Saturday, December 31, 2011

Anong bansa ang huling Magbabagong Taon?



Ngayong bagong taon, anong mga bansa ang una at huling mag count down?
Sinasabi na ang  New Zealand ang una at ang kalapit nitong bansa na Samoa ang huli.
Ang isang araw nilang pagitan ay halos apat na oras lang kung liparin ng eroplano.

Manigong Bagong Taon sa lahat!

Saturday, December 24, 2011

Christmas 2011

Merry Christmas mga Kababayan sa Saudi at sa lahat ng mga OFW saan mang panig ng mundo!

Sunday, December 18, 2011

You can help them through Sagip Kapamilya


IN-KIND DONATIONS for Typhoon Sendong victims

SAGIP KAPAMILYA
ABS-CBN Foundation Inc.
Mother Ignacia cor. Eugenio Lopez St.
Diliman, Quezon City

You may send rice, canned gods, noodles, biscuits, coffee, sugar, clothes, blankets, mats, medicines

FOR CASH DONATIONS 
1. BDO Peso Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 39301-14199
Swift Code: BNORPHMM

2. BDO Dollar Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 39300-81622
Swift Code: BNORPHMM

3. PNB Peso Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 419-539-5000-13
Swift Code: PNBMPHMM

4. BPI Peso Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 3051-1127-75
Branch: West Triangle, Quezon City
Swift Code: BOPIPHMM

5. BPI Dollar Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 3054-0270-35
Branch: West Triangle, Quezon City
Swift Code: BOPIPHMM

Saturday, December 10, 2011

Pangungulila sa Pasko ng isang OFW

Pasko - isa na namang dagok na kailangan malampasan bilang isang OFW na di makakauwi. Lalo na dito sa Saudi na kahit ni isang parol o Christmas tree ay walang makikita. Dito animo'y malayo ang kapaskuhan, kahit tumingala ka pa sa kalangitan. Malayo at madalang ang nagkikislapang bituin. Napakaswerte mo na kung may limang bituin kang masusulyapan.
Ang Pasko ay kasayahan kaya kahit malayo tayo ay pilitin natin itong idaos nang masaya. Ang katatagan natin laban sa pangungulila ay katatagan din ng ating buong pamilya.

Thanks to Ramil for this heart warming video.

Tuesday, December 6, 2011

Balikbayan Box: Ang Laman

"Ang lokasyon ng isang OFW ay malalaman mo sa laman ng kanyang balikbayan box. Ang pagmamahal ng isang OFW ay makikita mo sa balot ng kanyang balikbayan box."

Balikbayan box Mula sa Saudi
Sa mga tumatanggap, mahirap buksan di ba? Balot na balot ng packaging tape at minsan may matibay na lubid pa. Anu-ano ba ang kadalasang nilalaman ng mga balikbayan box mula dito sa Saudi? Heto pansinin ninyo.

1. Chocolates - ito ang pinakauna sa listahan. Lalo na ang toblerone at snickers.
2. Perfume - mura ang mga pabango sa Saudi kaya halos karamihan sa mga tindahan dito ay may binibentang pabango.
3. Dates - ang trade mark at ang prutas na bukod tanging ipinagmamayabang sa Saudi.
4. Lotion at sabon - naglalakihan ang mga bote ng lotion. Meron namang ganito sa Pinas pero iba talaga ang may Arabic na tatak.
5. Coffee and Tea - Iba daw ang lasa ng imported na kape.
6. Winter Blanket - sa kapal ng kumot, malaking space na kaagad sa balikbayan box ang nabawas. Mahal kasi ito sa Pinas.
7. Mga de latang pagkain
8. Mga electronics gadget tulad ng cellphones at mga players.
9. Mga laruan
10. Flat screen TV- lahat gustong bumili nito at maiuwi sa Pinas. Wala kasing tax kaya medyo mura.

Idagdag ko pa sana ang laptop at mga gintong alahas. Kaso ang mga bagay na ito ay hindi pwedeng ilagay sa mga balikbayan box dahil sa malaking halaga. Madalang ang mga RTW (ready to wear) items sa mga balikbayan boxes mula sa Saudi.

Thursday, December 1, 2011

Winter Season sa Disyerto


Mula sa naglalagablab na temperatura, pumasok na nga ang winter season dito sa  Gitnang Silangan. Ito yong pinakahihintay na klima ng karamihan sa ating mga Kababayan. Masarap kasing gumala at magliwaliw dahil maginaw.

Sa panahon ng Winter, ayon sa mga dalubhasa, ay nagiging mahina ang ating immune system. Kaya maraming sakit ang lumalabas kapag taglamig. Nandiyan ang nakabubulabog na ubo, ang di mapigilang sipon, at minsan may kasama pang lagnat.

Ito ang mga kadalasang payo ng ating mga Kababayan na matagal nang naninirahan dito sa Saudi:

1. Kadalasan, sa panahon ng taglamig, nanunuyo, nagbibitak-bitak, at mahapdi ang ating mga balat. Kailangan nating uminom ng maraming tubig at gumamit ng mga moisturizers para laging hydrated at mapigilan ang panunuyo. Huwag mahiyang magpahid ng lotion. Di nakakabawas sa pagkalalake yan!
2. Kailangan nating pangalagaan ang ating kalusugan at balat. Kailangan natin ng Vitamin C.
3. Magsuot ng damit proteksiyon sa ginaw at para mapanatili ang temperatura ng katawan tulad ng bonnet, jackets, at gloves kung kinakailangan.
4. Palaging magdala ng lip balm kapag lumabas. (Kung sensitive ang labi sa lamig)



 Lip Balm - sa halagang 10 to 12 riyals ay mabibili mo na ito sa mga tindahan at botika. Parang woman lipstick ang dating, pero huwag tayong mahiya na magpahid nito para protektahan sa panunuyo at pagbiyak ang ating mga labi.




