nagtatrabaho sa hospital. Hanggang tanghali lang at babalik ulit sa hapon ang kadalasang pasok nila. Sarado ulit ang mga tindahan pero saglit ding magbukas. Oras na kasi ng tanghalian. Kaya kadalasang nadidistorbo ang mga taong nagugutom, nakapila at kakain pa lang sa mga restaurants. Hindi na tumatanggap ng food order ang mga kahero kahit take out pa!

3rd Prayer: Asr
Sarado ulit ang mga tindahan. Napapansin kong mas mahaba ang oras ng panalangin sa hapon. Subalit, halos lahat ng tindahan ay nagbubukas pagkatapos. Ito ang oras na maraming nagsisipaglabasan dahil buhay na buhay ang mga paninda.

4th Prayer: Magrib
Sarado ulit at pinapatay ang ilaw ng ibang tindahan. Kaya kapag naabutan kang naghahapunan sa isang restaurant ay magdahan dahan sa paglunok at baka matinik ka kapag isda ang ulam. Kahit sa malaking department store ay ganito din ang eksena. Kapag nasa loob ka nung naabutan ng salah, ay saglit na maghanap ng maupuan at hintaying matapos dahil walang tindero na mag-aasikaso. Medyo madilim din kaya iwasan muna ang pamimili. Hindi ka puwedeng lumabas dahil sarado ang mga pintuan.

5th Prayer: Isha
Pagkatapos ng panghuling salah sa gabi, malaya na ang mga tindahan sa sitwasyong bukas- sarado. Kaya maraming namamalengke at nagshoshopping pagkatapos nito.

PAALALA: Paiba-iba ang mga timings ng salah. Depende kasi iyon sa araw o buwan na basehan nila ng oras.

Kahit amining matagal na sa kaharian, hindi maitatangging minsan nahuli  pa rin ako ng salah. Kahit may bibilhin pa sana ay kailangan nang pumunta sa counter dahil sinasarado na ang pintuan ng grocery store. Ang sana ay "Dine In" sa paboritong kainan ay naging "TAKE OUT" na lamang. Ang tumambay sa loob ng madilim na barber shop dahil hindi pa tapos ang haircut. At iyong gutom na gutom nang pumasok sa fast food restaurant, ngunit hindi makapag-order dahil ilang minuto na lang ay magsasara na.

Ganunpaman, respeto pa rin ang dapat na ipairal. Ang minuto na iyon ay BANAL para sa mga lokal ng kaharian.

Thursday, September 5, 2013

Tatlong banyaga, Iisang Diwa

Kainan sa Saudi nang nakakamay. Kabsa rice at spareribs.
Lunch break sa isang trabaho, magkasabay na kumain sa isang hapag ang isang Indiyano, Malaysian at isang Pinoy. Hindi lamang sa pagkain naging abala ang tatlo. Isang kuwentuhan ang namuo, na nagtuturo ng iisang direksiyon. Ang karanasan nila ay mismong nararanasan at idinadaing din ng ilan sa ating mga OFW.

"It was the most healthiest conversation that we have so far!", sang-ayon ng tatlo.

Ano bang purpose mo kung bakit nasa Saudi ka nagtatrabaho? Alam naman natin na hindi ito panghabambuhay na trabaho. Darating talaga ang panahon na papauwiin tayo. At isa pa, ang sahod sa Saudi ay hindi ganoon kataas kung ikumpara mo sa ibang bansa.

Galante. Ang mga nagtatrabaho sa abroad ay malakas maglabas ng pera. Saan mo ba dinadala ang pera mo? Hindi pa ba sapat sa iyo na talsik ang pawis mo sa taas ng temperatura sa Saudi? Sa hirap ng trabaho at pamumuhay sa disyerto? Ayos lang ba sa iyo na ang pinaghirapan mo ay ipapainom mo sa mga kabarkada at kakilala mo? Ilulustay mo sa ibang tao, maliban sa pamilya mo? Para kanino ka ba nagtatrabaho? Para sa sarili mo o sa pamilya mo?