5. Kailangan nating mapanatili ang ating matibay na immune system sa pamamagitan ng tama at wastong pagkain. (sabi ni Dok!). Dagdag pa diyan ang tamang pahinga at ehersisyo.
6. May mga kumpanya na may libreng winter vaccination. Mas mainam na ang may bakuna laban sa winter ailments.

Mahirap magtrabaho kung taglamig lalo na sa gabi pero mas mahirap kung mayroon tayong iniindang sakit. Kaya ingatan po natin ang ating mga sarili!



Sunday, November 27, 2011

Qatar Airport Guidelines for Connecting Flights



Qatar Airways ba ang sasakyan mong eroplano? Kung ganoon, makakatapak ka sa lupain ng Doha, Qatar. Kailangan mong bumaba at magpalit ng eroplano sa Qatar.
Dahil ito ang eroplano at kung first time mo, may bagong guide ang Qatar International Airport about arrival and transfer na nagsimula noon pang Disyembre 2010.

Ang Qatar International Airport ay may color coding na sinusunod. Makikita mo ito sa hawak na boarding pass.Tayo na galing o papunta sa Saudi, color yellow o orange-edged yellow na boarding pass wallet and cabin hand luggage tag ang ibibigay kapag ikaw ay nasa economy class. Kung first o business class naman, burgundy naman ang kulay. Sa mga Kababayan nating nakadestino sa Qatar, kulay blue naman na boarding pass wallet at cabin hand luggage tag ang bitbit.
                                                                                                                                                                                                                                              
For normal economy class. Ito ang ibibigay sa atin kapag galing o papunta tayo ng Saudi

For economy class with short transfer. Sa mga gipit ang connecting time interval.
For first and business class
For passenger whose Doha is the final exit.
Pagdating ng airport, unang lalabas ang mga pasaherong may burgundy na kulay. Separate ang sasakyan nila which is either limousine o luxury bus. May premium transfer terminal exclusive para lang sa kanila.
Kasunod ay mga pasahero na nasa economy class, lahat ng kulay ay sama sama sa isang bus pero ang destinasyon ay iba iba. Hihinto ang bus sa mga entrance doors ng airport at bababa lang tayo sa mga pintuan na kakulay ng ating boarding pass.

Backside of boarding pass wallet. Courtesy of a traveller going to Manchester.
Papunta o galing ng Saudi, papasok tayo sa yellow entrance door at dadaan sa isang security screening area for inspection. Pagkatapos dito ay hanapin na kaagad ang Gate ng susunod na flight para maiwasan ang maiwanan.

Tuesday, November 22, 2011

Balikbayan Box ni Kabayan

Malapit na ang Pasko. Punong puno na naman ang mga grocery stores at shopping malls ng mga Kababayang bumibili ng mga pasalubong. Siyempre, punong puno rin ang mga cargo forwarders na siyang maghahatid ng mga balikbayan boxes ng mga OFW sa Pilipinas.

Personalized Sky Freight balikbayan box

Ito ang mga cargo forwarders na subok ko na! (based in Jubail City)

SKY FREIGHT FORWARDERS


The Symbol of Trust and Reality

Air Freight:  SR 6.50/kg with minimum weight of 10kg             
Airway Bill: SR 20.00

Sea Freight: SR 3.00 without weight limit
Bill of Lading fee: SR 50.00

Expected delivery: 24-48 hours in Metro Manila and 3-5 days for provincial after arrival in Metro Manila.
Free delivery within Metro Manila and with additional charges SR 1.00/km for provincial delivery.
Provincial delivery charges: Bicol: SR 2.50/kg, Visayas: SR 3.00/kg, Mindanao: SR 3.50/kg

Branches in Al-khobar, Jubail, Hofuf, Jeddah, Yanbu, Riyadh, and more.

MAKATI EXPRESS

 (Luzon)
Air Cargo:  SR 6.50/kg with minimum weight of 10kg
Airway Bill: SR 20.00 plus SR 1.00/km outside Metro Manila

Sea Cargo: SR 3.00 with minimum of 20kg
Bill of Lading fee: SR 35.00 plus SR 0.50/km for outside Metro Manila

(Visayas and Mindanao)
Air Cargo:  SR 10.50/kg with minimum weight of 20kg 
Airway Bill: SR 20.00

Sea Cargo: SR 6.00 with minimum of 20kg
Bill of Lading fee: SR 35.00

They also offered "balikbayan drum". Bibilhin mo muna ang empty drum sa halagang SR60 ang maliit at SR120 ang malaki. Freight charges cost SR200 and SR275 for small and big drums, respectively. Additional SR0.50/km charges for delivery in Luzon while SR200/pc for Mindanao and Visayas.

Branches in Jeddah, Riyadh, Yanbu, Al-Khobar, Tabuk, Hofuf, and Buraidah.

FIL-ASIA CARGO FORWARDERS



"Sa bawat Filipino na may problema sa cargo, FIL-ASIA and padalhan mo, pagkat cargo mo cargo ko. Serbisyong totoo, handog ng FIL-ASIA sa bawat Filipino...insured pa lahat ito..."