Maluho. Kahit alam natin ang pgkakaiba ng WANTS sa NEEDS, ay atin itong isinantabi. Ano nga ba ang dahilan kung bakit mamahalin ang cellphone mo? Bakit kailangan pang maglustay ng pera para sa bagong labas na I-phone o Galaxy. Bakit kailangan pang maging high tech sa gadget kung tawag lang naman o SMS ang kailangan? Kung internet ang rason, e ano ang gamit ng computer mo? Gayong halos lahat ng expat sa Saudi ay nakakabili ng laptop.

Bakit ka bibili ng kotse sa Pilipinas kung nandito ka naman nagtatrabaho? Kung halos isang buwan lang naman ang bakasyon mo. Kung bakit tag-iisa pa kayo ng sasakyan ng Misis mo. Kailangan mo ba talagang gamitin ang kotse kahit ang bumili lang sa malapit na tindahan?

Utang. Kapag galing ka sa abroad, ang daming lumalapit para mangutang. Minsan, ang uutangin niya ay pambili pala ng luho nila. Minsan, ang nangungutang ay mas maganda pa ang cell phone kaysa iyo. Minsan ang nangungutang, mas marami at magara pa ang sasakyan kaysa iyo. Minsan, ang nangungutang mas maganda pa ang bahay kaysa sa tinitirhan mo. Minsan, ang nangungutang humihithit pa ng sigarilyo habang nakikiusap sa iyo. Meron silang mga kagamitan ngunit ikaw ang may pera. Kaya sila galit dahil ayaw mong pautangin. May ipinatago ba silang pera sa iyo?

Kung ang pamilya ang mangutang ay ayos lang, kahit hindi pa nila bayaran. Pamilya mo sila e! Ngunit naitanong mo na ba? Kung sakaling wala ka ng pera, tutulungan ka rin ba ng pamilya mo?
_________________________________________________

Ang pag-uusap na iyon ay nagwakas sa isang conclusion. Maging masinop sa paggasta at Mag-ipon po tayo! Hindi lamang para sa ating pamilya kundi para na rin sa ating mga sarili.

Monday, August 26, 2013

Sama ako!


Sama-sama.
Ako ay nakikiisa......ayon sa sarili kong desisyon...
Marahil ito ang tama....

Tuesday, August 20, 2013

Pag-aalala para sa isang Domestic Helper

Animo'y nasa isang bilangguan. Malapit nang lumaya at makakatapak muli sa tinubuang bayan. NAIA-3.
Emosyonal - ganito ko isalarawan ang isang babaeng housekeeper na kaharap ko noon. Nasa airport kami ng Dammam at naghihintay ng oras para sa aming flight na may stop over sa Abu Dhabi. Akala ko nga isa siyang pinay dahil napalibutan siya ng mga pilipino. Lahat nakikinig sa kanya! Tapos na ang kontrata niya at laking pasalamat niya na uuwi na siya sa Indonesia.

Pilit niyang ikinukwento sa salitang English ang hirap na kanyang pinagdaraanan. Minsan nga senyas na lang ng mga kamay at pahid ng luha sa mga mata ang aming nakikita. Ang kanyang mga kuwento ay may kurot sa puso. Hindi lamang pala mga Pinoy DH ang nakakaranas ng ganito. Mga tadyak at sampal at kahit gutom ay kanyang nadaanan sa kanyang mga naging amo. Ipinasapasa at paiba-iba ang kanyang mga amo. Iyong panghuli ang mabait dahil binilhan siya ng tiket at pinauwi. Sa kakukwento niya ay minsan napahagulgol kaya may isang Pinay ang yumakap sa kanya. Nakakarelate, dahil isa rin siyang housekeeper o domestic helper (DH). Mabait nga lang iyong naging amo niya.

Ang Pilipinas ang isa sa bansa na nagpapadala ng housekeeper dito sa Saudi Arabia. At dahil sa mga batas na nagsasaklaw sa kapakanan ng ating mga Pinoy DH, ay medyo napapaangat at naalagan ang ating mga kababayan. Mabuti na lang at medyo maingat na ang ating pamahalaan sa ngayon.

Ayon sa isang Saudi na kakuwentuhan ko, halos lahat ng mga pamilyadong Arabo ay may housemaid. At kadalasang kinukuha nila ay galing sa bansang Ethiopia, Indonesia, India, Sri Lanka at Pilipinas. Ngunit madalang lang silang kumukuha ng isang Filipina sa ngayon dahil mahal ang salary rate. Ang pinakamura ay ang mga Ethiopian na tumatanggap ng 500-600 riyals (mga 6,000 pesos), ang Indonesian ay 600-700 riyals (mga 7,000 pesos), ang Sri Lankan, at Indian naman ay nasa 700-900 riyal (9,000 pesos). Samantalang ang isang pinay ay nasa 1,200 - 1,500 (15,000 pesos) kada buwan.

Iniiwasan nila ang isang Pinoy DH dahil sa masyadong mahal para sa isang normal salary earner na Arabo. Kaya Ethipioan o Indian ang kanilang kinukuha. Samantalang ang mga maykayang pamilya sa Saudi ang halos nakakakuha sa mga Pinoy DH. Isa pang dahilan ay ang pag-iwas sa temptasyon ( kaya siguro may nanghahalay). Magaganda daw kasi ang mga Pinay.

Minsan may nagtanong sa akin kung mayroon ba akong kakilala. Naghahanap kasi ang pamilya nila ng house maid. Sabi ko wala at kahit meron man, hindi ko ito sasabihin.

Sabi ko, " Don't hire a Filipina as a housemaid. Hire them as a tutor or a nanny." Sumang-ayon siya sa akin. Iba kasi mag-alaga ng bata ang isang Pinay. Napansin niya rin ito sa hospital. Kung paano humawak at mag-alaga ng bata ng mga Pinay nurses. Sobrang maingat na kahit iyong asawa niya ay di magawa ang ganung klaseng intimate care na ginagawa ng mga nurses.

Naalala ko rin ang kuwento sa akin ng isang South African guy na nagtratrabaho rin dito sa Saudi. " I was surprised that a young Saudi girl can speak English. No doubt, i saw her nanny, from Philippines."

Kahit anong propesyon dito sa Saudi ay puwede. Maliban na lang sa trabaho ng housemaids. Sa dahilang sila ang pinakamalapit sa mga  pang-aabuso, pagmamalupit, at pagmamaltrato. Hanap nga ay trabaho ngunit hindi naman sigurado kung mabait ang magiging amo. Pang-isahan lang per household ang hiring kaya kapag inabuso ay walang kalaban-laban. Kaya mas gugustuhin ko pang tigilan na ng bansa ang pagpapadala ng Pinoy DH sa Middle East dahil na rin sa mga naging karanasan ng karamihang DH.

Malaking tulong ang nagagawa ng mga housemaids sa isang tahanan, lalo na sa isang malaking pamilya, ayon sa isang Arabo. Ganunpaman, mas sobra pa doon ang impact sa isang tahanan na may isang pinay DH. Hindi lamang sa paglilinis ng bahay sila magaling. Ito'y napapatunayan sa asal at kaugalian ng isang batang Arabo na minsang nakasalubong ay nakangiti at  binabanggit ang salitang "Kumusta ka?".

Saturday, July 20, 2013

Mga Di-dapat at Dapat Gawin ng OFW sa Saudi

Bilang tugon sa isang kahilingan, ginawan natin ng paraan para makuha ang mga listahan ng mga DAPAT at DI-DAPAT gawin ng isang OFW dito sa kaharian ng Saudi Arabia.

Ang bansang Saudi Arabia ay masasabing weird ng iilan. Ganunpaman, ang bansang ito ay may sariling kultura na kakaiba at bukod tangi. Halos 25% ang expat dito ayon sa World Fact book, ngunit nirerespeto pa rin ng karamihan ang konserbatibo at mahigpit nilang pamamalakad.

Ang mga nasa listahan ay iilan lamang sa napakaraming DO'S and DONT'S sa bansang ito. Ganunpaman, nabanggitt naman ang kadalasan at kalimitang nangyayari base na rin sa aking sariling karanasan.