(Luzon)
Air Cargo:  SR 6.00/kg with minimum weight of 20kg 
Airway Bill: SR 20.00 plus SR 1.00/km outside Metro Manila
Delivery to Metro Manila: 5 -7 days from date of departure
Outside Metro Manila: 7-15 days from date of departure

Sea Cargo: SR 2.75 with minimum of 50kg
Bill of Lading fee: SR 35.00 plus SR 0.60/km for outside Metro Manila
Delivery to Metro Manila: 35 days from date of shipment
Outside Metro Manila: 35-45 days from date of shipment

(Visayas and Mindanao)
Air Cargo:  SR 9.50/kg with minimum weight of 20kg
Airway Bill: SR 20.00
Delivery: 15 to 21 days from date of departure

Sea Cargo: SR 6.50 with minimum of 50kg
Bill of Lading fee: SR 35.00
Delivery: 50 to 60 days from date of shipment

Branches in Riyadh and Al-Khobar

LBC (www.lbcexpress.com)

Air Cargo
Mula sa 500 gramo  hanggang sa mahigit 50 kilos ay may kaukulang presyo.

Documents: (0.5kg to 2.5kg)
Manila: started at SR 50 and additional SR5 for every half kilo added
Luzon: started at SR 55 and additional SR5 for every half kilo added
Vis/Min: started at 60 and additional SR5 for every half kilo added

Shipments over 2.5kg is considered as Packages.

Packages:
Weight (kg)            Manila                  Luzon            VisMin
0.5                         SR60                   SR65             SR70
1-5                         SR90                   SR95             SR105
Multiplier on succeeding kilos
6-10                       SR9.50               SR10.50        SR19.50
11-15                     SR8.80               SR9.50          SR14.30
16-20                     SR8.00               SR9.00          SR12.75
21-30                     SR7.55               SR8.35          SR12.25
31-50                     SR7.25               SR8.15          SR10.75
+50                        SR7.10               SR7.60          SR10.20

Sea Cargo
Walang timbangan. Walang per kilometer charge. Walang bill of lading. Walang hidden charges. Door to door delivery.
        
Jumbo box (53x51x76cm):  Manila     - SR170
                                           Luzon      - SR190
                                           Visayas    - SR280
                                          Mindanao - SR300

Regular box (53x52x51cm): Manila         - SR110
                                           Luzon          - SR140
                                           Visayas        - SR200
                                           Mindanao    - SR215

LBC Main offices are in Riyadh and Al-Khobar. Just contact them at 800-8-110332 (STC subcribers) and 0567540222 for other network subscribers.

CARAVAN CARGO AGENCY

Website: www.caravancargo.com

Subsidiary of Worldwide Logistics L.L.C. and an approved cargo of Saudi Airlines.

Air cargo: SR5.50/kg (Manila)
                5 to 7 days delivery
            
              SR5.50kg + SR1/km (Luzon)
                7 to 10 days delivery

         SR8.50/kg (Visayas and Mindanao)
                                                                                                   15 to 20 days delivery

Sea Cargo:
SR2.50/kg (Manila) for 45 days delivery
SR2.50/kg+SR1/km (Luzon) for 60 days delivery
SR6/kg (Visayas/Mindanao) for 65 days delivery

Branches in Dammam, Khobar, Jubail, Hofuf, Riyadh, Jeddah and Yanbu
__________________________________________________________
Ikaw na ang pumili Kabayan kung saang forwarder mo ipapadala ang iyong bagahe. Magtanong-tanong din sa mga kakilala kung alin ang ligtas at subok na para padalhan. May inilabas ang DTI na mga pangalan ng mga forwarders na "ban" dahil sa mga reklamo ng mga nagpadala.

http://www.interaksyon.com/business/45689/balikbayan-beware-department-of-trade-and-industry-blacklists-23-local-28-foreign-cargo-forwarders


Saturday, November 19, 2011

Foggy Morning

Halos di makita ang kalsada dahil sa kapal ng hamog. Cancelled ang mga trabahong nangangailangan ng distansiya. "Zero visibility"!
Kasabay ng hamog ang malamig na simoy ng hangin. Nagpapahiwatig na winter na! Ihanda na po natin ang ating mga jacket kung mahina ang resistensiya sa lamig.

Sa mga kababayang nagmamaneho, doble ingat po tayo. Matakaw kasi ang aksidente sa mga panahong ganito. Ang pagmamaneho kapag may fogs ay delikado dahil sa bukod na mahina ang visibility ay madulas pa ang kalsada. Mas mainam na maglakad na lang kung di naman kalayuan ang pupuntahan. Kung nasa loob ka ng sasakyan inabutan ng makapal na hamog, mas mabuting huminto na muna sa tabi at hintaying gumanda ang panahon.  Lilipas din yan pagkatapos ng ilang oras.

Wednesday, November 16, 2011

Kapangyarihan ng OFW

Usap-usapan sa bawat kanto ng kaharian at mga umpukan ng mga Kababayan ang nangyari kahapon sa NAIA airport sa Pilipinas. Sinusubaybayan ang bawat nangyayari at ang live telecast sa TFC. Ganunpaman, di pa rin pinayagang umalis ang former president ng Pilipinas para magpagamot sa ibang bansa.

Ang bansa ay may 3 branches, judicial, legislative, and executive. Ang kadalasang gumagawa ng batas ay ang kongreso (legislative), ang Supreme Court (judicial) ang nakakaalam ng konstitusyon at nagpapaliwag kung naayon ba ang batas na ginagawa ng kongreso, at ang presidente at kanyang kabinete (executive) ang nagpapatupad ng batas para maging opisyal.

Ang nangyari kahapon ay laban ng judicial at executive. Ang desisyon ng Supreme Court ay final ngunit di ipinatupad. Sino ang mas nakakataas o ang mas may kapangyarihan? Ang hatol ng Supreme Court o ang boses ng presidente?

Sa mata at opinyon ng mga OFW dito sa Saudi, naaawa sila sa dating pangulo ngunit sang-ayon sa ginawa ng DOJ. Hindi talaga madaling ibalik ang tiwala sa isang tao kapag ito'y may lamat na.

Tuesday, November 8, 2011

Pinoy Alak at Pulutan

Sino bang hindi nakakakilala sa Pulang Kabayo?