Mga Di Dapat Gawin

Huwag kumain, uminom at manigarilyo sa pampublikong lugar sa mga oras na bawal tuwing ipinagdiriwang ang Ramadan. Kumain lamang sa loob ng kuwarto na hindi ka nakikita ng kasamahang Muslim. Ito ay bilang pagrespeto sa kanilang tradisyon at paniniwala.
Huwag magbigay o tumanggap ng anumang bagay na gamit ang iyong kaliwang kamay. Sa kadahilanang ang kaliwang kamay ay ginagamit sa paglilinis ng katawan kaya madumi. Laging gamitin ang kanang kamay sa lahat ng bagay.
Huwag umalis o gumala ng nag-iisa lalung lalo na sa gabi. Kung di talaga mapigilan ay sana man lang ay maiwasan. Hindi lamang sa Saudi ito applicable kundi kahit saan mang bansa. Hindi kasi natin ito lugar at ang mga krimen ay kadalasang nangyayari sa gabi.
Huwag basta maniwala o sumama sa taong di mo kilala. At kahit makipagkaibigan ay iwasan.
Sa mga babae, iwasang mag-iwan ng numero ng cellphone sa mga kalalakihang di kakilala.
Huwag sumali  sa mga political o kahit anong religious activities na hindi ayon sa Islam. Ang Saudi Arabia ay sagrado at devoted lamang sa Islam.
Huwag tumingin o makipag-usap sa mga kababaihan. Maliban na lang kung ikaw ay tinatanong.
Iwasan ding madikitan ang babaeng Saudi kaya dumistansya kapag sila ay nasa daanan.
Huwag pumasok sa family section ng isang establisment kung ikaw ay bachelor o single. Exclusive lamang ito sa kababaihan at may mga pamilyang Arabo o expat.
Sa kalalakihan, huwag magsuot ng short pants kung ikaw ay papasok sa opisina ng gobyerno. Wala namang dress code, pero hindi talaga ito pormal.
Huwag kumuha ng litrato sa pampublikong lugar at mga opisina. Lalong lalo na kapag may background na kababaihan. Maliban na lang kung ikaw ay humingi ng pahintulot.
Huwag kang pumasok sa mosque kung ikaw ay di Muslim maliban na lang kung ikaw ay inanyayahan. Hindi rin nakakapasok sa Mecca at Medina ang isang expat na hindi Muslim.
Huwag sumali o tumulong sa isang gulo na sangkot ang isang Saudi.
Iwasang makipagdebate o makipag-away sa isang Arabo.
Huwag mong tulungan ang isang biktima ng aksidente kung ikaw ay nag-iisa. Mahirap na kapag ikaw ang mapagbintangan. Maiging tumawag sa emergency hotline para humingi ng saklolo.
Huwag uminom ng may alkohol, magsugal, o gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Isama na rin dito ang pag-iwas sa gawaing prostitusyon. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal na may parusang pagkakadeport, pagkakakulong o kamatayan.
Iwasang dumaan sa mga naglalaro na kabataang Saudi. Lalong lalo na sa nagbibisikleta at iyong naglalaro ng pellet guns. May ibang kabataan dito na di marunong rumespeto ng mga matatanda.
Huwag magpakita ng paglalambing sa publikong lugar tulad ng pagyakap o paghalik kahit sa siya ay iyong asawa. Ang Pubic Display of Affection ay may kaukulang kaso dito.
Huwag magsuot ng pambabaeng kasuotan kung hindi ka naman babae. Isang paalala sa mga kapatid sa third sex.
Huwag buksan kaagad ang pintuan ng bahay pag may kumakatok. Alamin muna kung sino. Marami na kasing pangyayari na nalooban ang flat/apartment dahil sa pagkakamaling ito.