Mula sa google!
Hanep ang nakakaugang sipa at nakakapawi nang matinding uhaw. Lalong tutulo ang laway mo kapag sinamahan ito ng mainit at malinamnam na sisig. Ito ang kadalasang magtandemn sa mga inuman sa Pinas.

Kilala mo ba si Sadiki?


kebab at sadiki
Ito naman ang magpartner dito sa Saudi! Ang mixed beef and chicken kebab mula sa Bukhari restaurant at ang homemade "sadiki". Ang sadiki ay puro alcohol kaya hinahaluan ito ng tubig o di kaya softdrinks. Matindi rin ito kung tumadyak at sa halagang 80 riyals kada litro ay mabibili mo ito ng patago.

Alam nating lahat na may kaparusahan na naghinhintay sa taong mahuhuling umiinom dito sa Saudi, kaya kabayan, mag-iingat po tayo! Ano ba naman ang halaga ng kaunting kasayahan kung ito'y magdudulot sa atin ng kapahamakan.

Monday, November 7, 2011

Kapehan sa Boofia

Walang Pinoy Restaurant ang maagang magbukas sa kaharian kaya ang mga OFW ay nakikibili sa mga boofia na kadalasan ay Indian o Turkish ang nagtitinda.

Boofia - ang tawag sa maliit na carenderia kung saan makakabili ng mainit na sandwiches, kape at tsaa. Alas 4 pa lang ng umaga ay may bukas ng boofia at nagsasara ng alas 11 ng gabi, depende sa lokasyon at sa dami ng kostumer.
Boofia coffee with milk

Ito ang nagsisilbing pantawid gutom ng mga OFW na nagtatrabaho sa gabi at tinatamad nang magluto ng almusal.
Marami kang pagpipilian sa boofia sandwiches. May mga fruit jam din na pwedeng piliin kung allergic ka sa egg sandwich na best seller dito. May beef, chicken o turkey din na pagpipiliin sa halagang 2 to 3 riyals.

Kadalasan kong inuorder ay dalawang egg sandwich (1 riyal each) at isang tasang kape o tsaa (1 riyal). Huwag na nating iconvert sa peso dahil para sa akin, mura na ito.

Madali lang namang gumawa ng egg sandwich na katulad sa boofia. Kumuha ka ng tinapay na pahaba. Tanggalin ang bawat dulo at hiwain sa gitna. (Sayang iyong dulo ng tinapay dahil itatapon na). Painitin ng tinapay, kumuha ng itlog at batihin. Isalang ang kawali at painitin ang mantika. Ilagay ang itlog, lutuin, at hanguin. Kunin ang tinapay, lagyan ng mayonnaise, ginayat na gulay (kadalasang pipino), at ketchup. Dikdikan ng kaunting asin at paminta. Balutin ng sandwich paper at tapos na.

Mas masarap pa rin at walang tatalo sa Pinoy almusal! Iisipin na lang na sana may gotohan, lugawan, at tapsilogan dito.

Sunday, November 6, 2011

Eid Mubarak 2011

Punong puno ang mga mosque sa ganitong pagkakataon. Ang iba nasa labas at sa kalsada na nagsasagawa ng pagdarasal.
Sa mga kumpanya at mga opisina, may libreng cake parties at kainan.
Holiday sa Saudi!

Monday, October 31, 2011

Bangko ni Kabayan

Which one is the best bank?
Nakakatipid tayo kung ang ating bangko sa Pilipinas ay affiliated o partner ng mga remittance centers dito sa kaharian. Nakakatulong ito dahil wala ng additional transaction charges at kadalasang service charges lang ang iyong babayaran. Apat lang ang napili ko base na rin sa kadalasang bangkong pinapadalhan ng mga OFW.

BDO 
Banco de Oro Unibank Inc. was recognized as the Top Commercial Bank in Generating Remittances from Overseas Filipinos for the third year in a row, making it a Hall of Fame awardee for the category.
www.manilastandardtoday.com

 Kapag sa siyudad at mga metro cities, ito ang top choice. Hindi lang dahil marami siyang remittance center partners dito sa Saudi, ay mas madali rin ang pagkuha ng pera lalo pa't may SM malls.





BPI
Bank of the Philippine Islands was awarded the Best Commercial Bank Respondent on Overseas Filipino Remittances for the third year in a row, making it a Hall of Fame recipient for the category.
www.manilastandardtoday.com

Ang pinakaunang bangko sa Pilipinas na sumubok ng online banking. Kaya noong umalis ako ilang taon na ang nakaraan, pinili ko ito para mamonitor ko ang savings ko. Mas choice ko rin ito dahil maraming ATM booths na nakakalat sa mga siyudad.


 
Metropolitan Bank & Trust Company (Metrobank) was named Best Domestic Bank in the Philippines by Asia money in its annual Best Bank Awards. Isa sa pinakamatatag na bangko sa Pilipinas.
http://telupay.com/news/2010


May tiwala pa rin ako sa Landbank of The Philippines,
ang korporasyong na kontrolado at tinutustusan ng ating gobyerno. Ito ang bangko ng mga magsasaka, guro, pulis, sundalo, at mga Pilipinong nagtatrabaho sa opisina ng gobyerno.

Sa mga malalayong bayan na akala mo'y salat sa kahirapan. Halugarin mo ang lugar, tiyak may Landbank!




Sunday, October 30, 2011

Maulang Pag-uwi

Tuyong tuyo ang paligid na dinatnan ko. Bihira ang patak ng ulan sa disyerto. Masyadong mailap ang ulap.
Isa ang ulan sa mga rason ko kung bakit, lagi ko hinahanap ang Pilipinas. Masarap maligo kahit sabihin pang nakikisabay ang kidlat at kulog. Galak na umuwi dahil sabik na makita ang mga mahal sa buhay, ang bagong gawang bahay, ang mga anak ng alaga naming hayop, ang aming luntiang kapaligiran, ang  mga pagbabago sa bayan at siyempre ang paglalaro tuwing tag-ulan.

Noong umuwi ako, malakas ang ulan. Nabasa ang mga kapamilya kong sumundo sa akin  sa airport dahil  tumirik ang jeep na ipinangsundo nila. Ganunpaman, masaya pa rin ang lahat hindi lang dahil marami akong dalang pasalubong kundi dahil nakita nila ako. Bumabalik ang sigla ng pamilya kapag umuuwi ako.

Pagdating sa bahay pagkatapos ng ilang oras na biyahe, may tagabaryo na nagbulong na "buenas" daw ako. Matagal na daw nilang hinihintay ang ulan para sa palayan. Sabi ko naman, "e Auntie, nagkataon lang siguro".
Sinabayan kong maligo si Bunso at mga pamangkin ko. Ang babata pa nila at tanging ako na lang ang matandang nakikipaglaro sa kanila tuwing may ulan.Kung laro ang sa kabataan, kuwentuhan naman ang para sa matatanda. Nakakatamad kausapin ang mga matatanda dahil puro kamatayan ang laging binibigkas."Ay lola, aattend ka pa ng kasal ko, may apo ka pa sakin!"

Walang kamatayan ang kuwentuhan at halakhakan sa bahay. Lagi kaming kumpleto kapag umuwi ako dahil nagsisipag-uwian din ang lahat na miyembro ng pamilya. Parang bumabalik sa nakaraan noong kami'y buo pa.
Nandiyan si tatay, nanay, at mga kapatid. Kahit mahirap ang buhay pero sama-sama.

Sa paglisan sa bahay ay paisa isa. Nauna nang umalis ang panganay at ang iba kong kapatid. Di na ako nagpapahatid sa airport dahil sinasabi ko na baka uulan na naman at mahihirapan sila sa pag-uwi. Ang lahat kumakaway, namumula ang mga mata ni nanay at tatay ngunit sukli ko lang ay ngiti. Ang di nila alam na sa pagtalikod ko ay nag-uumpisa nang umambon.

Kaya panalangin ko, kapag umaalis ako ay dapat maulan. Kahit paano ay maitago ko ang luha  ko sa pamilya, kanayon, at higit sa lahat sa bansa ko. Ang pag-iyak ko ay di kabawasan bagkus ay siyang nagpapatatag at nagpapatibay sa aking pagmamahal sa aking pamilya at sa kapaligiran na aking kinalakihan.


Saturday, October 29, 2011

Saudi Remittance to Pinas Part 2

Maraming paraan nang pagpapadala sa Pilipinas.Pero mas mainam na ideposit na natin ito diretso sa bangko. Ito ay para mapangalagaan ang ating pera at tiyakin ang seguridad ng ating mga dependents.
Kung bago ka at wala ka pang iqama, kailangan mong magbigay ng xerox copy ng iyong passport. Dalhin mo na rin ang company ID mo dahil may mga informations na hihingin sa iyo na tanging sa ID mo lang makikita.
 Ito ang mga remittance centers sa Saudi at kanilang mga allied banks sa Pilipinas.(Jubail City)

1. Bank Albilad Enjaz Remittance 
Laging madami at mahaba ang pila dahil laging mas mataas ang forex kung ikumpara sa ibang remittance center. Tumatanggap din sila ng remittance through Western Union, ML at Cebuana Lhuilier.
Partner Banks : BPI at BDO 
Transaction fees - SAR16 to any banks and SAR35 for Western Union
May additional service fees pa yan pagdating sa Pilipinas at ito ay depende sa bangko. Ang amount na nasa invoice ay hindi fixed at mababawasan pagdating sa Pinas.Mas mabilis din ang bank delivery service nila na minsan 1 araw lang, tanggap na sa Pinas lalo na kapag BPI account.

2. Al-Zamil Exchange and Remittance
Sa lahat ng remittance center, ito ang may pinakamabilis na Pinoy counter pagdating sa transaction. Di mo na kailangan mag fill up ng form kung meron ka nang account dito. Pumunta ka lang sa counter, sasabihin ang beneficiary name at kung magkano ang ipapadala. Ipiprint nila ang invoice at pipila ka na sa cashier.
Partner Bank : BDO 
Transaction Fees - SAR18 for BDO at additional na halos SAR10 for any other account.
Wala nang ibang charges dahil naibawas na. Kung ano ang nasa invoice, yun din ang matatanggap ng beneficiary mo.

3. Al Rajhi Bank - Tahweel Remittance
Tumatanggap lang sila ng mga remittance ng mga Pinoy for Metrobank at BDO accounts.
Kadalasan dito bumibili ng dollar currencies ang mga Pinoy.
Partner Bank: BDO at Metrobank 
Transaction fees - SAR18

4. Telemoney
Isa sa may pinakamababang palitan. Pwede ring magbayad ng SSS contribution dito.
Partner Bank: Philippine National Bank
Transaction fees - SAR 22

5. Samba - Speedcash 
Ang may pinakamabagal pagdating sa transaction. Kailangan mong mag fill up ng form, tapos may verification counter pa na masyadong mabagal bago pumila sa cashier.Tumatanggap din sila ng Western Union remittance.
Partner Bank - BPI
Transaction fees - SAR21 and SAR35 for Western Union.
Ang forex dito ay minuto kung nagpapalit. Di tulad ng ibang remittance centers na isang araw kung magbago ng palitan.

Bago pa lang dito sa Saudi.