Mga Dapat Gawin

Ang babae at lalake ay magkaibang grupo sa Saudi Arabia. Dito lang ako nakakita ng Ladies Market at Bank only for Ladies. Kaya bawal magsama ang isang babae at isang lalaki kung di naman magkaanu-ano. Kahit kayo ay magnobyo pa. Kailangan ng legal na dokumento na kayo ay tunay na mag-asawa bago kayo magsama.
Sa mga kababaihan, magsuot ng abaya tuwing lumabas. Ang pagsuot ng abaya ay nagpapahiwatig ng ating respeto sa konserbatibong kultura ng Saudi.
Magpakita ng motibo o interest sa kultura, tradisyon o kahit ang relihiyon ng mga Saudis. Natutuwa sila sa mga dayuhan na sumusubok ng salitang Arabo at iyong may interes na basahin ang mga librong may kinalaman sa Koran at Islam.
Ang sagot sa pagbati ng isang Arabo na ASSALAM ALAIKUM (Peace be with you) ay WA ALAIKUM ASSALAM na ang ibig sabihin ay "And also with you".
Sa mga kalalakihan, laging makipagkamay  kung ikaw ay magtatanong o pumasok sa opisina ng among Arabo o may ipinakikilalang bagong kasama.
Makiinom o di kaya ay makikain lamang sa kanilang "tea and date session" kung ikaw ay inimbitahan.
Makipagkwentuhan sa mga lokal. Gustong gusto nila ang topic about travel and family. Sa ganitong paraan, mas makikilala mo ang totoong kultura ng isang Saudi national. 
Palaging dalhin ang  iqama o ang community card kahit saan man magpunta. Minsan may surprise check up ang mga pulis sa mga expat. Ang walang maipakitang iqama ay may libreng bakasyon sa kulungan.
Magsariling sikap ka! Ikondisyon mo palagi ang iyong sarili. Panatilihing gumagana ang immunity upang labanan ang HOMESICK!


(Other sources: Easy way to learn Arabic, 4th edition by Mahmoud S. Tajar)


Wednesday, July 17, 2013

Buhay tuwing Ramadan

Mahalagang okasyon  ang RAMADAN para sa bansang may pagmamahal sa ISLAM.

Nag-iiba pala ang buwan nito. Setyembre ito noong unang dating ko. Tapos pumalo sa Agosto at ngayon ay Hulyo.


Ang laging paalala sa mga NON-MUSLIMS na residente tuwing Ramadan ang salitang,

RESPETO.
Lahat tayo ay naghahangad nito. Kahit anumang lahi, magkaiba man ang tradisyon o paniniwala. Nakapaloob sa pag-uugaling ito ang ating pagkatao.

Bawal kumain, uminom at manigarilyo sa pampublikong lugar sa loob ng isang buwan. Tanggal sa trabaho o di kaya ay repatriation ang aabutin sa mahuhuling lalabag dito. Kaya kapag gusto mong uminom ng tubig at kumain ay magtago ka.

At sa mga hindi nakakaalam, tuwing sasapit ang Ramadan, limang oras lamang ang working schedule ng mga Muslim employees na nagtatrabaho sa gobyerno. Sa mga private sectors naman ay anim na oras. Ang sobrang oras sa pagtrabaho ay overtime.

Mga Napupuna tuwing Ramadan: (hindi ko nilalahat ngunit halos lahat!)

1. Ang daming pagkain sa gabi.
Fasting nga sa umaga pero bumawi naman sa gabi. Ito ang laging mapapanood tuwing Iftar (hapunan) at Suhoor (agahan). Iftar ang tawag sa kainan sa gabi pagkatapos lumubog ang araw at Suhoor naman ang ginagawa sa madaling araw bago sumikat ang araw. Sa dami ng pagkain na nilamutak, malamang kailangan ang isang araw na patakbo takbo sa kalye para sunugin ang sobrang calories at cholesterol.

2. Sa umaga ay antukin dahil hindi natutulog sa gabi.
Nahihirapan silang matulog sa gabi dahil karamihan ng activities ay nangyayari paglubog ng araw. Kaya kapag may pasok kinaumagahan, matamlay. Ang iba nga sa kanila, makikita mong tulog sa opisina. Bumabalik ang lakas tuwing uwian na.

3. Hindi normal ang trabaho.
"Tired". Ang lagi mong naririning sa mga nagfafasting. Sa mga may trabaho, kaya pa nilang gampanan ang obligasyon sa umaga ngunit pagsapit ng tanghali ay hihinto na. Kailangan nilang ireserve ang natitirang energy hanggang sa gabi. Ngunit may iba namang, buong araw ay pagod at di na makapagtrabaho. Kaya, hindi puwedeng walang extra na tao. Ang isang araw na trabaho ay masakit sa ulo kung ang lahat ay nagfasting.