6. Quickpay
Medyo last option para sa akin para sa mga baguhan dahil sa medyo high tech ang processing. May mga Pinoy din kasing nahihirapang gumamit ng ATM.
Ito yung padalahan na 24/7 dahil ang transaction ay through ATM. Ito ang may pinakamataas na palitan ng currencies sa lahat ng mga remittance centers. Kailangan lang na malutong at bago ang riyal denominations dahil nirereject ng machine ang mga perang luma at malambot na.
Partner Bank: China Bank  
Transaction fees - SAR20

Payong kapatid ko lang! Huwag nating iremit lahat ng sahod natin. Magtira po tayo ng sapat na pera para sa gastusin natin dito. Mahal natin ang ating pamilya kaya todo suporta tayo pero kailangan din nating magsurvive habang tayo ay nandito. Hindi lahat ay libre ng kumpanya at may pagkakataon ding kailangan nating gumastos.

Friday, October 28, 2011

Saudi Remittance to Pinas Part 1

Unang sahod?
Problema sa baguhang OFW ang pagpili ng remittance center na padadalhan ng unang perang pinaghirapan. Dahil sa kalituhan at dahil bago pa nga ay wala pang tiwala sa mga remittance centers kaya kadalasan ang unang sahod ay ipinadala sa mga businesses na nag-ooffer ng door to door cash delivery at instant cash delivery tulad ng Western Union, Gcash remit, Smart Remit, LBC remit, lhuillier pawnshop remits at marami pang iba.
First and reliable option kung emergency at minamadali ang pagpapadala.
Ang advantage dito ay nakukuha ng iyong mga dependents sa Pinas ang pera nang buo at within a minute lang kung mabilis ang sistema nang nagproproseso.
Ang disadvantage lang dito ay may kataasan ang service charges (dahil nga express) at laging mababa ang palitan ng currencies. At dahil nga buong amount ng pera ang tinatanggap ay doble ingat din ang taong kukuha ng iyong pera sa Pinas. Alam naman nating mainit din sa mga mata ng mga magnanakaw, holdaper, at mga kriminal ang mga establishments na iyan. Ang perang pinaghirapan natin ay isang beses lang lilimasin.

Sa ganitong pagkakataon, mas naaapreciate ang kahalagahan ng online banking system sa buong mundo. Subok na ang kasiguraduhan at maiiwasan pa natin ang posibilidad na madukot ang ating pera. Kaya bago umalis ng Pilipinas, mas maiging magbukas na ng iyong sariling savings account sa iyong pinagkakatiwalaang bangko. Kuhanan mo na rin ang iyong pamilya na padadalhan. Siguraduhin lang na active ito para anytime ay pwede itong magamit at mapadalhan.

Wednesday, October 19, 2011

Kuwento ni Kabayan - Gastura

May mga araw dito sa Saudi na kailangan mo ng kababayan na makakausap at kakuwentuhan. At sa bawat kuwento na iyon, iyong mapapansin, na ang kanyang naranasan ay di nagkakalayo sa iyong sariling kwento. Ikaw ito kabayan!

Gastura
Safety Officer at 6 years na dito sa Saudi
Nagbabakasyon kada 18 months
Tubong Surigao

Dating nagtrarabaho sa Department of Agriculture sa Pilipinas. Nakangiti niyang sinasabi na di naman  naghihikahos ang pamilya niya sa sahod niyang walong libo kada buwan. Pero simula nung nag aral na yung mga anak niya, e talagang namomoblema siya. Pumunta sa Taiwan para maging factory worker ngunit matapos ang saglit na kontrata ay di na nakabalik. "Mahirap kasi dun sa Taiwan dahil kailangan mong magpalit ng identity para makapasok ulit kung tapos na ang kontrata".
"Dito sa Saudi, kahit di kalakihan ang sahod e ayos lang basta nakakapag-aral ang mga anak ko. Isa pa, tuloy tuloy ang kontrata, magaan ang trabaho at maraming overtime. Mga tatlong taon na lang siguro ang titiisin ko. Dalawang taon na lang, gagraduate na yong bunso ko at isang taon para sa licensure examination niya kung makapasa bilang abogado. Makapagpahinga na ako!" Nakangiting kuwento niya na punong puno ng inspirasyon.

Saludo ako sa iyong pagsisikap at tiyaga Gastura!

Tuesday, October 11, 2011

Bawal ang makipagdate sa Saudi?

Bawal nga ba?
single siya at single ako, anong masama?

Ayon sa Saudi law, bawal makipagsocialize ang isang babae sa isang lalaki kung di naman niya ito kapamilya. Sa madaling salita, di nga pwedeng makipagdate sa Saudi kung di mo naman ito asawa. Kaya kapag single ka, ay huwag ka masyadong dumikit at makipag-usap sa mga babae sa publiko. Kung mag-asawa naman, kailangan laging dala ang dokumento na nagpapatunay na kasal nga kayo.Ang mga nahuling lumabag ay may kasong prostitusyon at may hatol na pagkakulong at deportasyon.

Maraming kainan sa Saudi ang may family section, kung saan kumakain at pinagsisilbihan ang may pamilya at ang mga babaeng kostumer. Ang mga kainang walang ganitong kwarto ay masasabing para lamang sa mga bachelor.
Ang  mga Pinoy restaurants sa Saudi ang tanging saksi sa mga taong lihim na nagmamahalan na ang iba ay nauwi sa kasalan. Ito rin ang piping saksi sa mga hulihan kung saan ikinukulong ang nagdidate dahil nga nilabag nila ang conservative law ng Saudi. At ito rin ang lugar na nagtatago ng mga ebidensiya ng pagtataksil ng isang OFW sa kanyang kaparehang naiwan sa Pilipinas.

Karapatan nating magmahal dahil ito'y natural sa atin bilang tao. Pero ang pagmamahal ay nasa tamang tao, tamang panahon, tamang lugar, at tamang pagkakataon dahil nasa Saudi Arabia tayo!

Saturday, October 8, 2011

Droga sa Saudi

Maraming Pinoy ang nakulong at may sentensiya na rin dahil dito. Kahit saang bansa ay may iba't ibang penalty, pero dito sa Saudi ang masasabi kong may pinakamatinding parusa. Ang penalty sa mga drug traffickers sa Saudi Arabia ay kamatayan. Marami na akong nakitang video ng death penalty dito sa Saudi dahil ginagawa naman yon sa harap ng publiko. Nakakapangilabot yung pugot ulo at nakakapatulala yung firing squad. Sinuman ang nakapanuod noon sa aktwal, ay talagang makapagsabi na di pamarisan ang mga nahatulan.
Kung ang guilty drug traffickers sa Pinas ay nagiging inosente, dito sa Saudi kahit magaling ang abogado mo ay talagang mapaparusahan ka.Walang exceptions kumbaga. Kaya nakakaawa iyong mga talagang inosente at naframe up lang dahil talagang di nakakalusot.
Dahil maayos na trabaho naman ang hanap natin, huwag na tayong mag sideline nito. Huwag rin tayong maging mangmang pagdating sa mga ganitong kalakaran. Huwag tayong tumanggap ng mga bagay na di natin alam kung ano ang laman. Kung kakilala mo ang nagpapadala ngunit tumtangging ipasilip sa iyo, e aba tanggihan mo rin. Mas mabuti pang maging magkagalit kaysa magkaibigan na dulot sa iyo ay kapahamakan.

Ang droga ay mahigpit na ipinagbabawal sa Saudi ngunit maraming lokal ang gumagamit nito lalo na yong mga kabataan. Madali kasing malalaman ang taong sabog sa droga kaysa sa taong normal. Pero hayaan na natin sila, bansa naman nila ito.Ang mahalaga isa kang matagumpay na OFW.

Wednesday, October 5, 2011

Ang mga Aberya sa Pagsundo

Bago ka umalis ng Pilipinas, dapat maklaro mo sa agency kung sino ang susundo sa iyo sa airport pagdating mo ng Saudi. Kahit paulit ulit mong itanong sa agency at kahit nakulitan na sila, hayaan mo lang. Ang mahalaga ay iyong matagumpay na pagdating na walang inaalala at aberya.

1st Aberya. Sa airport immigration lane. di mo alam kung saan ka pipila. May pilang puro Pinoy, may pilang puro Indiano, Bangladesh, at iba pa. Ang mga babae, nasa ibang lane din. Ang may asawa at anak, yun nasa unahan at animo'y nasa express lane.
Kadalasan, may sisigaw na isang immigration officer na "from vacation" at "new" sabay turo sa lane. Kung saan nakaturo ang new, doon tayo pumila. Dahil bago ka, kailangan niyong dumaan sa picture taking at fingerprinting kaya lalong matagal ang proseso sa lane mo. Mga aabutin kayo ng mga isang oras o higit pa lalo na kapag nakikipagkwentuhan ang nagproproseso. Huwag mong kainggitan ang mga babae. Dito sa Saudi, basta pilahan, isisingit sila sa unahan.
Medyo masasabi natin na parang matatapang at strikto ang mga immigration officer dito pero huwag kang kabado. Ganun talaga sila!

2nd Aberya. Di mo makita ang bagahe mo at wala na ring mga bag sa baggage conveyor.
 Pakihanap na lang ang bagahe mo sa lapag. Sa tagal ng proseso sa immigaration, di na nakapahintay ang conveyor. Kapag nahanap mo na, exit ka na kaagad sa customs. Ipasok mo ang bagahe mo sa X-ray. Ihanda mo rin ang susi kung ito'y nakapadlock. Minsan kasi pinapabuksan ng customs ang mga bagahe.

3rd Aberya. Sino ba ang susundo? Ang employer ba, driver ng employer, o representative ng employer mo?
Paglabas mo ng customs ay arrival hall na. Makikita mo dito ang mga taong naghihintay ng kanilang susunduin. Dahan dahan lang ang paglalakad at pagmasdang mabuti ang mga plakard. Kung nabasa mo kaagad ang pangalan o ang kumpanya mo, napakswerte mo! Puntahan mo na kaagad at magpakilala ka. Kadalasan ang ganitong eksena, ang susundo sa iyo ay driver o representative ng employer mo.
Kung di mo nakita ang pangalan mo, titigan mo pa ulit. Baka di mo lang napansin. Kung wala, dumiretso ka sa hall at tumambay ka muna. Huwag na huwag kang lumabas ng airport dahil tulad din ng ibang airport, marami ding manloloko dito. Malamang ang susundo sa iyo ay ang employer mong Arabo na di marunong magsulat ng English. Kapag may nakita kang grupo ng mga Pinoy, makijoin ka sa kanila dahil pareho lang kayong naghihintay ng sundo.
Dammam Airport
Dammam Airport
Ang Arabo kung maghanap ay paisa isa. Ang istilo nila ay, tatanungin ang pangalan ng employer, hahanapin ang passport at babasahin ang visa mo. Kung minsan naman, iniisa isa ang bawat Pinoy na nakikita, tinatawag ang pangalan mo. Kung nahanap ka niya kaagad, e di makapahinga ka na ng maluwag.