4. Nangangayayat.
Pagkatapos ng Ramadan, humahapit  ang sinturon ng ibang mga Muslims. Numinipis ang mukha at bagsak ang timbang. Kapag tinanong, ang tanging sagot, "Because of Ramadan.". Oo nga naman, fasting kasi! Pero bakit ang iba, hindi makitaan na nagfasting?

5. Patay sa umaga, buhay sa hapon.
Sa lugar na ito, e parang dinaanan ng delubyo sa umaga. Maraming kalat ngunit iilan lang ang tao na naglilinis. Sarado ang mga panaderya, boofia, at kahit maliliit na grocery stores. Iyong mga stalls na tanging sa umaga lang nagbubukas ay sarado rin. Feeling ko tuloy may invasion na naganap at iilan lang kaming naiwan.
Ngunit tuwing hapon, halos hindi ka makasingit kahit isang bote lang ng mantika ang binili sa tindahan. Nagsipaglitawan ang napakaraming mga tao. Buhay na buhay ang mga tindahan at maraming pagkain na nilalako. Iyon nga lang, hindi pa puwedeng kumain hangga't may liwanag.

Ganito tuwing Ramadan sa disyerto. Muslims man o non-Muslims ay pinaghahandaan ito. Kung sa mga Muslims ay pinaghahandaan ang pagfasting, pinaghahandaan naman ng mga non-Muslims kung paano susuportahan ang nagcecelebrate nito.

Kaya tuwing Ramadan, para sa mga OFW, expect mo na ang pag-iwas sa mga bawal, dagdag trabaho, at maraming overtime.

Wednesday, July 3, 2013

Amnesty extended!

Tambak!

Bumagal ang mga normal transactions sa aming kumpanya kapag involve ang government services. Nakatambak pa rin at di maasikaso ang mga iqama na for application at renewal. Dati kasi matagal na ang isang buwan para sa processing.

"Nothing finish for iqama, for all iqama", pailing-iling na sabi ng Government Relation staff namin . Hindi na ako nagtanong pa.

Naiintidihan ko, unang inaasikaso ang mga expat na may problema sa iqama status at iyong mga iligal workers na sinasabi. Top priority sila sa mga nagdaang buwan! Deadline na kasi dapat ngayong araw.


Maraming natuwa! Pinalawig pa ng Hari ang grace period ayon na rin sa recommendations mula sa Saudi Ministries of Foreign Affairs, Labor and Interior, business sectors at mga embahada.

"Hundreds of thousands of expatriates and Saudis breathed a sigh of relief across the country yesterday as Custodian of the Two Holy Mosques King Abdullah extended the amnesty period until Nov. 3. "-ARAB NEWS.

Magsisimula na ulit sa Nobyembre 3, ang mga sunod-sunod na inspection.

May apat na buwan pa ang mga expats na ayusin ang kanilang status.

"The Ministries of Interior and Labor call on all concerned people to work to meet all the statutory requirements and correct their status as soon as possible within the referred period, otherwise those who do not respond positively, they shall be subject to maximum penalties in accordance with the provisions of the regulations."-ALRIYADH.

Masayang balita din ito sa mga OFW dependents na nagtatrabaho. Binibigyan na rin sila ng pahintulot na magtrabaho ayon na rin sa mga kondisyon ng Ministry of Labor.


"Deputy Minister of Labor Dr. Mufraj Al-Haqbani said the amnesty period allows dependents of expatriates to work as long as they have a written request from the business that wishes to employ them, are at least 18 years of age and have been listed as dependents to legally resident expatriates for at least one year. The firm hiring the dependent must also have the consent of the sponsor of the dependent." - SAUDI GAZETTE

Nagkakaroon ng bagong pag-asa ang mga OFW na minsan ay nabigo at muling bumabangon dito sa Saudi.
At sa mga gusto nang umuwi. mabibigyan pa sila ng sapat na panahon na makaalis ng walang penalty.

Maraming Salamat sa Hari ng Saudi!