4th Aberya. Kung matapos ang ilang oras sa paghihintay at di ka pa ring sinusundo.
Tawagan mo ang agency sa Pinas. Kaya mahalaga na meron kang balance load na pangtext sa roaming mo at fully charged ang battery ng celfon mo. Mahalaga rin na mayroon kang allowance na pera para kapag magutom ka ay may pambili. At bago ka umalis ng Pilipinas, dapat nakuha mo sa agency ang contact number ng iyong employer. Kung may extra cash ka, bumili ka ng phone cards, o di kaya kapag may nakita kang OFW, makisuyo ka na makitawag ka sa Pinas o di kaya sa employer mo. Handa namang tumulong ang mga Pinoy sa mga nangangailangan. Sigurado naman akong may susundo dahil legal ka namang OFW.

Kapag nakasurvive ka sa mga aberya, Kabayan na tayo dito sa Kingdom of Saudi Arabia!
Welcome!


Sunday, October 2, 2011

Bahrain - Gateway of OFW to Saudi

Maliban sa Saudi airports, gateway din ng mga OFW ang bansang Bahrain.
Take note lang. Magkaibang bansa ang Bahrain at ang Saudi Arabia. Di sakop ng Saudi ang Bahrain. Lagi kasing nagkakamali ang mga agency sa Pinas sa pagbibigay ng instructions sa mga OFW na ang exit airport ay Bahrain. Sila ang mga OFW na may connecting flight sa Bahrain at may boarding pass na Bahrain-Dammam na walang flight number.
Paglabas mo ng eroplano, dumiretso ka sa immigration lane. Kung Kuwait Airways ang sinakyan mo, maghanda ka ng 10USD para sa transit visa. Kaya bago ka umalis, magpapalit ka na ng dolyar sa Pinas at sana inabisuhan ka ng agency mo na may babayaran ka. Kung ang airline mo naman ay Gulf at Qatar, libre na ang transit visa.
24 hours transit visa ang itatatak ng Bahrain immigration.
Lumabas ka na sa baggage claim conveyor para kunin ang iyong bagahe. Huwag kang lumabas ng airport dahil di naman Bahrain ang country of destination mo. Sa arrival hall, hanapin mo ang office ng SABTCO (Saudi-Bahraini Transport Company) katabi ng rent a car office. Ibigay mo sa kanila ang passport at boarding pass mo. Iaarange nila ang mini bus na sasakyan mo papunta ng Al-Khobar o Dammam kasabay ng iba pang pasahero.

Isang mini bus ang sasakyan niyo na may hinihilang trailer para sa bagahe. Dadaan kayo ng King Fahd Causeway, isang mahabang tulay na nagdudugtong sa Saudi at Bahrain. Sa kalagitnaan, matatagpuan ang immigration at custom ng parehong bansa. Una kayong bababa sa Bahrain immigration para sa exit stamp tapos sasakay ulit ng ilang minuto at bababa para sa security measures. Ibababa ang lahat ng mga bagahe sa trailer, rarampahan ng K-9 tapos ibabalik ulit ang mga bagahe. Sasakay ng ilang minuto at bababa dahil immigration na ng Saudi. Dito mo aabutin ang inis, inip at pagkabagot. Di lang isang beses, kundi panay wala ang immigration officers. Napakswerte ninyo kung nakatiming kayo na nandoon sila. Minsan isang oras ang gugulin sa paghihintay sa natutulog na officer. May iaabot sa iyo ang driver na Saudi entry card para punan mo.(Kung sa eroplano ka sana nakasakay, flight steward ang mag aabot sa iyo).
Pagdating ng opisyal, iaabot mo ang passport at ang entry card. Pipicturan ka at kukunan ng finger print para sa iyong iqama (residential certificate). Huwag ka na ring mabibigla kung patapong ibalik sa iyo ang passport mo. Ganun talaga dito!
Balik ulit sa bus at tuloy tuloy na ang biyahe papuntang Saudi! Depende sa napagkasunduan base sa boarding pass ninyo kung sa Dammam airport kayo ihahatid. Kasama kasi ito sa flight package.
Bridge connecting Bahrain and Saudi Arabia
 Ang final stop ng mini bus ay sa SABTCO station sa Al-Khobar at ang isa ay malapit sa Carlton Hotel. Kaya siguraduhin muna sa agency kung saan ka ba susunduin ng employer mo. Sa Dammam airport ba, SABTCO station ba o sa Carlton?

Saturday, October 1, 2011

Biyaheng Saudi


Tanging Saudi Arabian Airlines lang ang may direct flights mula Pilipinas hanggang Saudi. Mula Manila ay isang sakay lang at makakarating ka na sa mga major cities na Riyadh, Jeddah at Dammam. Pero nabalitaan ko mula sa isang kaibigan na siya ay lulan ng Philippine Airlines papuntang Riyadh.

Direct flights to Jeddah, Riyadh, and Dammam



Philippine Airlines

direct flight to Riyadh only















Maraming eroplano ang pwedeng pagpipilian. Yon nga lang, may mga stopovers at connecting flights ka pang pagdadaanan. Ito ang mga airlines na panay sinasakyan ng mga OFW na papunta at galing ng Saudi.

Stopover in Doha, Qatar
 

Etihad Airways
Stopover in Abu Dhabi, UAE












Gulf Air



Stopover in Bahrain
Stopover in Bangkok, Thailand and Kuwait
May libreng hotel accommodation sa Kuwait.

Stopover in Kuala Lumpur, Malaysia
Matagal pero panay may promo.

Emirates Air
Stopover in Dubai, UAE.
Last option, kasi masyadong matagal ang waiting time ng connecting flights.


Kahit saang eroplano ka man nakasakay, bago ka lalapag ng Saudi airports, may ibibigay sa iyong papel na kailangan mong punan. Kukunin ito ng Saudi immigration counter.
Maraming napupugutang expat dito sa Saudi dahil sa drugs.
Tandaan: Bawal ang drugs sa Saudi. Ingat kayo!